Kabanata 21

59.3K 1.3K 598
                                    

Kabanata 21

Friend

Tatlong araw simula nang nagsimula ang klase. Hindi pa naman kami ganoon ka-busy pero ramdam ko na ang pagkakaiba ng Junior high sa Senior high. Mas nagiging mahirap ngayon kung ikukumpara ko sa naranasan ko sa Junior high.

Nag tipa ako ng mensahe para kay Leader kagaya ng madalas naming ginagawa. Hindi ko pa nga siya nakikita e. Siguro ay abala sa school?

Ako:

Good morning :)

Ilang minuto ang lumipas nang wala akong natanggap na text niya. Bumuntong-hininga na lang ako at bumangon para makapagayos na. Siguro naman ay makakausap ko na siya mamaya kapag nagising na siya.

Nang makababa ako ay maganda ang ngiti nila Mama sa akin. Nginitian ko rin sila pabalik at tsaka ako humalik sa kanilang pisngi.

"Good morning po," ani ko sabay upo sa nakasanayan kong pwesto.

"Malapit na ang 17th birthday mo, Dea. Anong plano mo?" tanong ni Papa.

Natauhan ako sa sinabi niya. Kaagad naman akong nagbilang ng mga araw at nagulat ako na sa susunod na buwan na pala iyon. Halos hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga araw.

"Wala pa po e," ani ko at nagsimulang kumuha ng tinapay at hotdog.

"You don't want to throw a party?" si Mama.

Umiling ako. Gusto ko nga sana ay hayaan na lang nila akong i-celebrate iyon mag-isa. Gusto ko naman maranasan iyon kahit isang beses lang. Birthday ko naman iyon kaya sana pumayag na sila.

"Gusto ko po sana na isama na lang ang mga kaibigan ko sa isang bakasyon?" panimula ko sabay ngiti. "Kahit dalawa o tatlong araw?"

"That's good, hija. Just tell me where and when, okay? Ako na ang bahala sa mga gagastusin " ani Papa kaya naman napanguso ako.

Kaya ko naman na saluhin ang gastos. Malaki ang naipon kong pera na kung iisipin ay kaya ko nang bumuo ng sarili kong pamilya. Kaya kong buhayin kahit pa lima ang maging anak ko. Ganoon kalaki ang savings ko na nakatago sa sarili kong bank account.

"May pera naman po ako."

Nginisian ako ni Papa. "Dadagdagan namin iyon kung ganoon,"

Pagdating sa school ay wala pang ang Prof namin kaya naman kinuha ko ang phone ko para tawagan sana si Leader pero bigla akong napatigil nang may humawak sa aking braso.

Nang lumingon ako ay si Blake ito. Ano naman kaya ang ginagawa niya ngayon sa akin? Para saan ang paghawak niya?

"Maganda ka pala talaga, ano?" nakangising sabi niya sabay bitiw ng braso ko, "You're such a snob."

Umiling ako at akmang ibabalin ulit ang atensyon sa phone pero napatingin ulit ako sa kaniya dahil sa malakas niyang naging pag-upo sa aking gilid.

Kinunotan ko siya ng noo. "Ano ba?"

"Kahit naiinis ay maganda pa rin," hahawakan niya na sana ang kamay ko nang iiwas ko ito. Seriously? Anong problema niya?

"Sungit!" bulyaw niya pa.

Tumayo na lang ako at lumabas na lang ng room. May mga text na pala sa akin si Leader pero hindi ko man lang nabasa dahil busy ako kanina. Buti na lang may load ako ngayon para matawagan siya.

"Leader!" sabi ko kaagad dahil sa bilis niyang sagutin ang tawag ko.

"Baby, I missed you so damn much..." napapaos niyang sabi.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon