Kabanata 35

61.1K 1.5K 346
                                    

Add me on my Facebook account. Just type "Asteraoth WP" para updated kayo sa mga binibigay kong clues doon. Message niyo na rin ako if ever hindi ko kayo na-accept. Thank you!

Kabanata 35

Mother


Leader went home after that night. Ayos lang naman dahil may mga kailangan siyang tapusin na trabaho, kung matatambak kasi ay baka mas lalong hindi siya makapunta dito. Dalawang kumpanya pa naman ang inaasikaso niya ngayon dahil si Legend at Devy ay may sariling kumpanya.

Ang isa raw ay sa kaniyang Tito na tatay ni Hell, wala kasing ibang kapatid si Hell kaya kay Leader ibinigay, kung kay Sylvester naman daw ay hindi rin pwede dahil may sarili din itong kumpanya at tatlong malalaking school. Iyon ata ang business niya?

Wala akong alam gaano tungkol sa business nila Leader pero ramdam ko ang dedikasyon niya para do'n. Hands on siya sa kumpanya at sa pagiging ama ni Freeda.

"Papa's not coming home today?" she askes while eating her cereals.

"Mamaya pagkatapos ng work niya. Do you want anything?"

Umiling lang siya. "I just want Papa to be here with us,"

Sabado at walang pasok si Freeda, buong araw lang kaming mananatili dito sa bahay. Linggo kami kadalasang umaalis kasama si Van.

My phone beeped, someone texted.

Leader:

Good morning, love. How was your day? I missed you and our daughter :(

Napangiti ako dahil sa simpleng emoji na ginamit niya. Hindi ko lubos maisip na ang lalaking naka formal attire at nasa gitna ng meeting ay magagawang mag-text at may emoji pa.

Ako:

Good morning din. Kumakain kami ngayon ni Freeda. Focus ka muna sa meeting mo.


Mabilis siyang nag-reply kaya mas natawa ako. Akala ko ba magiging abala siya ngayon?


Leader:

Should I give up my position here? I want to be your full time husband.

Ako:

Kailangan ka nila sa kumpanya.


Leader:

How about me? Kayo ni Freeda ang kailangan ko!


"Is that Papa?" napatingin ako kay Freeda bago tumango. Nilahad niya ang kaniyang palad kaya iniabot ko sa kaniya ang phone ko.

It doesn't really matter if she's going to check my phone. I don't want to keep any secrets from my daughter anymore, mas mabuti nang maging open kami sa isa't isa.

She handed back the phone as she started eating again.

Tinignan ko ang ginawa niya at siya pala ang nag-reply kay Leader.

"Stop being so corni. Do your thing and we'll patiently wait for you here. I missed you too, Papa." iyon ang nakalagay sa text ni Freeda.

She's cold outside but there's still a soft side in her.

Ilang sandali lang ay tumawag na si Leader, siguro nagulat sa text ng sarili niyang anak.

"Freeda texted me?" bungad niya kaagad.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon