Lame update muna. Hehe. God bless!
Kabanata 34
Protect
Halos takbuhin ko na ang distansya papunta sa school ni Freeda. Tumawag kasi ang teacher niya sa akin at nasa office raw ang anak ko. Hindi ko alam kung anong nangyari, kinakabahan ako.
It's only been two days since that incident with ate Anna. Hindi naman na iyon nasundan kaya hindi ko na rin binanggit pa kay Leader. Ayoko nang palakihin pa ang gulo kung kaya ko naman tiisin. Kusa rin naman na titigil ang kapatid ko.
"Ms. Costello!" ani ni Ms. Rica, ang adviser ni Freeda. "Mabuti ho at nakarating kayo,"
Pagkarating ko sa Principal's Office ay nakita ko si Freeda na nakaupo sa isang gilid katapat ang dalawang batang babae kasama ng mga magulang nila. Pamilyar sa akin ang dalawang nanay na ito, sila 'yong pinaguusapan ang buhay na meron kami ng anak ko.
Mabilis akong pumunta sa gilid ni Freeda. May sugat siya sa braso at magulo pa ang buhok. Ang braso niya rin ay namumula na para bang mariin na hinawakan ng kung sino.
Tipid akong ngumiti sa principal at sa adviser nila, may alinlangan pa. "A-Ano pong nangyari?"
"Aba, Ms. Costello, itong anak mo ay tinulak sa putikan ang anak ko!" turo ni Mrs. Lapuz sa anak niyang hindi naman mukhang narumihan. Ang sapatos lang niya ang may bakas ng putik, bukod pa ro'n ay wala na.
"Ms. Costello," tawag ng principal kaya nilingon ko siya. "Based on the statement of these two kids, they were just playing until your daughter came in to the picture. Tinulak niya ang anak ni Mrs. Lapuz at sinabihan ng kung ano ang anak ni Mrs. Sandoval."
Nakita ko si Freeda na nakayuko at mariin ang pagkakayukom ng mga kamao. Mukhang siyang nagtitimpi at hinahayaan lang na sistensyahan siya.
"Freeda, anong nangyari?" mahinahong tanong ko kay Freeda. Nang umiling siya ay doon ko nakumpirma na walang katotohanan ang bintang nila sa anak ko.
She doesn't want to talk about what happened to her, siguro ay natatakot sa akin. Madalas ko kasing ipaalala sa kaniya ang pagpapasensya kaya naiintindihan ko kung ano man ang sakaling nagawa niya.
"Ang warfreak naman kasi ng anak mo, Ms. Costello!" sabi pa ni Mrs. Lapuz.
"Hindi ganiyan ang anak ko, Mrs. Lapuz."
Hindi naman ugaling mang away ni Freeda lalo na't kung wala naman ginagawa sa kaniya. Wala nga siyang pakialam madalas sa ibang taong hindi naman malapit sa kaniya kaya malabong awayin sila ng anak ko.
I maybe bias but they cannot fool me. My daughter is the victim here!
"Ms. Costello," tawag ulit ng principal sa atensyon ko.
"Bakit po mas mukhang kinawawa ang anak ko kung ganoon po pala ang nangyari?" tanong ko habang nakahawak sa balikat ni Freeda.
"Of course, lumaban ang mga anak namin!" singit ni Mrs. Sandoval.
Maayos pa nga ang tali sa buhok ng anak niya. Mukhang walang kahit anong galos bukod sa narumihan lang ang uniporme. Mas lalo lang akong nagtaka dahil sa itsura ng anak ko.
"May mga galos ang anak ko, bukod pa ro'n ay marumi at magulo ang kaniyang uniporme." pagpapaliwanag ko. "Kung siya pala ang umaway sa kanila, bakit siya ang napuruhan?"
May sasabihin pa sana ako nang bumukas na ang pinto. Tumambad doon si Leader kasama si Sylvester, pareho silang naka puting long sleeves na nakatupi hanggang sa siko. Si Sylvester ay nagawa pa kaming ngitian pero si Leader ay mabilis na dumalo sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)
Tiểu Thuyết ChungDesdemona Astrea Costello, an ordinary girl as well as a scholar student. She is very obedient and well-loved by her parents. Hindi siya kagaya ng ibang bata na lumaking spoiled dahil simple at mahiyain ito. Madalas ay tahimik at ang kaibigan lang n...