Kabanata 36

59.7K 1.4K 158
                                    

Kabanata 36

Sunset

Tulala ako habang hinihintay ang doctor para sa resulta habang ang anak ko ay nasa loob pa ng emergency room. Pinalabas na muna nila ako dahil oobserbahan pa raw si Freeda at mas makakabuti kung maghihintay na lang ako sa labas. May iilang test din na gagawin sa kaniya, wala akong alam kahit isa sa mga 'yon.

I cried so hard that I couldn't even feel my own eyes anymore. My hands were trembling, legs were shaking, pakiramdam ko ay magugunaw ang buong mundo ko.

Nang lumabas ang doctor ay halos matumba pa ako para lang harapin ito. I am hoping for a good news! Nawalan ng malay ang anak ko kanina, walang puwang ang ibang masamang balita ngayon!

"She's still under observation, Ms. Costello. I believed you knew that she had a weak heart?" aniya kaya mas lalong bumuhos ang luha ko.

Akala ko ba ay naagapan iyon? Asthma lang ang alam kong meron siya! Walang kahit anong senyales na may sakit siya sa puso dahil hindi naman siya inaatake! Bakit ngayon lang? Bakit hindi nagpakita noon?

"Hindi niyo alam, Misis?" tanong ng doctor, mahina akong umiling. "May mga case po talaga ng heart disease na hindi kaagad nagpapakita ng senyales maliban na lang kung may mga nangyaring makakapagpalabas dito. Isa na ang extreme emotions dito, Ms. Costello."

Nanghina ako sa mga naririnig ko. Her heart is weak, may sakit siya sa puso. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nakaramdam ng kakaibang emosyon ang anak ko nitong mga nakaraan. She's always calm but she's dealing with something inside her.

"Based on our observation, she's been feeling this kind of pain for a week now,"

Anong klase akong magulang? Bakit hindi ko napansin? Bakit wala akong alam? Ako dapat ang nakakapansin no'n dahil ako ang nakakasama niya! Am I too focused on myself that I almost forgot about my own daughter?

Bakit ba ang bobo ko?

"D-Doc, magiging a-ayos naman siya?" nanginginig kong tanong, naiiyak pa rin.

"Of course, Ms. Costello. Inaalam pa namin ngayon ang posibleng sakit niya. Pwede na siyang ilipat ng kwarto mamaya kapag maayos na ang lagay niya, I'll be back for a while to give you the final results," he excused himself.

I can't help but to fell on where I'm currently standing. Para akong nahilo at mabilis na nanghina ang buong katawan. Kasalanan ko kung may mangyayaring masama sa anak ko. Ang sama kong ina para ilagay sa kapahamakan ang anak ko!

"Dea!" hindi ko na nagawang lingunin ang boses. Naramdaman ko na lang ang hawak nito sa aking braso at tinutulungan akong makatayo para sa upuan iupo.

Hindi ko na napansin na nasa sahig na pala ako at tulala habang naghihintay ulit sa paglabas ng doctor. Bakit wala pa rin siya? Dapat ay pwede ko na ipalipat ng kwarto si Freeda ngayon. Oobserbahan naman siya, 'di ba? Bakit kailangan na nasa emergency room pa rin? Hindi ko maintindihan.

"Dea!" yugyog sa aking balikat ang naging dahilan para mapatingin sa tumatawag sa akin.

It was Van with his bloodshot eyes, his nose were red while his lips were also shaking. I just stared at him, hindi alam ang sasabihin.

"Go back to your senses! Ano ba?!" he said angrily.

Napatulala ulit ako at tumingin na lang sa pinanggalingan ng doctor kanina. Kailangan kong hintayin siyang makarating dito ulit. I need news about my daughter, mababaliw na ako kakaisip sa kaniya ngayon.

"God, Dea!" singhal ulit ni Van, pulling me for a hug. "Come on, huwag mong sarilihin! I'm here for you!"

I nodded silently. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako habang umiiyak na rin siya sa balikat ko. He can't help it, masyadong napamahal sa kaniya ang anak ko kaya masakit talaga para sa amin ito.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon