Kabanata 33

60.8K 1.4K 403
                                    

Kabanata 33

Anna



"Freeda, ilang beses kong ipinaalala sa'yo na hindi ka dapat sumasali sa usapan naming matatanda?" pagalit kong tanong sa anak kong nakaupo ngayon sa sofa katabi ni Leader.

Nasa kabilang dulo naman si Blake habang si Vam ay nakatayo sa gilid niya. Kanina pa ako palakad-lakad habang pinapagalitan si Freeda.

Naiintindihan ko ang punto ng anak ko, ayoko lang na kailangan niya pang makisali. She's too young for that! Hinayaan niya na lang sana kaming matatanda ro'n.

"I know, Mama..." mahina niyang sabi, nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri. "I don't like their choices of words. Iniinsulto ka po nila sa harapan namin, hindi ko na po napigilan,"

"Freeda-"

"Ano ba, Dea? Pagbigyan mo na si Freeda!" asar na sabat ni Van habang mariing nakatingin sa akin. "She knows what she's doing! Hindi naman sasagot 'yang anak mo kung hindi kinakailangan. Come on, girl? Stop being so nice to everyone!"

Tinignan ko lang si Freeda na nakayuko pa rin. Hinahaplos ni Leader ang kaniyang balikat at may kung anong ibinubulong dito.

"We need to understand them, Van! Disappointed lang sila at–"

"Aba, huwag mo akong paandaran niyan! Disappointed dahil sinagot sila nitong apo nila? E, mas lohikal pa nga mag-isip si Freeda kaysa sa mga magulang mong itinakwil ka!"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi kami nagkakasagutan ni Van, ito ang unang pagkakataon na pinagsalitaan niya ako ng ganito. He's always calm and patient to me, kaya nakakagulat na para siyang galit sa akin ngayon.

"Please, stop fighting na po." mahinang sabi ni Freeda. "Ako na po ang may kasalanan..."

"Of course not, baby!" ani Leader sabay tingin sa amin ni Van parang sumisenyas na manahimik muna kami. "I am proud of you and I will always be. Mali ang ginawa mo but I really admire how strong you are, Freeda."

Nakita ko ang panginginig ng balikat ni Freeda, umiiyak na siya kaya naman mabilis siyang binuhat ni Leader para yakapin at aluhin. Walang nagsalita sa amin dahil sa biglaang pag-iyak ni Freeda.

Masyado ko yatang nasaktan ang damdamin ng anak ko. Ipinagtanggol niya lang naman ako, siguro ay masyado lang akong pinangunahan ng pananabik sa pagmamahal ng magulang. Kahit kasi ganoon ang ginawa nila sa'kin kanina ay gusto ko pa rin silang intindihin.

Nakatulog si Freeda sa balikat ni Leader kaya dinala niya na ito sa kaniyang kwarto. Mas makakapagusap kami dahil tulog na si Freeda, hindi nga lang dapat sigawan dahil magigising iyon.

"Nakakainis ka, Dea!" bwelta ni Van sabay salampak sa sofa. "Masyado kang mabait sa lahat kahit hindi naman dapat!"

"Mga magulang ko 'yon, Van! Alam mo naman na mahal ko sila,"

"Avoid from shouting, please? My daughter's sleeping already." pakiusap ni Leader.

I bit my lower lip, pakiramdam ko ay may nagawa na naman akong mali. Akala ko kasi ay magiging masaya at maganda ang pagkikita namin nila Papa ang kaso, hindi naman pala. Ganoon pa rin ang tingin nila sa'kin, tingin ko ay hindi na magbabago 'yon.

"Sorry, Dea. Hindi ko inaasahan na ganoon ang iisipin nila Tita," sabi ni Blake sabay tingin sa amin. "Believe me, wala akong sinabi na may relasyon tayo. Hindi ko nga alam kung paano nila nasabi 'yon,"

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon