Kabanata 4

67K 2.1K 1.2K
                                    

Kabanata 4

Suitor



Hapunan na kaya naman lumabas na ako galing sa aking kwarto para pumunta sa hapag. Kakauwi lang din ni Papa at mukhang pagod pa galing sa trabaho.

Lumapit ako sa kaniya pag mag-mano. Tinulungan ko si Mama sa paglalagay ng mga putaheng niluto at ng iilang pinggan at kubyertos.

Ate is on her phone as she sat down on the chair. Umupo ako sa tapat niya. Umupo naman si Mama sa kaniyang tabi at si Papa ang nasa gitna namin.

I lead the prayer. This is our usual day. Magdarasal bago kumain. Wala gaanong nagsasalita sa amin unless magtanong si Papa.

"Keep your phone, Anna." mariing ani Papa.

Hindi ako gaano makakain dahil abala ako sa pagiisip tungkol kay Leader. Nagiging madikit na siya sa akin at alam niya kahit ang ultimong address ng bahay namin. Is he stalking me?

"Baka naman kausap mo ang boyfriend mo?" mapanuyang tanong ni Mama kay Ate Anna.

Tumawa si Ate Anna at nahihiyang umiling. "Hindi pa naman boyfriend, Ma. Manliligaw ko lang."

Napatingin kaming lahat sa kaniya. Si Ate 'yong tipo na hindi natatakot na ipahayag kila Mama ang nais niya. Pinagbibigyan naman siya sa bawat kapritso niya kahit pa mahigpit ang mga magulang namin.

"Sino ang manliligaw mo na 'yan?" tanong ni Papa.

"Si Leader po," para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko nagawang mag iwas ng tingin sa kapatid ko na ngayon ay namumula at maganda ang ngiti sa labi. "He's an Ellington, Pa!"

"That guy is into business. Mabuti na lang at iyan ang natipuhan mo. Matutulungan tayo niyan kung sakali," saad ni Papa.

Nawalan ako ng gana kumain. Hindi naman na bago sa akin na mabalitaan kong may bagong babae si Leader. Normal na nga 'yon pero ang marinig na nanliligaw siya ay kakaiba. Ang madalas kong naririnig ay bigla na lang sumusulpot ang mga babae niya dahil hindi niya naman na kailangan manligaw.

He will never settle for one woman. It's his hobby. Collecting girls, iyan ang hilig niya. Taliwas sa kapatid niyang si Legend na mailap sa lahat dahil mas seryoso ito sa mga bagay kung ikukumpara kay Leader na mukhang panganib lagi ang dala.

"Of course, Pa. Dadalhin ko siya dito siguro ngayong linggo din." sabi ng kapatid ko.

Hindi na ako nakapagsalita. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking dibdib na ipinagkibit balikat ko na lang. If he wants to court my sister, then go! Hindi rin naman ako umaasa kay Leader. He's a playboy kaya ang ginawa niya sa akin ay panigurakng ego tripping lang.

Inayos ko ang pagparada ng aking bike sa dating pwesto nito. Pinagpagan ko rin ang black skirt ko na hanggang tuhod at ang greyish na blouse. Hinayaan kong nakaligay ang mahaba at itim kong buhok habang ang salamin ko ay hindi ko pa naisusuot. Nasa loob pa ito ng aking bag.

Nagawa kong maglakad na walang suot na salamin. Malabo lang naman ang mata ko pero kaya ko naman maglakad kahit wala ito. I just can't focus on every lecture without it. Mahirap makita ang mga writings sa board kaya nagsusuot ako noon.

People would probably think that I am nerd. Hindi ako ganoon. Tahimik lang talaga ako at mahiyain dahil lumaki akong nasa loob lang ng bahay. Hindi ako sanay sa maraming tao dahil kahit noong elementarya ako ay sa bahay lang ako nanatili.

I was home schooled for six years. Doon ko nakilala si Van. Tutor niya ang naging teacher ko at madalas siyang sumasama sa kaniya.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng quadrangle ay may naaninag na akong katawan ng isang lalaki. Nakahinto ito sa hindi kalayuan sa akin but I can't properly see him. Near sighted ako kaya malabong makilala ko siya ngayon sa estado ko.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon