Kabanata 40

71K 1.7K 608
                                    

This is the last chapter of OBM. Thank you so much for being with me in the journey of Leader and Desdemona. Every reads, votes, and comments are highly appreciated. Thank you for this opportunity.

Kabanata 40

Beautiful

Sumunod lang kami ni Devy sa hospital. She doesn't want me to be there but I insisted. I want to be there for Leader. I want to be with him to hear his opinions, I want to stay with him.

Hindi na sinama rito si Euphy dahil sensitibo raw ang kaniyang pagbubuntis kahit na isang buwan pa lang ang batang dinadala niya. Freeda stayed with her for the meantime.

"You sure you're okay?" Devy asked.

"Ayos lang..."

Kabado ako at nanginginig ang mga tuhod. I can't help but to blame myself for what happened. Tumaas daw ang blood pressure ni Mrs. Leila Ellington, pakiramdam ko ay kasalanan ko kaya siya nagkaganoon. Hindi ko hiniling na mahirapan siya, I just want her to understand what I'm feeling too.

Kung sakaling kila Mama nangyari iyon, baka hindi ko kayanin. Kahit na ganoon sila sa akin ay mahal na mahal ko pa rin sila.

Nakita ko kaagad sila Mama sa labas ng kwarto ng mama nila Leader. Nakaupo lang sila doon kasama si ate Anna na hindi makatingin sa akin. May pag-aalinlangan pa akong lumapit pero marahan akong tinulak ni Devy.

Gustuhin ko mang hanapin si Leader ngayon ay ipinagpaliban ko muna.

"Dea," tawag ni Papa. Lumakad ako papalapit sa kaniya, nakayuko at nanghihina. "I am very sorry,"

Nang marinig ko 'yon ay biglang tumulo ang luha ko. Nanatili akong nakayuko at tahimik na umiiyak habang pinapakinggan ang mga sasabihin ni Papa.

"Hindi ko ginustong saktan ka noon," pagpapatuloy niya sabay hawak sa mga kamay ko. "I've been a very bad father to you but you were able to raised your daughter very well. You've grown up with her, you became strong without us. I am so proud of you,"

Tumango ako at nagpatuloy sa pag iyak. Ang marinig ang mga bagay na 'yon mula kay Papa ay sobrang sarap sa pakiramdam. Hindi ko alam na posible pala na maranasan ko ulit ito.

Naramdaman ko na lang bigla ang yakap ni Papa sa akin. He keeps on saying sorry while crying with me. I can feel his sincerity.

"P-Papa..." basag ang aking boses pero pinipilit pa rin na magsalita. "Napatawad ko na po kayo,"

"God, Dea!" mas umiyak si Papa sa balikat ko. Dinaluhan na siya ni Mama na umiiyak na rin. "Nagsisisi akong ginawa namin sa'yo 'yon noon! Napakasama ko dahil..."

Basag na basag na ang boses ni Papa kaya hinaplos ko lang ang kaniyang likod.

I don't get their reasons for doing that for me but I will always try to understand them. Kahit anong mangyari ay iintindihin ko sila. Patatawarin ko sila kahit hindi sa humingi ng kapatawaran. Lahat ay kaya kong gawin para sa mga taong mahal ko.

"I love you, Papa." bulong ko sa kaniya. "Hu-Huwag na ho kayong umiyak dah napatawad ko na kayo..."

"Hija, I'm very sorry." mahinang sabi ni Mama habang umiiyak. "Hindi ko lang talaga matanggap na n-nangyari iyon sa'yo... I tried to understand but I was scared! Ayokong mahusgahan ng kamaganak natin–"

"Ayos na ho," putol ko sa sinasabi ni Mama.

I find her reasons shallow but I understand. Kahit pa gaano kababaw ang dahilan niya, nanay ko pa rin siya. Mahirap intindihin ang parte na itinakwil nila ako at halos kalimutan na pero iintindihin ko pa rin. Wala akong ibang gagawin kung hindi ang intindihin sila.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon