Kabanata 1

108K 2.5K 1.4K
                                    

Kabanata 1

Leader

"BILISAN mo naman diyan, 'no?" galit na sabi ng aking kaibigan habang ako ay abala sa pagdampot ng aking mga libro sa mesa.

Hindi ko alam kung bakit nagmamadali si Van kaya binilisan ko na lang ang kilos ko. Siguro ay may kailangan siyang habulin o gawin at ako ay nakakasagabal na sa kaniya.

"S-Sorry, Van..." mahina kong sabi sabay yuko.

Inilingan niya ako at tinulungan na sa pagkuha ng iilang libro namin. Pinahiram kasi kami ng libro ngayon at siyam ang libro para sa lahat ng subject. Masyadong makakapal ang bawat isa nito kaya hirap na hirap ako. Hindi naman ako kagaya ni Van na may dalang stroller para sa kaniyang mga libro kaya hindi na siya mahihirapan.

Hindi pa man kami tapos sa aming ginagawa ay may mga bumangga na sa amin. Nalaglag ang mga librong dala ko, wala sa sarili akong napakagat labi dahil sa taranta lalo na't nang mapatingin ako kay Van ay batid kong naiirita na siya.

Kaagad akong lumuhod para damputin ang mga librong nahulog kanina.

"Watch your fucking step!" sigaw ni Van sa mga babaeng dumaan. Anak si Van ng Presidente ng school kaya lahat ay medyo ilag sa kaniya. Walang gustong banggain siya dahil takot sa pwedeng mangyari.

Nanlaki ang aking mga mata nang makitang may umapak sa librong balak ko sanang kuhanin. I gasped nervously as I tried to part my lips to say something.

Napatingala ako at nakita ko si Jameson na nakahalukipkip at nakatingin din sa akin habang nagpupulot. Grade eleven ang isang 'to habang ako ay nasa grade nine pa lamang. Napalunok ako at iniwas ang tingin sa kaniya.

Bakit ba andito ang mga senior sa building namin?

Si Van na ang kumuha nang ibang libro at inilagay iyon sa kaniyang stroller. Tumunganga ako doon dahil hindi ko matingnan ang mga tao sa aming harapan.

Ang malaking pangangatawan ni Jameson ay nakakakilabot. Gwapo si Jameson at mayaman. Kilala siyang babaero pero wala naman akong interes sa kaniya. Madalas niya akong pagtripan at hindi ko alam kung bakit.

Baka ganoon talaga ang hilig niya?

Inayos ko ang aking salamin at pinagpagan ang suot na palda.

"Hoy, Jameson!" matapang na sabi ni Van. Gusto ko siyang pigilan pero mukhang galit talaga ang isang 'to. "Tigilan mo kami, huh? Baka samain ka sa akin!"

Nanlaki ang mga mata ko kaya hinawakan ko si Van para matigil siya sa kaniyang kahibangan. Hindi naman basta natatakot itong mga 'to kay Van dahil alam nila ang kahinaan nito. Of course, Van is into handsome guys. Some people will always abuse that part and I'm sure of it.

Pilit ko siyang hinahatak papalayo roon pero sadyang mahina at lampa ako kaya hindi ko siya maisama sa akin.

"Nakaharang itong kaibigan mo, Van!" utas ni Jameson sabay nguso sa akin. "Nakabalandra ang chimimay mong katulong, e."

Nagtawanan sila Jameson kasama ng kaniyang mga barkada. Hindi ko pinansin ang kaniyang panlalait dahil sanay naman na ako sa ganiyan. Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena pero ayaw kong pati si Van ay nadadamay. Baka madungisan ang record ni Van dito sa school at ayaw ko no'n.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon