Kabanata 32

65K 1.6K 1.1K
                                    

Kabanata 32

Reunion

A week after that moment with Leader, we became closer to each other. He's always here to our condo, siya na rin ang umaasikaso kay Freeda kahit na panay ang pagsusungit ng anak namin sa kaniya.

"I know how to fix my hair, Papa..." mahinang sabi ni Freeda habang kinukuha ang suklay kay Leader.

"Don't you want your papa to fix your hair?" Leader asked while smiling.

Freeda pouted her lips then she looked away. "Of course, I want..."

"We'll fix your hair then,"

Pinagmamasdan ko lang silang dalawa habang ako ay inaayos ang babaunin ni Freeda para sa school. Kapansin-pansin din ang pagiging masayahin ni Freeda nitong mga nakaraan, she's always smiling and that's not her usual self. Noong hindi niya pa alam ang tungkol kay Leader ay mas madalas siyang tahimik pero ngayon ay hindi na.

"You have a nice jet black hair, baby." ani Leader sabay haplos sa buhok ni Freeda. "You looked so beautiful,"

Hindi sumagot ang anak ko pero nakita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi. Dumako ang mga mata ni Leader sa akin at nginitian ko lang siya.

Habang nasa sasakyan kami ni Leader ay naging abala silang mag-ama sa pag-uusap. Freeda is talking about this particular formula in mathematics, I think it has something to do with algebra. She's been reading that book, Van gave it to her.

"Woah, you're studying quadratic equation formula?" tanong ni Leader, mangha sa sinabi ng anak namin.

"Yes. It's pretty easy and interesting."

Hinayaan ko lang si Freeda na banggitin ang mga inaaral niya. This is the reason why they want her to accelerate but I want her to experience on how to be a kid with lesser problems to solve.

Nang maihatid namin si Freeda ay malaki ang ngiti sa kaniyang mukha. She even waved at us before running towards her room.

"Our daughter is genius, Dea." ani Leader sabay akbay sa akin na hindi ko naman pinansin.

"Mana sa'yo," nakangisi kong sabi.

Nanlaki ang mga mata niya at biglang umiling pero natatawa. "Oh no, I think she's like Devy. She's the most hated girl during her grade school days,"

"Huh? Bakit naman ganoon sila kay Devy?" kuryoso kong tanong habang nakatingin kay Leader.

"Well, she's genius but very rude. Laging napapatawag si Mommy noon dahil may nakasagutan na teacher ang kapatid ko,"

Napanganga ako habang pinakikinggan ang kwento niya. Mabuti na lang at tinuruan ko si Freeda na kahit anong mangyari ay dapat hindi siya sumagot sa mas matanda sa kaniya kahit pa paubos na ang pasensya niya. I told her to think first before throwing shades to someone.

"She's savage!" dagdag pa ni Leader sabay halakhak.

Habang nagtatawanan kami ay nakakita ako ng pamilyar na lalaking nakatayo sa kabilang dulo. He's wearing plain white v-neck shirt and a dark maong pants. I gasped while staring at his built.

Oh my gosh, he's grown up!

"Desdemona!" tawag niya sa akin kaya mas nakumpirma kong siya nga ang kaibigan kong ilang taon nang hindi umuuwi.

"Blake..." mahina kong sabi.

Ang akbay ni Leader sa akin ay unti-unting lumuwang kaya napatingin ako sa kaniya. His eyes darked like there is a deep hole in it. I wonder if he's mad?

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon