Note: Hello! Baka matagalan ang susunod na update dahil magiging busy ako. Thank you for all the support. See you on my next update :)
Kabanata 9
Accident
Puyat ako at pakiramdam ko ay maga ang aking mga mata. Kulang ako sa tulog dahil sa video call na pakana ni Leader kagabi. Hindi ako mapakali lalo na't alam kong pinapanood niya ako sa aking pagtulog.
Halos lumipad na ang bisekleta ko sa bilis kong magpatakbo. Madaling araw na ata ako nakatulog at dahil doon ay nahuli ako nang gising.
Kaninang pagkagising ko ay lowbat na ang laptop ko kaya hindi ko na ito binalak na buksan pa. Ginawa ko na lang ang morning routine ko. Kahit ang phone ko ay hindi ko nagawang tignan dahil nagmamadali na ako.
Sa kakamadali ko ay hindi ko napansin ang isang sasakyan sa aking harapan na biglang huminto. Napapreno kaagad ako dahilan kung bakit ako tumilapon sa kung saan.
Nasubsob ako sa isang simento. Namilipit ako sa sakit nang makita ko ang kanang tuhod ko na nagdurugo at ang kabilang paa ay nakabaliko. Napilayan pa yata ako!
Ang salamin ko ay tumilapon kung saan kaya hindi gaanong malinaw ang mga nakikita ko sa kapaligiran. Malapitan lang ang kaya kong tignan sa kalagayan ko ngayon.
Ang palad ko ay mahapdi rin at may gasgas. Masakit din ito na parang may pilay kapag sinusubukan kong itukod pero nang makita ko ang tumutulong dugo na tumama sa aking mata ay kinabahan na ako.
"Gosh!" sigaw ng isang babae.
Sinubukan kong tumayo pero masakit ang paa ko kaya umayos na lang ako ng upo. I touched the side of my forehead. It's bleeding so bad!
"Are you okay?" nag aalalang tanong ng isang babae na ngayon ay dinaluhan ako.
She's wearing a black slacks and a white cropped top tube with some black coat. Naka high ponytail ang kaniyang buhok at ang kinis ng kaniyang mga balat.
May mga lumapit sa aking lalaki at tinulungan akong tumayo. Tinignan ko ang bisekleta kong mukhang nasira pa yata dahil sa itsura nito ngayong nakahandusay sa gilid at may iilang parteng nasira.
Ano ba naman 'tong araw na 'to?
"A-Ayos lang..." bulong ko habang iniinda ang mga sakit.
"I'm so sorry!" ani ng babae at mukhang nataranta na.
Nagawa ko pa rin siyang ngitian. Malayo naman sa bituka itong natamo ko pero nananakit na ang aking ulo.
Inaalalayaj nila akong maglakad papunta sa sasakyan na sinakyan niya. Nahihilo na ako at nangangatog pa ang tuhod. Napakagat labi ako sa sakit ng aking katawan.
Paulit ulit siyang humihingi ng tawad sa akin kaso alam ko rin naman na may mali ako. Naging reckless ako at masyadong nagmamadali. Nadisgrasya tuloy.
"Saan ka ba papunta?" tanong niya habang inaalalayan na rin ako.
"Papasok sana..." sagot ko.
Nakaupo na ako ngayon sa back seat ng isang sasakyan. Katabi ko ang magandang babae at mukhang naiiyak na. Nginitian ko lang siya para hindi na siya mag alala sa akin.
"Manong, let's go to the nearest hospital!" aniya.
Hindi ko na nasundan ang mga nangyari dahil nawalan na ako ng malay. Ang huling narinig ko ay ang sigaw ng babae habang tinatapik ang aking pisngi.
BINABASA MO ANG
One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)
Ficção GeralDesdemona Astrea Costello, an ordinary girl as well as a scholar student. She is very obedient and well-loved by her parents. Hindi siya kagaya ng ibang bata na lumaking spoiled dahil simple at mahiyain ito. Madalas ay tahimik at ang kaibigan lang n...