Kabanata 19
Honor
Kinabukasan ay mugto ang mga mata ko. Hindi ko na rin nakausap si Leader dahil sa kakaiyak. Hindi ko intensyon na masaktan din si ate Anna. Hndi ko nga inaasahan na magagawa siyang pagbuhatan ng kamay nina Mama at Papa.
Pero kung nagawa nila iyon kay ate Anna, malamang ay magagawa rin nila sa akin.
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. Wala akong ganang kumain at natatakot akong harapin si ate Anna. Alam kong galit pa rin siya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi.
"Ma, papasok na po ako," paalam ko kay Mama bago lumapit para mahalikan siya sa pisngi. Bumaling ako kay Papa at ganoon din ang ginawa.
Hinanap ng mga mata ko si ate Anna pero wala na siya. Bihira itong mangyari dahil ako ang mas nauunang umalis kaysa kay ate pero ngayon ay wala na siya kahit maaga pa naman.
"Kumain ka muna, Dea," ani Papa.
"S-Sa school na lang po..." sagot ko bago muling nagpaalam sa kanila.
Paglabas ko ng bahay ay inayos ko pa ang salamin ko. Sakto kong natanaw sa malayo ag kotse ni Leader. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at natatakot na lumapit sa kaniya. Kung hindi ko naman siya lalapitan ay paniguradong ako ang lalapitan niya. Mas lalong hindi pwede iyon.
Kumatok ako sa bintana ng sasakyan niya. Binuksan niya kaagad ang pinto at mabilis akong sumakay doon. Nginitian ko pa siya pero hindi niya ako sinuklian.
"Hindi mo ako kinausap kagabi," aniya sabay paandar ng sasakyan.
"May e-emergency kasi sa bahay..." mahinang sabi ko, nag-iiwas ng tingin.
He took a deep breath. "I understand."
I bit my lower lip. Hindi na siya muling nagsalita. Pakiramdam ko ay may mali. Hindi na rin ako nagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya.
Nang makarating kami sa parking lot at mabilis akong bumaba ng sasakyan. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako. Nararamdaman kong galit siya sa akin pero hindi ko alam ang gagawin ko para pawiin iyon.
Marahan niyang hinawakan ang braso ko. Inangat niya ito para mas makita niya. Doon ko lang nakita ang mga galos ko roon na gawa ni ate Anna.
"Is this the emergency that you were talking about?" puno ng sarkasmo ang kaniyang tono habang ako ay napapalunok dahil sa mga titig niya sa akin.
"L-Lad..."
"Answer me, Dea," naging mariin ang kaniyang boses. "What happened last night?"
Hindi ko maaaring sabihin sa kaniya ang totoo. Kilala ko si Leader at alam kong may gagawin siya sa kapatid ko sa oras na malaman niya ang ginawa nito kagabi sa akin. Hindi pwede.
"Nahulog ako sa hagdan namin." diretsong sabi ko sabay yuko pa habang pinipigilan ang pag-iyak. Ayaw na ayaw kong nagsisinungaling pero wala akong lakas ng loob para sabihin ang totoo.
"What?!" I saw horror written on his face. "Are you okay? May masakit pa ba sa'yo?"
Umiling na ako at yumakap na lang sa kaniya. I want to feel safe in his arms. This is the only place where I think I could stay forever without getting tired of it.
"Mahal na mahal kita..." mahinang sabi ko at kasunod no'n ang pagtulo ng mga luha ko. Mas isinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib.
I felt his lips at the top of my head. "I love you, even more, baby."
BINABASA MO ANG
One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)
Ficção GeralDesdemona Astrea Costello, an ordinary girl as well as a scholar student. She is very obedient and well-loved by her parents. Hindi siya kagaya ng ibang bata na lumaking spoiled dahil simple at mahiyain ito. Madalas ay tahimik at ang kaibigan lang n...