BEA's POV
"Saan kayo galing ni Nico?" Tanong nya saakin
"Dun sa Butterfly Garden ba yun" sagot ko sakanya
"Nasabi nya saakin umiyak ka daw bakit?" Tanong ulit ni kuya
"Tumawag kasi si James gusto nyang balikan ko siya, pero kaya lang naman ako kasi tuwing naririnig ko yung bosses nya, buamabalik lahat ng sakit na idinulot nya saakin" naiiyak na paliwanag ko
"Tsss Dapat hindi mo pinaga-aksayahan ng luha ang taong walang ibang ginawa sayo kung hindi saktan." Sabi ni kuya kaya napayuko nalang ako
"Kuya aakyat na ako ahh" pag papaalam ko sakanya
"Teka may tanong pa ako" sabi nya
"Ano yun kuya" sagot ko sakanya
"Si nico" tanong nya
"Napano si Nico?" Takang tanong ko sakanya
"May gusto ka ba sakanya?" Nagulat ako sa tanong nya
"Hindi ko a-alam k-kuya" nauutal na sagot ko sakanya
"Anong hindi mo alam?" Tanong ni kuya saakin
"Hindi ko sure kung mahal ko siya pero ang alam ko tuwing kasama ko siya masaya ako, comportable ako sa tabi nya at feeling ko lagi akong ligtas tuwing kasama ko siya"
"You're inlove!" Sagot ni kuya
"Siguro nga kuya" sagot ko rin sakanya
"Sasabihin ko kay nico 'to bukas na bukas din whahahahah" pangiinis nya saakin
"Kuya naman wag! Sige sasabihin ko kilala mom and dad na buntis na si ate aira tsaka sasabihin ko kay ate aira na mag propropose ka na sakanya" pananakot ko sakanya
"Sabihin mo kasi kila mom and dad alam nanaman nila whahHa tsaka kahit sabihin mo man kay Aira papakasalan nya parin naman ako eh whahahahah" pangiinis ni kuya saakin
"Ihhh kuya naman ehh wag mong sasabihin kay nico!" Nagmamaktol na sabi ko sakanya
"Sige sa isang condition" nakangising sabi nya
"O sige ano yun!" Masungit na tanong ko sakanya
"Pumunta ka bukas kila nico tas dalhan mo siya ng cake" nakangising sagot nya kaya nanlaki ang mata ko
"Kuya tanga ka ba! Edi lalo siyang nakahalata!" Galit na sigaw ko sakanya
"Bahala ka sasabihin ko nalang sakanya" pang iinis ni kuya kaya pumayag nalang ako
"Sige na nga basta sasama ka ahh" masungit na sagot ko sakanya "tsaka ikaw na din bumili ng cake tutal sayo naman idea yan ehh sige kuya bye! Goodnight!" Sabi ko sakanya atsaka umakayat
"Goodnight NICO!" Pangiinis nya saakin
Ng makapasok ako sa kwarto ko ay naligo muna ako, habang naliligo ako ay biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni kuya. Inlove nya kaya ako kay nico? Sana nga kasi sakanya ko lang naramdaman ang saya na 'to hayyyss sana mahal nya din ako pero ayoko namang mag assume baka sa huli iba naman pala yung mahal nya. Hanggang matapos akong maligo ay yung sabi parin ni kuya yung iniisip ko. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong humiga sa kama at nung pipikit na ako ay may biglang tumawag saakin at nung tinignan ko eto Unknown Number.
"Hello? Sino po ito"
[Ah hello bea Ako to si Nico]
"Oh nico ikaw pala kanino mo nakuha yung number ko"
[ah binigay ni Keano saakin, sabi nya kasi saakin kamustahin kita, ano kamusta ka?]
"Ah ok lang naman ako, salamat sa concern ahh tsaka salamat ulit dun aa kanina ahh"
[ano ka ba wala yun hehehe pero wala ka bang naaalala na sinabi mo saakin?]
"Huh wala naman bakit"
[heheheh may sinabi ka kasi saakin kanina]
"Ano nga yun"
[hehehehe secret]
"Sige na please"
[gusto mo ba talagang malaman?]
"Oo!"
[wag kang mabibigla ahh sabi mo kasi saakin kanina MAHAL MO AKO!]
"WAAAAAAAAAA! Sinabi ko ba yun?!"
[heheheh sabi ko naman sayo wag kang mabibigla ehh, ikaw ahh gusto mo pala ako!]
"Waaaaaa huhuhuhuhuhu"
[wag kang mag alala I'll keep it ang secret ] sabi nya atsaka pinutol yung tawag.