BEA'S POV.
Maaga ako ngayon nagising pero di ko parin alam kung anong gagawin ko, hayssss namimiss ko na si nico, namimiss ko na yung may nagungulit saakin, namimiss ko na yung may nag aalaga saakin, namimiss ko na yung may yayakap saakin, namimiss ko na yung may mag go-good morning/afternoon/goodnight saakin, hayssssss tama nga si Aliza mahal ko pa nga talaga si Nico, hays sana nandito si nico sa tabi ko at sana magising na si nico at walang mangyaring masama sakanya
Naligo muna ako kasi nasipan ko munang mag jogging, habang naliligo ay hindi mawala sa isip ko si nico, arghhhh pakshet naman!. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis..... nagsuot ako ng sweatshirt , jogging pants at rubber shoes. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong lumabas at nagsimulang mag jog; habang nag jo-jogging ay naboring ako kaya sinuot ko yung headset ko at nagpatugtog
Palungkot ng palungkot yung kantang pinapakinggan ko.... Arghhh bat parang nananadya si tadhana?! Ano bang kasalanan ko sakanya nya?!, nagulat nalang ako ng bigla akong natumba
"Aray!" Sigaw ko
"Hey miss are you okay?" Tanong nya.... argh letse naman nakita ng nadapa ako itatanong pa kung ok lang ako
"Tanga ka ba? Nakita mo ng nadapa ako tatanungin mo pa kung ok lang ako?!" Pilosopong sagot ko sakanya kaya medyo natawa siya... wait! Naintindihan nya ba yung sinabi ko?!
"Ok ok sorry!.. filipino ka?" Tanong nya
"Mukha ba akong subject?" Pilosopong sagot ko ulit sakanya
"I mean kung taga pilipinas ka ba?" Sabi nya
"Oo! Bakit hindi ba halata?!" Pasigaw na sabi ko sakanya
"Ang Ganda mo!" Nakangising sabi nya
"Che! Eh kung tulungan mo nalang kaya akong tumayo kesa mambola ka dyan!" Galit na sabi ko sakanya kaya agad nya ako tinulungan, pero nung nakatayo na ako ay bigla kaming na out of balance at natumba! WTF! Naramdaman ko na dumampi ang labi nya sa labi ko! WAAAAAAAAAA! Kaya agad agad akong tumayo, at nung pagka tayo ko ay sinipa ko siya sa tyan!
"ARAYYYY!" Daing nya "bat mo ko sinipa?!" Tanong nya saakin
"Eh bakit mo ako hinalikan?!" Tanong ko naman sakanya
"Anong hinalikan?! Ang kapal mo ahhh!" Pagalit na sabi nya saakin. ARGHHHHH! nangigigil na ako sa lalalking to!
"Totoo naman ehh! Sinadya mo talagang matumba tayo para mahalikan ako!" Sabi ko sakanya
"Huh! Kakaiba rin yang ilusyon mong eh no! Bahala ka na nga sa buhay mo!" Sabi nya atsaka tumayo at nagmadaling naglakad
"Hoy bumalik ka ditong lalake ka! Di pa tayo tapos!" Sigaw ko sabay bato ng bote at sakto namang tinamaan siya sa ulo kaya huminto siya at tumingin saakin ng masama
"Anong di pa tapos?! Bakit gusto mo ba akong halikan ulit?!" Nakangisisng sabi nya atsaka tumalikod at naglakad ulit
"Ang kapal ng mukha mo! Makarma ka sana!" Naggagalaiting sigaw ko, agad din akong naglakad pauwi pagakatapos nung eksenang yun! Arghhhh nakakainis naman!
Pagkadating ko sa bahay ay nag shower muna ako sandali at pagkatapos ay nagbihis, pagkabihis ko ay pumunta muna ako sa kusina para magluto ng almusal, nagluto ako ng bacon, egg, hotdog at spam, at pagkatapos ay pumunta na ako sa dining table para kumain na, pero biglang nag ring yung phone ko at nung tinignan ko kung bakit ay tumatawag si mommy! Kaya agad ko itong sinagot
"Hello mommy!"
[Hi bea! Kamusta ka na dyan?!]
"Ok lang po mommy"
[alam mo na ba kung anong gender nyang magiging baby mo?!]
"Hindi pa po mommy"
[Bea may itatanong lang ako]
"Ano po iyon mommy?"
[mahal mo pa ba si nico?!]
"Opo mommy mahal ko pa po si Nico, pero hindi na po gaya nung dati"
[bakit naman anak?]
"Siguro po dahil masyado nya po akong nasaktan"
[haysss pero sana mapatawad mo na si Nico!]
"Matagal ko na po siyang napatawad mommy"
[eh kailan ka ba babalik dito anak?]
"Siguro po kapag naka graduate na po ako dito"
[nag aaral ka dyan?!]
"Opo mommy"
[anak baka makasama yan sayo!]
"Mommy naka home study po ako!"
[jusme akala ko naman pumapasok ka pa araw araw ehhh, pero kailan ba yung graduation mo dyan?!]
"Siguro po mommy bago po manganak"
[o sige na anak bye na, mag ingat ka dyan ahh, tawagan mo ako kapag may problema ka, i love you]
"Good bye mommy i love you too!" Sabi ko kay mommy atsaka pinutol yung tawag
THANKS FOR READING THIS CHAPTER
PLEASE VOTE IT!A/N
hoyyy sorry po kung ngayon lang po ako nakapag update naging busy po kasi ako ehhhh..... sana po magustohan nyooNagmamahal kahit hindi nya minahal
Silentwritter015