BEA's POV
Ilang taon rin ang lumipas nung huli kong makita ang pilipinas. Aaminin ko na namiss ko rin ang bansang ito kahit papaano. Hindi madaling manirahan sa ibang bansa. Buti na lang at naroroon si Aliza At Lewis para tulungan akong magpalaki sa anak ko. Malaki ang utang na loobko sakanila dahil sila ang karamay ko tuwing may problema ako. Bukod sa anak ko ay sila ang nagpapasaya saakin. Nung maka graduate ako ng Architecture, nag aral ulit ako ng Engineering. Nung maka graduate ako ay madaming sikat na Real Estate Company sa UK anb kumuha saakin. Habang nag tatrabaho ay si Aliza ang nag alaalaga sa anak ko. Kahit papaano ay naka ipon naman ako.
Hindi na ako ang Bea na nakilala nila noon. Hindi na ako yung nakilala nilang mahinhin. Hindi na ako yung nakilala nilang Bea na madaling masaktan. Hindi na ako marupok.
Malaki ang pinagbago ng pangangatawan ko. Tumangkad ako at lahit papaano at nagkaroon ng kurba ang katawan ko. Mas lumaki ang Boobs ko. Mas nag mature na ako.
Kung hindi lang talaga ikakasal si kent ay hinding-hindi ako uuwi dito.
Aaminin ko na kahit papaano ay hindi parin ang nakakamove on kay Nico. Tangna! Ang hirap kaseng kalimutan ng kupal na yun eh! Lalo na't kamukhang kamukha nya yung anak namin.
Nung makalapit saamin sila Aliza at Lewis, agad kong kinuha yung bag ko at nagprisinta naman si Lewis na buhatin si Keizer
"Teh! Ang bigat na ng anak mo!" Reklamo saakin ni Lewis kaya natawa ako
"Aba! Kasalanan nyo yan! Sabi ko naman kase na wag nyong pakainin ng pakainin eh! Yan tuloy medyo tumaba" natatawang sabi ko sakanya
"Kasalanan yan ni Aliza teh! Masyadong inispoil tong pamangkin nya!" Mataray na sabi ni Lewis kaya tinaasan siya ng kilay ni Aliza
"May sinasabi ka bakla?!" Taas kilay na tanong ni Aliza kay Lewis
"Wala!" Agarang sagot ni Lewis
Nung makalabas kami ng Airport ay agad kong nakita si Kent na naka tayo at mukang inip na inip
"Kent!" Sigaw ko kaya napalingon siya sa kinatatayuan ko at agad lumapit
"Ate! Kamusta?" Pangangamusta nya
"Eto maganda parin" sagot ko sakanya kaya napangiwi siya
"Tito Kent!" Sigaw ng anak ko habang tumatakbo papalapit kay Kent
"Hey there baby boy!" Bati ni Kent sa anak ko atsaka binuhat ito
"Tito Kent! Yung promise mo ah!" Naka ngiting sabi ni Keizer sa tito nya
"Yeah! Mamaya pupunta tayo Dun!" Sagot nya sa anak ko
"Hoy saan mo dadalhin ang anak ko mamaya ha?!" Mataray na tanong ko
"Mommy, sabi kase ni tito pupunta kami sa place na madaming girls then kakainin namin yung mga girls" masayang sagot ng anak ko
"Hoy Kent! Ikaw magpapakasal ka na't lahat nambababae ka pa! Tas isasama mo pa ang anak ko ha?! Kahit kailan gago ka talaga!" Sigaw ko sakanya
"HAHAHAHAHAH" narinig kong pagtawa ni Lewis at Aliza
"Tara na nga!" Pag aaya ko sakanila
Nung makarating kami sa sasakyan nya, agad akong sumakay sa passenger seat kasama ang anak ko. Habang si kent ay isinasakay ang mga gamit namin. Si Lewis At Aliza naman ay nagkukwentuhan sa likod
Nung sumakay na si Kent, agad nyang pina andar ang sasakyan nya
"Uhm Aliza, Didiretso ka ba sa bahay nyo? Or stay muna tayo sa Condo ko?" Tanong ko kay Aliza
"Stay muna ako sa Condo mo. Masama kasi pakiramdam ko eh" matamlay nyang sagot
"Kent paki sabi mo nalang kila Tita Ericka na nasa condo ko si Aliza ah" pakiusap ko sa kapatid ko
"Sure Ate. Ako na bahala" naka ngiting sagot ko nya saakin
Makalipas ang isang oras, nakarating na kami sa Condo ko. Agad kaming bumaba. Buhat buhat ko ang anak ko na mahimbing na natutulog.
Medyo may kalakihan rin ang Condo ko. Meron itong 3 kwarto, sala, kitchen at Cr.
Dumirestso ako sa kwarto ko upang i higa muna ang anak ko
Paglabas ko ng kwarto, nadatnan ko si Aliza na nasa lababo at sumusuka
"Aliza okey ka lang?" Tanong ko sakanya
"Oo." Naka ngiting sabi bya
"Ilang buwan ka na bang buntis?" Tanong ko sakanya
"H-Hindi ako b-buntis" pagsisinungaling nya
"Hay nako! Wag ka ng mag sinungaling alam ko na buntis ka at si Lewis ang ama" sabi ko sakanya
"S-sinong nagsabi sayo?"
"Edi si Lewis"
"Hoy Lewis!" Sigaw ni Aliza kaya agad lumapit si Lewis saamin
"Oh baket?" Inosenteng tanong ni Lewis
"Ikaw kase eh! Sabi ko sayo wag mong ipuputok sa loob! Di ka marunong makinig kahit kailan!" Inis na sigaw ni Aliza
"Aba'y kasalanan ko pa ano?! Kung di mo ako pinagsamantalahan di ka mabubuntis!" Taas kilay na sabi ni Lewis kay Aliza
"Ewan ko sayo! I Hate You!" Sigaw ni Aliza sa mismong mukha ni Lewis atsaka nag walk out
"I Love You!" Malanding sigaw ni Lewis
"Sundan mo na yung mag ina mo" natatawang sabi ko kay Lewis na agad nya namang tinalima. Agad siyang pumasok sa kwarto kung saan pumasok si Aliza
THANKS FOR READING THIS CHAPTER!