CHAPTER 48

37 15 0
                                    

NICO'S POV.

Naka upo parin ako dito sa sahig matapos akong matanggap ng sapak, mura at masasakit na salita mula kay kuya Keano pero hindi naman ako galit sakanya dahil tama siya kasalanan ko lahat to! Kasalanan kong nambabae ako kahit alam ko kailangang maging kami ni bea! Kasalanan ko na hindi ko na suklian yung pagmamahal nya saakin! Kasalanan ko na nasaktan siya! Kasalanan kong pina-ikot ko siya! At higit sa lahat kasalanan ko rin kung bakit ilalayo siya saakin ni kuya Keano! Tangina!
Nagsisisi na ako na pumasok pa ako sa ibang relasyon kahit alam kong nakatali na ako!

"N-nico totoo ba na m-may babae ka?" Tanong ni ate saakin

"Y-y-y-yes" nahihiyang sagot ko sakanya

"But why? I Thougth you love bea? I thought that you like her? But why is this happen?!" Galit na sabi ni ate saakin

"S-sorry ate! Lahat ng sinabi ko sayo noon ay kasinungalingan lang! Lahat ng iyon ay palabas ko lang! Dahil bago pa maging kami ni bea ay may babae na a-ako, pero pinagsisisihan ko na lahat yun ate! Sising sisi ako dahil kung kailan natutunan ko ng mahalin si bea ay nangyari pa to! Nag sisisi na ako na sinayang ko siya!" Sabi ko sakanya habang umiiyak

"Nico isang malaking kahihiyan yang ginawa mo! Pinagkatiwalaan ka ng mga magulang ni bea tas ganyan lang gagawin mo? Sasaktan mo siya? Kahit kung ako man yung nasa posisyon ni keano, gagawin ko rin yung ginawa nya sayo! Nico you bring a big trouble to our family! Hindi ko alam kung anong magagawa sayo ni daddy kapag nakarating to sakanila! Nico alam mo bang pwede mong masira yung matagal na pagkakaibigan ng mga magulang natin at mga magulang nila bea?!" Galit na galit na sabi ni ate saakin kaya napayuko nalang ako

"H-Hingi ako ng tawad kay Bea" sabi ko sakanya

"Hihingi ng tawad?! Paano!? Di mo ba narinig yung sinabi ni keano ha? Ilalayo nya sayo yung kapatid nya! Nico ayusin mo yang problemang dinala mo sa pamilya natin! Im very disappointed to you, Nico!" Sigaw ni ate atsaka naglakad papasok ng bahay

Tumayo agad ako mula sa pagkakaupo ko at pagtayo ko ay agad din akong naglakad papasok sa bahay, habang naglalakad ay naisip ko nanaman lahat ng pagkakamali ko, mga pagkakamaling hindi ka kayang mabago pa!

Nung makapasok ako sa bahay ay sinalubong ako ni manang na alalang ala

"Jusme! Ang nangyari sayong bata ka!? Bat may mga pasa ka?!" Nag aalalang tanong ni manang saakin

"Wala lang to manang" walang ganang sagot ko sakanya

"Jusmiyo! Anong wala?! Jusme kang bata ka! Tignan mo yang mukha mo puro pasa!" Sigaw ni manang "teka kukuha lang ako ng panggamot sa mga sugat mong bata ka!" Sabi ni manang atsaka naglakad papunta sa kusina at ilang sandali pa ay lumabas na siya dala dala yung isang kit

Sinumulang gamutin ni manang yung mga sugat ko at ilang sandali pa ay natapos na siya kaya nagpaalam na ako na aakyat na ako

"Manang aakyat na ako" walang ganang sabi ko

"Teka! Hindi ka muna ba kakain?" Tanong nya

"Wala akong gana manang" sagot ko sakanya

"O sige bahala ka ng bata ka! Pero kapag nagutom ka bumaba ka nalang dito ah!" Sabi nya kaya tumango nalang ako atsaka nagsimulang umakyat ng hagdan

Habang naglalakad ay narinig kong may kausap si aye sa phone kaya nag eavesdrop muna ako

"D-dad?"

[hello aira! Ano tong nabalitaan kong naghiwalay daw si nico at bea?!] Medyo galit na sabi ni daddy base sa aking narinig

"Y-yes dad that's true" nahihiyang sagot ni ate

[in what reason!?]

"Nico is cheating to his girlfriend"

[what?! Nasaan yang kapatid mo gusto kong makausap]

"Dad calm down, please wag mo muna ngayon kausapin si nico dad, give him time first so he can think"

Hindi ko na tinapos yung pakikinig sa usapan ni daddy ay ate dahil alam kong masasakit na salita lang yung maririnig ko!

Naglakad ulit ako papunta sa kwarto ko at ilang sandali pa ay nandito na ako, agad akong pumasok at pagkapasok ko ay sinarado ko yung pinto at umupo sa sahig at umiyak

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon! Hindi ko alam kung sino pang malalapitan ko dahil mukhang pati yung mga kaibigan ko ay galit saakin!

Habang umiiyak at naisipan kong tawagan si bea para makausap ko siya ng maayos

Pagkakuha ko nung phone ko ay agad kong dinial yung number ni bea, habang nagriring ay nagdadasal ako na sana sagutin nya pero makalipas ang ilang minuto ay hindi nya parin sinasagot at nung tinawagan ko ulit ah nakapatay na yung telepono nya

THANKS FOR READING THIS CHAPTER
PLEASE VOTE IT!

We belong to each other Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon