BEA's POV.
"Nico" tawag ko sakanya habang naka yakap parin siya saakin
"Hmmm" sagot nya
"Tara labas na tayo" yaya ko sakanya pero nanatili siyang nakayap sakin
"Mamaya na" seryosong nya
"Tsk! Tara na para masabihan na natin si Clyde"
"I love you so much Bea!" Seryoso paring sabi nya
"I love you too Nico" sabi ko sakanya atsaka hinalikan siya sa labi
"Tara! Puntahan na natin sila Clyde" Sabi nya atsaka kumawala sa pagkakayakap saakin
Magkahawak kamay kaming naglakad papunta kila Clyde. Nung nakita namin sila, agad kaming lumapit sa pwesto nila
"Naks! Ang sweet naman!" Naka ngiting sabi ni Clyde nung makita nyang magka-hawak kamay kami ni Nico
"Hi Clyde! Hi Mia! Alam nyo bagay na bagay talaga kayong dalawa!" Papuri ko sakanilang dalawa
"Tsk! Sabi sayo eh bagay tayo!" Naka ngising sabi ni Clyde kay Mia kaya inirapan siya nito
"Tao tayo hindi bagay! Wag kang bobo!" Inis na sabi ni Mia kay Clyde kaya napangiwi ito
"Nga pala, pwede ba kayong dalawa mamaya?" Tanong ko sakanilang dalawa
"Huh? Saan?" Takang tanong ni Mia
"Uhm, dun sa Hotel namin" naka ngiting sagot ko
"Talaga?!" Ani ni Clyde
"Yup!" Sagot ko sakanya
"Game ako dyan!" Masiglang sabi ni Mia
"Ako rin!" masayang sabi n¡ Clyde
"Eto yung address nung hotel" sabi ko sabay abot ng isang maliit na papel
"Una na kami ni Mia! Aayusin muna namin yung gamit namin" sabi ni Clyde sabay akbay kay Mia. Medyo nag blush si Mia dahil sa ginawa ni Clyde
"Sige! Ingat kayo!" Sabi ni Nico sakanila.
"Nico tara ayusin na natin yung gamit natin" sabi ko sakanya kaya nagsimula na kaming maglalad papunta sa parking lot
Magkahawak kamay kaming naglalakad kaya naraming estudyante ang nakatingin saamin
Nung makarating kami sa parking lot, nagring ang telepono ni nico
*RIIIIIIIIIIIING RIIIIIIIIIIIIIING*
"Panda hindi mo ba sasagutin?" Tanong ko sakanya
"Hindi na" sagot nya naman
"Sagutin mo na! Baka importante yan" sabi ko sakanya
"Ah sige!" Sabi nya atsaka kinuha yung phone nya sa bulsa at lumayo saakin........... Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin bumabalik si nico kaya lumapit ako sakanya atsaka nag EAVESDROP hehehehhe
"I Love you too!" Sabi ni nico at binaba yung phone nya
"Panda sino yun?" bigla akong nagsalita kaya nagulat sya pffft
"Babe! Kanina ka pa ba dyan!" Tanong nya
"Hindi kakarating ko lang" nagtatakhang sabi ko sakanya
"Ah akala ko kasi kanina ka pa dyan eh" sabi nya
"Sino ba yung tumawag sayo?" Tanong ko sakanya
"S-si Mommy lang yun! Tara na babe baka nandun na sila c-clyde!" Nauutal na sabi nya kaya nagtaka ako, hanggang makarating kami sa kotse nya ay napansin kong parang naiilang si nico
"Panda ok ka lang ba?" Tanong ko sakanya
"O-Ok lang a-ako" nauutal na sabi nya kaya tumango nalang ako,
Habang nasa byahe ay parang naiilang na rin ako kasi dati habang nagbyabyahe ay palagi nya akong kinakausap, hinahawakan yung kamay ko at kumakanta! Kaya nagtataka ako ngayon kung bakit ang tahimik nya at parang lingon ng lingon sa bintana
Nung makarating kami sa village ay mabilis parin ang takbo ng sasakyan namin at napansin kong lumagpas na kami sa bahay ko!
"Nico lumagpas na tayo" sabi ko sakanya kaya agad siyang pumreno
"Sorry d-di ko napansin" sabi nya habang lumiliko
"N-Nico ok k-kalang ba talaga? Para kasing wala ka sa sarili mo eh" sabi ko sakanya
"Ok nga lang ako!" Medyo tumaas yung boses nya kaya nabigla ako
Wala kaming imikan hanggang sa makabalik kami sa bahay
Agad akong bumaba nung tumigil yung kotse ni nico sa tapat ng bahay
Nagtaka ako nung bumaba rin si nico sa sasakayan nya
"Bea....." pagtawag nya kaya lumingon ako sakanya "sorry...." sinserong sabi nya
"Ok lang" sagot ko sakanya
"Sorry talaga..." sabi nya atsaka lumapit saakin at yinakap ako
Agad akong kumalas mula sa pagkaka yakap ni Nico saakin
"Sige na papasok na ako at mag aayos pa ng gamit..... ayusin mo narin yung gamit mo tas balikan mo nalang ako" malamig na sabi ko sakanya at tumalikod
THANKS FOR READING THIS CHAPTER
PLEASE VOTE IT!:)