BEA's POV
SABAY kami ni Nico na pumunta dun sa gate. Pagdating namin dun, agad binuksan ni Nico yung gate at bumungad saakin si Mia At Clyde
"Bea! Gosh! I miss you so much sis!" Sabi ni Mia atsaka yumakap
"Na miss rin kita Mia!" Sabi ko sakanya
"Hey Bea! What's up?" Si Clyde na may kasamang isang cute na batang babae
"Hi Clyde! eto maganda parin! Sino tong cute na baby girl na kasama mo?" Tanong ko
"Anak say hi to your tita Bea" utos ni Clyde sa anak nya
"Hi po Tita Bea! Ako po si Wintermelon Centeno" magiliw na pagpapakilala nito
"Ang cute mo naman!" Sabi ko habang pinipisil yung pisngi nya
"Nag mana po ako kay Daddy eh" sabi nya atsaka humagikhik
"Hoy Gago! Kamusta ka? Kailan masusundan si Winter?" Tanong ni Nico
"Baka mamayang Gabi gawin na namin!"
"Hahahah gago ka talaga!" Ani ni Nico
"Nasaan nga pala yung anak nyo pre?" Tanong ni clyde
"Ayung lumalangoy na dun!" Sagot ni Nico
"Tara! Tara pasok kayo!" Sabi ko. Inakbayan ako ni Nico habang naglalakad kami papunta sa poolside
"Ok na kayong dalawa? Kayo na ulit?" Tanong ni clyde
"Oo pre! Naka score na nga ako eh" nakangising sagot ni Nico
"Nakputcha! Lakas mo talagang gago ka!" Natatawang sabi ni Clyde
"Hoy Clyde! Diba sabi ko sayo tigil-tigilan mo yang pag mumura mo!" Mataray na sabi ni Mia
"Oo na!" Sabi ni clyde
Nung makarating kami sa Poolside, agad naming nilapitan ni Nico si Keizer.
"Nak, nag eenjoy ka ba?" Tanong ni Nico kay Keizer
"Yes Daddy! Nag eenjoy po ako! By the way Daddy, sino po sila?" Takang tanong ni Keizer habang nakatingin kila Mia
"Tara 'Nak I'll introduce them to you" sabi ni Nico
Agad na umahon si Keizer sa pool. Agad kaming lumapit kila Mia
"Anak, eto si Tito Clyde mo at ang Tita Mia mo" sabi ko sakanya
"Hi there Baby Boy!" Ani ni Mia
"Hi po! Ako po si Keizer Nikolas Casanova!" Masiglang sabi ni Keizer
"Ang Cute mo naman!" Sabi ni Mia
"Tangna! Kamukhang kamukha mo pre!" Manghang-mangha na sabi ni Clyde
"Gagun talaga kapag gwapo!" Nakangisi na sabi ni Nico
"Mommy! Daddy! May sasabihin po ako sainyo" sabi saamin ni Keizer
"What is it baby?" Tanong ko
"Mommy dun po tayo!" Sabi ni Keizer atsaka hinila kami ni Nico papunta dun sa likod ng puno
"Anong sasabihin mo baby?" Malambing na tanong ni Nico
"Daddy, sino po yung girl na kasama nila Tito at tita?" Tanong ni Keizer
"Ah siya si Wintermelon"
"Ilan na po siya?"
"4 years old baby" nakangiting sagot ni nico
"Bakit mo natanong baby?" Tanong ko sakanya
"I think i like her!" Sagot nya kaya natawa kami ni Nico