CHAPTER 20

44 47 0
                                    

NICO's POV

"Bea tara na habang tulog pa sila ate" nakangising anyaya ko sakanya nung makarating ako sa Garden

"Wag kang lalapit sakin Panda" banta nya saakin nung papalapit na ako sakanya

"Ano namang magagawa mo kung gusto ko?" Nakangising sagot nya saakin

"Makakatikim ka saakin kapag lumapit ka!" Banta nya

"Gusto ko yang Idea mo pusa" nakangisng pang iinis ko sakanya

"MANYAK!" Sigaw nya atsaka tumakbo palabas ng gate kaya natawa nalang ako at agad ding sumunod sakanya palabas at nung pagkalabas ko ay nakita ko siyang nakasibangot at nakasandal sa kotse ko hehehhe, dumeretso muna ako sa likod para ilagay yung gamit namin sa compartment at dumeretso sa passenger seat para pagbuksan siya ng pinto at alalayang sumakay at nung nakasakay na siya ay bigla nyang sinara kaya naipit yung kamay ko! ARAAAAAAY!

"ARAYYYYY!" Sigaw ko kaya agad na binuksan ni bea yung pinto

"Nico ok kalang ba?!" Nagaalalang tanong nya

"Masakit! Huhuhuhuhuhuhhuhuhu" pagiinarte ko kaya bigla akong yinakap ni bea

"Nico sorry ikaw naman kasi ehh" mangiyak ngiyak na sabi nya whahahahah

"Anong ako? Kasalanan ko bang madumi yang utak mo pusa huhuhuhuhuhuhuhu" pagiinarte ko ulit

"Sorry na" malambing na sabi nya

"Bahala ka sa buhay mo!" Sabi ko sakanya at pumasok sa loob ng sasakyan kaya agad siyang sumunod at sumakay sa passenger seat

"Uyyyy Nico sorry na" paglalambing nya pero hindi ko parin siya pinansin kaya kinulit nya ako hanggang makatulog siya whahahaaahahah. Habang nagdridrive hindi ko maiwasang maiwasang mapasulyap kay Bea, ang ganda nya talaga heheheheh ang cute nya pa kapag natutulog. Makalipas ang ilang oras na pagmamaneho ay nakarating na kami dito sa Ilocos Norte, habang tulog parin si bea ay huminto muna ako sa isang Fast food chain para bumili ng pagkain at pagkatapos ay nag drive na ulit ako para agad kaming makarating sa pagudpud, di paman nakakarating ay nagising na si bea

"Nagugutom ako!" Reklamo nya atsaka hinimas yung tyan

"May pag kain dyan sa likod" walang ganang sabi ko

"Uyyyy Nico sorry na" paglalambing nya saakin

"hmm" sagot ko lang sakanya

"Bati na tayo?" Malambing na tanong nya saakin

"Hmmmm" sagot ko ulit sakanya

"Uyyy Nico sorry na kasi! Promise babawi ako sayo" sabj nya pero hindi parin ako sumasagot hanggang makarating kami sa pagudpud ay hindi ko siya kinakausap whahahahah

"Saan yung resort nyo dito?" Walang ganang tanong ko sakanya

"Diyan sa Blue lagoon" sabi nya habang tinuturo yung daan pababa kaya tumango nalang ako, hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng dagat kulay asul talaga ito at ngayon alam ko na kung bakit blue lagoon yung tawag dito kasi hugis lagoon yung pinaka asul na parte. Hanggang marating namin ang isang resort na may malaking Hotel

"Eto na ba yung resort nyo?" Tanong ko sakanya

"Oo diyan mo nalang ipark yung sasakyan!" Masiglang sagot nya kaya tumango ako, at pagka park ng sasakyan ay agad akong bumaba para kuhanin yung gamit namin, hindi ko parin pinapansin si Bea heheheheheh, at nung makarating ako sa bungad ng hotel ay agad akong sinalubong nung staff nila at kinuha yung gamit namin at agad ko din nakita si Mommy at Daddy at may kasama din silang isang babae at lalaki na ang hula ko ay magulang ito ni bea kaya agad akong lumapit sakanila

"Nico!" Masayang sambit ni mommy habang papalapit saakin at nung makalapit siya ay agad nya akong yinakap at hinalikan

"Hi mommy" bati ko sakanya

"Namiss kita Nico!" Sabi ni mommy habang naglalakad kami papunta sa pwesto nila daddy

"Hey son" bati saakin ni daddy nung makita nya ako

"Hi Daddy!" Bati ko sakanya atsaka tinapik yung balikat nya, at agad ko ring nakita si bea na sinalubong ng isang bata na sa tingin ko ay 16 years old

THANKS FOR READING THIS CHAPTER
PLEASE VOTE IT!

We belong to each other Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon