CHAPTER 5

58 45 0
                                    

NICO's POV.

"Nico okay kalang ba? Kanina kapa tualala diyan ahh" tanong ni Bea saakin

"Ah eh oo ok lang ako may naisip lang kasi ako eh hehehe" muntik pang mautal na sagot ko sakanya.

"Ah ok, tara na?" Anyaya nya saakin.

"O sige tara!" Sagot ko sakanya

Habang naglalakad kami papasok ng bookstore, As usual madaming tumitingin saakin hehehe.

"Nico maghiwalay tayo para mabilis natin mabili yung kailangan natin" sabi nya

"Ah sige, teka ano nga palang kukunin ko?" Tanong ko sakanya

"Ikaw nalang kumuha ng Gluestick, popsicle stick at paint. Ako na bahala dun sa iba kita nalang tayo sa counter"nakangiting sabi nya at mabilis nagalakd papunta sa mga estante.

Habang hinahanap yung mga kailanggan namin napadaan ako sa Book section at Nahagip ng mata ko ang isang pocketbook na may title na "THE THIEF OF MY HEART" nagandahan ako sa cover at title at mukhang maganda yung story kaya naisipan kong bilin dahil mahilig naman akong magbasa ng pocketbooks hehehehhe.
Pagkatapos ko dun ay mabilis kong hinahap yung kailangan at agad ko itong nahanap. Pagakatapos ko dun ay dumeretso ako sa counter at buti nalang wala pa si bea kaya di nya makikitang bumili ako ng pocketbook (*evil laugh*) pagkabayad ko nung libro ay agad na bumating si Bea

"Nico sorry natagalan ako hinahap ko pa kasi yung mga styro balls ehh" sabi nya sabay peace sign. Ang cute na talaga hehehehe

"Ah ok lang kararating ko lang naman ehh" nakangiting sagot ko sakanya. Hehehehe, pero bat ganon ngayon lang ako ulit naka ramdam ng saya nato? Bakit sa dinamidami ng babaeng nakakasalamuha ko kay bea ko lang naramdaman to?Hindi kaya nahuhulog na ako sakanya? O di kaya mahal ko na siya? No! No! Hindi pwede

" Nico ako na magbabayad" sabi nya sabay labas ng wallet pero pinigilan ko siya kaya magkahawak ang kamay namin ngayon! Ngunit mabilis nya itong binawi! XoXad

"Hindi ako nalang" sabi ko sakanya at tsaka tumangk naman siya. Paglatapos kong bayaran yung mga gamit na gagamitin namin ay sabay kaming lumabas ng bookstore at dumeretso sa parking lot.

"Nico pwede bang sumunod nalang ako sainyo? Nagtext kasi yung kuya ko pupunta daw siya sa bahay ko" paliwanag nya kaya mabilis akong tumango

"O sige, oh eto address namin" sabi ko sakanya sabay abot ng maliit na papel kung saan nakasulat ang address namin.

"Ok thanks" sabi nya at sumakay sa kotse nya at mabilis na pinatakbo ito.

BEA's POV.

Pagkatapos namin mamili ni nico ng kailangan namin ay agad akong nagpaalam na uuwi muna ako dahil nagtext si kuya saakin na pupunta daw siya sa bahay ko! At habang nag dr-drive biglang nagring ang phone ko kaya mabilis ko itong sinagot.

*Ring* Ring*Ring*

"Hello?"

[Hello Bea ako to]

"O kuya napatawag ka"

[papunta na ako sa bahay mo siguraduhin mong may pagkain diya ahh kung hindi diyan ko papatulugin si kent]

"O sige basta't wag mong isasama yung abnormal nating kapatid kung hindi malilintikan ka saakin"

[Hahahahahaahaha sige whahahaha bye!] sabi nya sabay putol sa linya

Bago ako umuwi dumaan muna ako sa isang Bakeshop at bumili ng Cake,cupcakes, donuts. Pagkatapos ko dun ay dumaan rin ako sa isang Pizza shop para bumili ng syempre Pizza heheheheh. Umorder ako ng dalawang Family-size Hawaiian at pagkatapos ay bumalik ako sa kotse at mabilis na pinaandar 'to ng mabilis pauwi ng bahay ko. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko na ang kotse ni kuya na nakapark sa harap ng bahay ko at nakabukas na ang gate ng bahay ko. Letse oo nga pala may susi siya ng bahay ko!. Pagkapark ko ng sasakyan ko, mabilis kong kinuha lahat ng binili ko at agad pumasok sa bahay ko at nakita ko kaagad si kuya na nanonood sa sala

"Bakit ngayon ko lang?" Tanong nya saakin

"Sorry ahh bumili pa kasi ako ng pagkain mo eh" sarkastikong tugon ko sakanya with matching irap pa oh diba taray

"Hahahahaha very good. Nasaan na nga yan gutom na ako" sabi nya sabay at sabay hablot dun sa binili kong pagkain. Ang takaw talaga niton si kuya Keano pero nakakapagtaka lang kahit matakaw siya may Sparkling abs parin siya

"Bat ka nga pala nandito?" Tanong ko sakanya

"Ah eh pupuntahan ko kasi s-si Aira hehehe" nauutal na sagot nya

"At sino naman si Aira" masungit na tanong ko sakanya

"Girlfriend ko" proud na sagot nya

"Talaga kuya! Kailan pa!" Kinikilig na tanong ko sakanya

"Last Year pa" nakangiting sabi nya

"Nagtatampo ako sayo kuya!" Pagiinarte ko hehehehe

"Bakit naman" tanong nya saakin.

"Kasi ngayon mo lang sinabi saakin na may girlfriend ka eh samantalang one year na pala kayo"

" whahahaha tigilan mo nga yan hindi bagay sayo whahahaha, pangit ka na nga lalo ka pang pumapangit" kaya hinampas ko siya kahit tumatawa siya

"Bala ka sa buhay mo!" Sabi ko sakanya habang paakyat ng hagdan. Pagkaakyat ko, mabilis akong pumasok sa kwarto ko at nagbihis

Thankss for reading this chapter
Please vote it!❤️💚

We belong to each other Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon