AIRA's POV.
alang-ala kami nila manang kay Nico dahil hindi parin siya umuuwi at nakapatay yung telepono nya, hindi namin alam kung saan siya mahahagilap, hayyys nasaan na kaya siya
"Hon, baka makasama yan sa magiging baby natin" sabi ni keano saakin
"Hon, nagaalala kasi ako kay nico eh, kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi nya sinasagot yung phone nya tas sabi nya kaninang last ko siyang nakausap nasa impyerno daw siya! Kaya alalang-alala ako sakanya"
"Hon, hayaan mo muna si nico, nasakatan din si nico" sabi ni keano
"Haayysss bakit ba kasi nangyayari to hon!" Sabi ko sakanya
"Wag kang magalala hon, malalagpasan din to ni Bea at Nico!" Sabi ni keano saakin atsaka yumakap
"Hayss sana nga hon magka-ayos pa sila" sabi ko sakanya
"Don't worry ako na bahala kay Bea!" Sabi ni keano,
Nagulat nalang kami nung biglang nag ring yung phone ko, sa pagaalalang si nico yun ay agad kong sinagot
"Hello?!"
[Good Evening! Is this miss Alcantara?]
"Yes! Who's this?"
[Good evening maam Im PO1 Nuque, gusto ko lang pong sabihin sainyo na nasa hospital po ang kapatid nyo]
"Huh? Bakit po?"
[nabugbog po kasi siya kanina sa bar]
"What! Nasaan hospital po siya?"
[nandito po siya sa hospital malapit sa Provincial Capitol]
"Ah sige po papunta na po kami"
[ok po maam] sabi nung pulis atsaka binaba yung tawag
"Oh nasaan daw ang kapatid mo iha?" Nag-aalalang tanong ni manang saakin
"Nasa ospital daw po siya manang!" Sagot ko sakanya
"Ha? Jusme anong nangyari sa batang iyon?" Tanong ni manang
"Nabugbug daw po siya manang!" Sagot ko ulit sakanya
"Saang ospital hon?" Tanong ni keano saakin
"Sa tabi daw ng capitol"
"Tara na!" Sabi ni keano atsaka hinila ako palabas kaya agad sumunod si manang palabas
Nung pagdating namin sa kotse ni keano ay agad kaming sumakay ni manang sa likod at nung pahsakay ni keano ay agad nyang pinaandar ng mabilis yung sasakyan nya
Naisipan kong tawagan si mommy para masabi sakanya yung nangyari kay nico
"Hello mommy?!"
[hello iha! Bat napatawag ka?]
"Mommy si nico......."
[napano ang kapatid mo]
"Nasa hospital po siya mommy!"
[What?! Bakit? Anong nangyari sakanya?! Bakit siya nasa hospital]
"Nabugbug daw po siya mommy"
[ha? Saan? Atsaka sino yung bumugbog sakanya]
"Mommy hindi ko rin alam! Pero eto papunta na kami sa hospital"
[O sige sige text mo nalang saakin yung address ng hospital para mapuntahan na namin ng daddy mo bye anak!] sabi ni mommy atsaka binaba yung tawag
Ilang saglit pa ay nakarating na kami dito sa hospital, pagka tigil ng sasakyan ay agad akong bumaba at nagmadaling pumasok sa loob ng ospitAl, at nung makapasom ako ay agad akong lumapit sa isang nurse para magtanong
"Uhm miss nasaang room po yung pasyenteng dinala dito ng mga pulis?"
"Yung nabugbug po?"
"Oo!"
"Yung alcantara po yung apilyedo?"
"Oo yun nga!"
"Sa room 15 po maam"
"Ok thanksss!" Sabi ko sakanya atsaka patakbong pumunta sa room na sinabi nya at pagkarating ko dun ay agad akong pumasok at nadatnan ko ang isang doctor at isang nurse
"Kamag-anak po ba kayo ng pasyente?"
"Yes Doc. Im his sister! Kamusta na po siya?"
"Malala po ang natamong bugbog ng kapatid nyo! As of now where still monitoring him, pero as of now po.......... comatose po ang kapatid nyo" paliwanag nung doctor kaya naluha nalang ako
THANKS FOR READING THIS CHAPTER
PLEASE VOTE IT!