NICO's POV.
"Babe..................Babe...........Babe....." panggigising ko sakanya habang tinatapik yung balik nya
"Nasaan na tayo panda?" Tanong nya nung nagising sya
"Nasa mall na tayo babe!" Nakasmile na sagot ko sakanya, kaya agad siyang nag ayos, naglaga siya ng light make up at lipstick
"Tara na panda" sabi nya atsaka bumaba kaya agad akong bumaba at pagkababa ko ay agad akong lumapit sakanya at hinawakan yung kamay nya kaya magkaholding hands kaming naglakad hehehe at pagpasok namin sa loob nung mall ay naabutan kaming grupo ng mga bata na sa tingin ko ay 12-13 years old at nagulat nalang kami nung sumigaw sila
"WALANG POREBER!" Sigaw nung babae
"Maghihiwalay din kayo!" Sigaw pa nung iba kaya natawa nalang kami
Pumasok kami sa isang boutique ni bea na puno ng dress at gowns, pumunta si bea sa mga dress at may kinuha siyang isang magandang dress
"Panda maganda ba?" Tanong nya
"Maganda babe! Bagay na bagay sayo!" Sagot ko sakanya
"Miss I'll take this four" sabi nya dun sa sales laby kaya agad sinunod nung sales lady at makalipas ang ilang minuto ay bumalik yung sales lady dala yung tatlong paper bag
"Just pay it in the counter maam" naka smile na sabi nung babae
"Ok thank you" sabi ni bea at dumeretso sa counter
"Babe ako na magbabayad" naka smile na sabi ko sakanya
"Ako nalang" naka smile na sabi nya
"Alright !" Sagot ko atsaka tumango, matapos nyang mamili ay kumain muna kami at pagkatapos ay umuwi na. Makalipas ang ilang minuto ay nasa bahay na niya kami
"Thank you panda!" Sabi niya nung makababa siya
"Babe..."
"Bakit?" Tanong nya
"Pasok na tayo" sabi ko sakanya
"Anong pasok umuwi kana" sabi nya
"Dito ako matutulog babe" nakangising sabi nya
"Anong dito matutulog ha?! Hindi pwede umuwi ka na!" Sigaw ko sakanya
"Wala kase akong akong kasama sa bahay eh, please!" Malambing nyang sabi
"O sige na nga pumasok ka na" sabi nya kaya agad akong pumasok dala dala yung gamit ko, gamit nya at yung pinamili nya
"Babe akyat na tayo inaantok na ako" sabi ko sakanya atsaka hinila siya paakyat
"Panda anong oras laro nyo bukas?" Tanong nya saakin nung nasa kwarto na nya kami
"Alas dose pa babe pagkatapos nung pageant" sagot ko sakanya "eh ikaw anong oras laban mo?" Tanong ko sakanya
"Ala una pa laro ko panda" sabi nya atsaka humiga sa tabi ko
"Sigurado ka bang kaya mong lumaban? Baka masaktan ka?" Tanong ko sakanya
"Oo naman panda kayang kaya ko" sagot nya
"Siguraduhin mo babe ah! Tulog na tayo babe" sabi ko at ilan minuto pa ay napansin kong tulog na si bea at biglang tumunog yung phone ko at nung tinignan ko kung sino ay si cael yung tumatawag kaya sinagot ko
"Oh napatawag ka?"
[Bro may ibabalita ako!] Sabi nya
"Ano yun?"
[bro natatandaan mo pa ba si nadine yung ex mo?]
"Oh napano"
[bumalik na daw siya dito sa pinas] sabi nya kaya bigla akong kinabahan
"Eh ano naman ngayon?"
[SHARE KO LANG NAMAN PRE sige na bye]
Di ko alam kung ano tong nararamdaman ko nung marinig ko yung pangalan ni nadine, para akong kinakabahan na kinikilig na naiinis na hindi ko mapaliwanag at matapos ang ilang minutong kakaisip ay nakatulog ako
THANKS FOR READING THIS CHAPTER
PLEASE VOTE IT