CHAPTER 56

21 2 0
                                    

KEANO'S POV

Naiwan kami ni Aira dito sa kwarto ni nico dahil mukhang susugurin ni tita ericka si nadine na babae ni nico!! Hindi maganda ang kutob ko dahil alam kong malaki ang galit ni tita sa pamilya ni nadine!! WTF! mukhang eto na ang last day sa earth ni nadine!!!!

"Hon.........." pagtawag saakin ni aira

"Bakit hon?" Tanong ko sakanya

"Kinakabahan ako hon" sabi nya.. mukhang alam ko na kung bakit pero tatanongin ko parin siya heheheh

"Bat naman hon?"

"Alam mo naman dibang malaki ang galit ni mommy sa pamilya ni nadine...... eh baka mapatay ni mommy si nadine" sabi nya.

"Hon di naman siguro gagawin yun ni tita" sabi ko sakanya

"Sana nga hon" kinakabahan na sabi nya kaya yinakap ko siya

"Uhm hon" pagtawag nya sakanya

"Hmm" sagot ko

"H-Hindi ba talaga sasabihin ni Bea kay nico na buntis siya?" Usisa nya

"Kung ako ang masusunod, sasabihin ko kay Nico. Kase kahit papano binuo nilang dalawa yun, may karapatan si Nico Dun, Dugo't laman din ni Nico yun. Pero nirerespeto ko ang desisyon ng kapatid ko, Ayaw ko siyang pangunahan" paliwanag ko kaya natahimik nalang siya.

Habang nakabantay kami dito sa kwarto ni nico ay pumasok si tito Nicolas na may malungkot na mukha

"Dad! Napigilan mo ba si mommy?" Tanong ni Aira kay tito kaya napayuko nalang si tito

"Sorry Aira pero hindi ko talaga napigilan ang mommy mo" malungkot na sabi ni tito

"Dad! Baka mapatay ni mommy si Nadine!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni aira

"Aira anak, alam mong malaki ang galit ng mommy mo kila Nadine at alam mo rin na handang pumatay ang mommy para maiganti ang lolo, lola at ang tito mo!" Sabi sakanya ni tito

"Pero dad wala sa kamay ni mommy ang batas!" Sagot ni aira!

"Aira alam mo namang handang makulong ang mommy mo basta't makaganti lang!"

"Dad! Nangako si mommy saakin na hindi nya dudungisan ang kamay nya sa dugo ng mga Lee!"

"Aira tandaan mo lahat ng pangako pwedeng mapako!" Sabi sakanya ni tito kaya tuluyang bumuhos ang luha ni aira

Alam kong mahal na mahal ni aira si tita ericka, at hindi nya kayang makita na makulong ang mommy nya dahil sa paghihiganti

"Hon tama na" bulong ko kay Aira habang patuloy siyang umiiyak, pero umbis na tumahan ay yumakao siya saakin! Yung yakap na sobrang higpit habang patuloy siya umiiyak "shhh hon tama na! Makakasama yan kay baby" sabi ko sakanya

"Hon samahan mo ako" sabi nya habang umiiyak

"Huh? Saan hon?" Takang taning ko sakanya

"Hahanapin natin si mommy!" Sabi nya kaya nagulat ako

"Hon?............"

"Ang sabi ko hahanapin natin si mommy!" Matigas na sabi nya

"H-hon hindi natin alam kung saan natin hahanapin si tita" sabi ko sakanya

"Hon please!" Pagmamakaawa nya

"Hindi! Walang aalis!" Sabi ko sakanya

"Hon please..............!" Pagmamakaawa nya atsaka lumuhod sa harap ko

"Aira tumayo ka dyan!" Sigaw ko sakanya

"Hon please..... samahan mo ako!" Pagmamakaawa nya habang nakaluhod parin

"Aira! Hindi! walang aalis sa kwartong to!" Sigaw ko sakanya kahit labag sa kalooban ko. Shet hindi ko kayang nakikitang umiiyak si aira!

"Kung ayaw mo ako nalang ang maghahanap kay mommy!" Sabi nya atsaka tumayo at akmang lalabas ng pinto kaya hinawakan ko ang braso nya

"Aira naman! Please makinig ka naman! Alam mo ba pwede kang mapahamak dyan sa gagawin mo! Pwede kayong mapahamak ng magiging anak natin!" Mangiyakngiyak na sabi ko sakanya

"Oo alam kong pwede akong mapahamak! Pero hindi ko rin naman kayang makita ang nanay kong nakakulong!" Sagot nya saakin

"Ah so handa kang iwan ako? So wala lang sayo kung mapahamak kayo ng magiging anak natin? Aira! Nag-aalala din ako kay tita, pero alam ko namang kaya nya ang sarili nya! Alam kong mapagtatanto nya rin ang gagawin nya! Aira! Pakiramdaman mo naman ang nararamdaman ko! Nag-aalala lang ako sayo.....sainyo ng magiging anak natin! Kaya please makinig ka naman saakin!" Umiiyak na sabi ko sakanya

"S-sorry h-hon" sabi nya saakin sabay yakap

THANKS FOR READING THIS CHAPTER
PLEASE VOTE IT!

We belong to each other Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon