MIA'S POV.
"Clyde bilisan mo nga dyan baka maunahan tayo nila bea dun!" Sigaw ko sakanya habang inaayos nya yung gamit nya, Arghhhh
bat ang bagal nyang kumilos? Tss daig nya pa yung babae kung kumilos napakabagal! Pero kahit ganyan yan ay mahal na mahal ko parin yan hehehehehee, naalala ko tuloy kung paano ko siya sinagot
*FLASHBACK*
"Mia sagutin mo na kasi ako! Ilang taon nakitang nililigawan pero hindi mo parin ako sinasagot!" Parang batang sabi nya habang sumisipa sa sahig
"Ayoko!" Matigas na sagot ko sakanya
"Mia sige na! Please! Pangako ko sayo mamahalin kita ng buong buo kapag sinagot mo ako!" Sabi nya habang nag pupuppy eye
"Ayoko sa mga Babaero!" Sabi ko sakanya
"Mia simula nung makilala kita tinigilan ko na ang pambabae ko kay please sagutin mo na ako!" Sabi nya
"A.Y.O.K.O!" Mataray na sabi ko sakanya
"Mia kapag sinagot mo ako, ako na ang pinaka masayang lalaki sa buong universe!"
"Pwes kaya ngayon ay magluksa ka na sa kalungkutan dahil hindi kita sasagutin!" Sabi ko sakanya
'Mahal ko naman talaga si clyde, kaso ayaw ko siyang sagutin kasi baka sabihan nila ako ng gold digger dahil mas mayaman ang pamilya ni clyde kase sa pamilya namin'
Umakyat si clyde dun sa maliit na pader dito sa second floor kaya nagtaka ako kung anong gagawin nya
"Magpapakamatay nalang ako kesa umasa ako sa taong hindi naman ako kayang mahalin!" Sabi nya kaya natawa ako
"Hoy clyde kahit tumalon ka dyan hindi ka mamamatay! Pilay at galos lang aabutin mo dyan!" Natatawang sabi ko sakanya
"Sino bang nagsabing tatalon ako?" Tanong nya saakin
"Kaya ka nga umakyat dyan diba!" Sagot ko sakanya
"Hindi ako tatalon dito!" Sabi nya kaya nagtaka ako
"Huh? Eh paano ka magpapakamatay?!" Takang tanong ko sakanya
"Sa ganitong paraan!" Sabi nya tsaka dumukot ng...................... swiss knife sa bulsa nya atsaka tinutok nya sa pulsuhan nya kaya nanlaki yung mata ko!
"C-clyde wag mong itutuloy yan!"
"Psh wala namang silbi yung buhay ko sa mundo kung hindi ka magiging saakin" sabi nya atsaka lalong diinan yung kutsilyo sa sa pulsuhan nya at napansin kong nasususgatan na siya
"Clyde please?!"
"Hindi mo ako mahal" naiiyak na sabi nya habang lalong dinidiinan yung kutsilyo
"Clyde please! Bitawan mo na yan! Mahal kita clyde! Mahal na mahal kita!"
"M-mahal m-mo a-ako?"
"Oo mahal kita clyde! Mahal na mahal kaya wag mo ng ituloy yan!"
"Mahal mo nga ako hindi ka naman magiging akin"
"Simula ngayon araw na to clyde iyong-iyo na ako dahil sinasagot na kita" sabi ko sakanya kaya binitawan nya yung kutsilyo at nagtatalon sa tuwa!
"Yesssss! Sinagot na ako ni Mia!" Sigaw nya habang patuloy na tumatalon kaya na out of balance siya at......... nalaglag!
"Clydddddde!"
"Araaaaaaaaay" sigaw nya kaya nagmadali akong bumaba at nadatnan ko siyang namimilipit sa sakit
"Clyde! Ok kalang ba!?"
"Masakit!"
"Alin!"
"Eto!" Sabi nya habang nakaturo sa siko Nya
"Ikaw naman kasi eh!"
"Anong ako?!"
"Umakyat- akyat ka pa kasi dun eh ayan tuloy nalaglag ka!
"Ok lang basta ang alam ko ngayon akin ka"
"He! Bala ka nga sa buhay mo
*END OF FLASHBACK"