CHAPTER 40

39 28 0
                                    

BEA's POV.

Nung sinundo ako ni Nico sa bahay, agad akong sumakay sa sasakyan nya.

Wala parin kaming kibuan hanggang makarating kami sa hotel.

Nung makarating kami sa hotel ay nadatnan na namin dun sila mia na naghihintay kaya agad kaming bumaba ni nico at pumunta sakanila.

"Good Morning Ma'am, Sir" bati saamin nung Guard kaya nag smile kami ni nico sakanya.

"Bea!" Sabi ni mia nung nakita nya kami atsaka bumeso siya saamin.

"Kanina pa ba kayo?" Tanong ko sakanya.

"Hindi naman" naka smile na sagot nya.

"Sorry ahh" sabi ko sakanya.

"Ano ka ba Bea ok lang!" Sabi nya.

"Tara na kain na tayo!" Masiglang sabi ni Clyde atsaka hinila si mia papunta dun sa Restaurant dito sa loob ng Hotel

Pagdating namin dito sa Restaurant ay namangha ako sa Pagiging Romantic nung loob pero nagtataka ako bat walang tao

Bago paman ako magsalita ay may bilang kumanta at biglang nawala si clyde pero ilang minuto pa ay lumabas siya dala ang isang bouquet ng Bulaklak atsaka lumapit kay Mia at iniabot yung Bulaklak

Yinakap ni clyde si mia at nagsalita "Happy Anniversary Baby!"

"Happy Anniversary too Baby!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Mia kay Clyde habang tumutugtug parin yung isang Romantic Music

Nagulat ako nung may biglang yumakap sa likod ko at may humalik sa pisngi ko at nung nilingon ko ito ay nagdikit yung labi namin ni Nico! Waaaaaaaaaaa!

"HAPPY ANNIVERSARY SA INYONG DALAWA!" Sabi namin ni nico sakanila kaya nag smile sila

"Kain na nga tayo!" Sabi ni clyde atsaka inalalayan si Mia na umupo

Inalalayan din ako ni nico na umupo dun sa tabi ni mia atsaka umupo naman siya sa tabi ni clyde so magkatapat kami ni nico ngayon ayiee

Saktong pagkaupo namin ay dumating yung pagkain namin kaya nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay kinukwento ni mia kung paano siya niligawan ni clyde at kung paano naging sila ni clyde, natawa nalang ako nung malaman kong nalaglag pa si clyde sa second floor sa tuwa nung sinagot siya ni Mia

Past 6 na nung matapos kaming kumain at mag kwentuhan at nag aya sila nico na pumunta dun sa bar

"Tara punta tayo dun sa bar sa taas!" Pag aaya ni nico

"Sige ba! Tara!" Sabi ni clyde atsaka tumayo kaya tumayo na rin ako at si Mia

Habang naglalakad ay hinawaka ni Nico yung kamay ko kaya holding hands while walking ang peg namin heheheheh, hanggang sa makasakay kami sa elevator ay hawak-hawak parin ni nico yung kamay ko at napansin kong palagi siyang tinititigan ng Elevator Girl kaya tinignan ko siya ng Masama ARGHHHH

Nung makarating Kami dun sa taas nung hotel ay Marami ng tao kasi may pool sa tabi nung bar, at nung pumasok kami sa loob ay agad kaming nakakuha ng Table at narinig ko yung bulungan nung mga Waiter and waitress nung nakita nila ako

"Diba siya yung Apo ni Sir. Reyes"
"Wow Ang ganda nya!"
"OMG sila yung may ari nitong hotel"
"Gosh ang gwapo nung kasama nya!"
"Hoy wag mo ngang pag pantasyahan yung kasama nya baka mawalan ka ng trabaho!"
"Siya si Ms. Bea diba!"
Bulungan nung mga tauhan nitong bar

We belong to each other Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon