CHAPTER 44

42 39 1
                                    

AFTER 1 MONTH

BEA'S POV.

Makalipas ang isang buwan ay napansin kong parang naging cold yung pakikitungo ni nico saakin kasi hindi na siya tulad ng dati na hinahatid sundo ako, sinasabayan akong mag lunch, sinasamahan ako sa bahay tuwing walang pasok

Napansing ko rin na napapadalas ang pag absent nya at tuwing tinatanong ko siya kung anong ginagawa nya palagi nya lang sinasabi na "May importante lang akong inaasikaso"

Napansin ko rin na hindi na sila masyadong nag uusap at nagpapansinan nila clyde at seb, atsaka napansin ko twing tinatawagan ko si nico ay busy yung line nya pero tuwing tinatanong ko siya ay sagot nya lang ay "kausap ko lang si mommy" hayyys ano kayang inaasikaso ni nico?

Lutang ako buong araw dito sa school kaya wala akong naintindihan sa mga nilesson nung mga subject teachers namin hayyys nakakainis kasi si nico eh!

Nagulat ako nung may biglang nagsalita sa likod ko "huy Bea ok ka lang ba?" Tanong ni Clyde saakin

"Ikaw naman ginulat mo ako!"

"Hehehehe sorry! Para ka kasing lutang dyan eh!"

"Eh kasi naman si Nico eh!"

"Huh? Napano si Nico?"

"Napansin ko palagi siyang walang time saakin, naging cold yung pakikitungo nya saakin, palagi siyang umaalis ng walang may alam kung saan siya pumupunta atsaka palagi siyang may kausap sa phone"

"Bea may gusto sana akong sabihin sayo hayyss hindi ko na talaga kayang itago to!" Sabi nya kaya nagtaka ako

"A-ano yun Clyde?" Takang tanong ko sakanya

"Si Nico........."

"Napano siya?"

"May b-b-babae siya!" Sabi nya kaya parang gumuho yung mundo ko sa narinig ko, parang nayanig yung mundo ko

"Hindi totoo yan clyde!" Sabi ko sakanya habang naluluha

"Bea makinig ka totoo yung sinabi ko! Matagal ko ng alam na may babae si nico bago pa maging kayo! Kaya ka lang nya niligawan dahil kailangan nyang sundin yung daddy nya!"

Unti-unting bumuhos yung luha ko dahil sa mga narinig ko

"Bea alam kong masakit sayo to! Pero hindi ko na kayang itago yung kagaguhan ng kaibigan ko!" Sabi nya habang hinihimas yung likod ko

"Alam mo ba kung nasaan siya!?"

"Oo!"

"Saan?"

"Nasa manila siya!"

"Clyde please samahan mo ako! Gusto ko siyang makausap!"

"Per—"

"Clyde please!" Pagmamakaawa ko sakanya atsaka lumuhod sa harap nya

"S-sige" sabi nya kaya naglakad na ako palabas ng campus at dumeretso sa parking lot, pagdating ko dun ay nakita ko si mia na nakasandal sa kotse ni clyde

"Clyde bat ngayon ka lang! wait napano ka bea? Bakit ka umiiyak?"

"Sinabi ko na sakanya!" Singit ni clyde

"WHAT!?" Nagulat na tanong ni Mia  sa sinabi ng  boyfriend nya

"Sinabi ko na sakanya ang kagaguhan ni Nico"

"Pero bakit? Akala ko ba ako magsasabi sakanya?"

"Dahil hindi ko na kayang itago ang kagaguhan ni Nico! and besides bea deserves to know the truth even if it's hurtful" sabi ni clyde kay miA

"So ano nyan plano mo bea?" Tanong ni mia saakin

"Susugurin ko sila nung babae nyang higad!" Nanggigigil na sabi ko sakanya habang umiiyak

"Sigurado ka ba bea?" Tanong nya saakin kaya tumango ako

"Tara na baka hindi na natin sila maabutan!" Sabi ko sakanila atsaka sumakay sa sasakyan ni clyde, tinabihan ako ni mia dito sa likod at nung makasakay si clyde ay mabilis nyang pinatakbo yung kotse nya

Umiiyak parin ako habang nasa byahe kaya pinapabaan ni mia yung loob ko, hayyyyss buti nalang may kaibigan akong ganito, na kahit may pagka maldita ay sinasamahan ako kapag may problema ko at palaging pinapagaan yung loob ko

Makalipas ang ilang oras ay nakarating kami dito sa isang sikat na condominium sa BGC


THANKS FOR READING THIS CHAPTER!
Please vote it!

Nagmamahal kahit hindi nya minahal
-SilentWritter015

We belong to each other Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon