CHAPTER 60

4 0 0
                                    

BEA's POV

"Magkakilala kayo?" Takang tanong ni Aliza

"Oo! Hinalikan nya ako kanina!" Pagaakusa ko dun sa lalaki

"Hoy anong hinalikan?! Grabe yang ilusyon mo teh?! For your Information hindi ako nanghahalik ng babae!"  Mataray nyang sabi sabay irap

Bakla ba siya?

"Natumba tayong dalawa kanina kaya Dumapi yubg labi mo sa labi ko!" Nadidiring sabi nya

"Siya ba yung kinukwento mo kanina Bakla?" Natatawang tanong ni Aliza

'Confirmed! Bakla nga siya!'

"Oo teh! Siya yung ilusyunadang babaeng kinukwento ko" mataray na sabi nya

"Anong ilusyunada ha?!" Mataray na tanong ko sakanya.

"Hahahahaha tigilan nyo na nga yan! Pasok na tayo!" Pag aaya ni Aliza kaya agad kaming pumasok sa loob

Buti nalang at nakapaglinis ako at nakapag bake ng cupcakes

"Upo kayo!" Saad ko at iminuwestra sila sa sofa

"Ang ganda ng bahay mo! Bet na bet ko yung kulay! Mag isa ka lang dito?" Takang tanong nya

"Oo" tipid na sagot ko

"Ako nga pala si Lewis Salvador! Ganda for short" sabi nya kaya natawa ko

"Beatriz Reyes, Bea for short!" Nakangiting pag papakilala ko

"Bea may gusto akong sabihin sayo" seryosong saad ni Aliza

"A-ano yun?" Kinakabahang tanong ko

"A-Ate ako ni N-Nico" saad nya kaya nabigla ako

"Nico Alcantara?" Di makapaniwalang tanong ko

"Oo. Sorry kung ngayon ko lang nasabi, ang totoo ay pinadala ako ng kuya mo dito para mabantayan ka" paliwanag nya

"Sorry talaga kung ngayon ko lang nasabi" seryosong saad nya

"N-Naiintindihan ko" sabi ko atsaka tipid na ngumiti

"Nga pala, tinawagan ako kagabi ni Ate Aira at ng kuya mo, pinakiusapan nila ako na dito muna ako tumira sa bahay mo, para daw mabantayan kita ng maayos" naka ngiting paliwanag nya

"Iiwan mo na ako teh?" Pagda drama ni Lewis

"Kung papayag si Bea na dito ako tumira, tsaka kaya mo naman mag isa sa bahay eh. Pwede kang magdala ng madaming boylet dun!" Natatawang sabi ni Aliza kay Lewis

"Gaga! Ayokong tumira mag isa dun! Nakakatakot! Baka biglang may pumasok at pagsamantalahan ako!" Natawa ako sa sinabi ni Lewis

"Hoy bakla! Walang magtatangka sayo!" Pang aasar  ni Aliza kay Lewis kaya pinandilatan siya nito

"Kung gusto mo Lewis dito ka nalang rin muna tumira" suhestiyon ko

"Talaga?!" Masayang tanong ni Lewis

"Oo! May extra pa naman akong 4 na kwarto rito eh" naka ngiting

"Waaaaaaaaaaaaaaaaa! Yehey!" Parang batang tili ni Lewis atsaka yumakap saakin kaya natawa nalang kami ni aliza

"Bakla! Tulungan mo nga pala ako bukas sa school, i enroll natin Si Bea. gusto nya kasing mag home study" sabi ni Aliza kay Lewis

"Ay sige teh!"

"Architecture yung course nya tas graduating na siya"

"Nako teh! Wag ka ng mag aral! Ako na bahala sa diploma mo!" Nakangiting sabi saakin ni Lewis

"Paano mo naman gagawin yun ha?!" Tanong ni Aliza sakanya

"Kilala mo yung bagong Dean? Si Miss Smith?" Tanong Ni Lewis kay Aliza

"Oo, yung masunget!"

"Jusko teh! May gusto saakin yung gagang yun Hahaha! Kontinh landi lang gagawin ko sa gagang yun,ma-eenroll si Bea sa school ng walang binabayaran hahahahah! Tsaka kahit di mag aral si Bea ay mabibigyan yan ng diploma!hahahahahahahahahaah!"

"Gaga ka talaga! Inaabuso mo si Miss Smith ha!"  Sabi ni aliza kay Lewis habang nagtatawanan sila

"Wait tawagan ko muna yung gagang Smith na yun para ma proseso nya na" paalam ni Lewis atska tumayo

"Uhm Aliza? Hindi ba bawal yung gagawin ni Lewis?"  Takang tanong ko

"Hay nako! Malakas kapit nyan sa school! Kahit yung dean kaya nyang utuin! Hahahaha!" Paliwanag ni Aliza

"Huh? Bakit naman?" Inosenteng tanong nya

"Kasi hindi alam sa school na pinagtuturuan nya na bakla siya. Jusme! May gusto sakanya yung Dean ng eskwelahan kaya lahat ng sinasabi nya ay sinusunod nung gagang dean!" Paliwanag ni aliza kaya natawa ako

'Gwapo naman kase talaga si Lewis pero mas gwapos parin si Nico! Hayss miss ko na siya! Kamusta na kaya siya?!'

Thanks for reading this chapter<3

We belong to each other Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon