NICO's POV.
Halos hindi ako nakatulog kagabi kaka-isip sa mga nangyari! Kakaisip sa mga mali kong ginawa at higit sa lahat kakaisip kay Bea.
Hayssss kung kailan natutunan kong masahalin si Bea tsaka pa nangyari to!
Nagulat nalang ako nung may kumatok sa kwarto ko
*KNOCK KNOCK*
Agad akong lumapit sa pinto at nung bumukas ay tumambad saakin si ate
"Nico magbihis ka bilis!!" Sabi ni ate saakin kaya nagtaka ako kung bakit
"H-huh? B-ba-bakit a-ate?" Tanong ko sakanya
"Sila bea papunta na ng airport!"
"H-ha? S-saan sila pupunta ate?" Takang tanong ko sakanya
"Pupunta na sa U.K si bea! Kaya bilisan mo dyan kung gusto mo pa siyang makita!" Sabi ni ate kaya agad kong sinarado yung pinto at mabilis na naligo at nag bihis at pagkatapos ay agad akong bumaba
"Tara na ate!" Nagmamadaling sabi ko sakanya kaya agad siyang tumayo at sumunod saakin
Agad sumakay si ate sa sasakyan ko at pagkasakay nya ay sumakay na rin ako at mabilis na pinatakbo yung sasakyan ko papuntang airport
Punung-puno ako ng pagbabakasakali na makita ulit at makausap si bea!
"A-a-ate s-s-sa tingin mo ba gusto pa akong makita at makausap ni b-b-bea?" Nahihiyang tanong ko kay ate
"Hindi ko alam kase hindi naman ako si bea, hindi ko naman alam kung anong tumatakbo sa isip nya pero ang alam ko lang ay................" pambibitin ni ate sa sasabihin nya kaya hindi ko napigilan yung sarili ko na magtanong
"Ay ano ate?" Tanong ko sakanya
"Labis siyang nasaktan dahil sayo!" Sagot ni ate kaya natahimik nalang ako
Hanggang sa makarating kami sa airport ay tahimik ako at nung makapasok na kami ay agad kong natanaw si bea kasama yung kuya nya kaya agad akong tumakbo papunta sakanila
"BEA!" Sigaw ko kaya napahinto sila sa paglalakad at lumingon saakin kaya ahad akong lumapit sakanila
"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ni kuya keano saakin
"G-gusto ko lang makausap si B-Bea" sagot ko sakanya
"Hindi ka na gustong makausap ng kapatid ko kaya umalis ka na!" Sigaw ni kuya Keano saakin
"Bro please?!" Pagmamakaawa ko sakanya
"Kuya umalis ka muna kakausapin ko muna siya" walang ganang sabi ni bea
"Ano!"
"Kuya sige na" sabi ni bea kaya lumayo muna si kuya keano saamin
"Bea please wag ka ng umalis" pagmamakaawa ko sakanya
"Para ano nico? Para balikan mo ko? Para saktan mo ako ulit? Para paikutin mo nanaman ako? Nico Ilove you but you broke my heart!" Naiiyak na sabi bea
"Pero kung mahal mo ako bakit ka aalis? Bakit mo ako iiwan?" Tanong ko sakanya
"Dahil nasaktan mo ako!" Sagot nya
"Bea patawarin mo ako hindi ko sinasadya!" Umiiyak na sabi ko sakanya
"Patawarin?! Sa tingin mo nico ganun lang yun kadali ha? Nico ang lalim ng sugat na iniwan mo saakin! Yung sugat na satingin ko matagal bago maghilom!" Umiiyak din na sabi nya saakin
"Oo alam kung malalim ang sugat na iniwan ko sayo! Alam kong nasaktan kita! Alam kong pinaikot lang kita! Pero bea wag ka namang lumayo! Please! Nagmamakaawa ako sayo! Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon" umiiyak na Pakiusap ko sakanya
"Bigyan ng isa pang chance?! Tingin mo ganun lang kadali yun ha?! " Sigaw ni bea saakin
"Bea please wag kang umalis! Hindi ko na kayang mawala ka sa buhay ko!" Umiiyak na sabi ko sakanya atsaka yumakap
"Pagsisihan mo yang kasalanan mo" umiiyak na bulong saakin ni bea atsaka kumalas sa yakap ko at nagsimula ng maglakad kaya naiwan ako ditong umiiyak
T@ang in@ kasalanan ko tong lahat!
THANKS FOR READING THIS CHAPTER
PLEASE VOTE IT!