Chapter 5 - Hell

37.9K 816 113
                                    

Chapter 5

 

“Im Hell Zandrick. You are?”

“Im” I paused. “not interested.” Sagot ko sakanya sabay irap. Simula nung umalis si Mommy Pau kanina, hindi na niya ko tinantanan.

“Im Jessica.” Sabi naman ni J.

“Im Zian, dude.” Gusto kong matawa sa boses ni Zian. Parang lalaking lalaki. Nakakadiri.

Tinignan ko silang dalawa ng masama. Bakit ba nila kinakausap tong Hell na to.

Oo, ayaw ko siyang tawaging Zandrick, mas bagay yung Hell tutal mukha siyang mapanganib. Dapat pala Danger nalang pangalan niya. Mas fit.

“Hi Im Zandrick.” Sabi niya sa dalawang kaibigan ko at nakipagkamay pa. Si Jessica mukhang maiihi sa kilig, si Zian naman mukhang matatae kakapigil ng kilig.

Sarap batukan ng mga kaibigan ko.

“Ang sungit ng friend niyo sakin. Parang may galit.”

“Nako masanay ka na. Hindi yan kumakausap ng lalaki maliban kay Zian.” Sabi ni Jessica.

“Ay bakit naman?” Sabi naman ni Hell.

Bago pa man magsalita si Jessica, hinigit ko na siya papunta sa restroom.

“What the hell J?!”

“Nakikipagkaibigan lang naman yung tao.”

“And when did you become interested sa mga nakikipagkaibigan satin? As far as Im concerned, hindi tayo tumatanggap ng iba sa barkada.” I said firmly.

“Kawawa naman kasi si Zandrick, C. Wala siyang friends dito sa PU. At for sure pag sa iba siya nakipagkaibigan, pagkakaguluhan siya. Diba mas okay kung satin siya sasama, tutal walang nagtatangkang lumapit satin?”

She got a point. But still, I hold on to my words. I dont befriend guys unless he’s gay.

“Kung gusto niyo siyang kaibiganin at isama, then ako ang hindi sasama sainyo J.” Im not making them choose. I can handle being alone. Mas gusto ko na magisa kaysa sumama kasama yung lalaking yun.

“C naman!”

“Im serious. Im not making you choose J. Alam mong hindi ako nakikipagkaibigan sa lalaki. Kahit pa transferee siya, he will never be an exception. Lalaki parin yun.”

“Fine! Syempre ikaw parin sasamahan namin. Hindi na natin siya isasama. Just dont be such a bitch to him. Kakausapin parin namin siya, para di naman maleft out sa room.”

“That I cant promise.”

“Ewan ko sayo cold brat.”

“F-ck you J. Hahaha. And dont dare mention to him the reason I dont talk to guys. Malilintikan ka talaga saking bruhilda ka!”

“I love you too bestfriend.” Sabi niya.

Ganto kami kasweet ng bestfriend ko. Pag nagmura yung isa, mag-ii love you too yung isa.

Pagbalik namin sa room, wala parin yung teacher. Nadatnan namin na nagtatawanan si Zian at Hell.

“Sama satin siya mamayang break ah.” Sabi ni Z.

“No, Z.”

“Oh cmon, C!”

“Okay lang kung ayaw niya.” Paawang sabi ni Hell. As if naman maaawa ako sakanya.

“Oh okay lang naman daw sabi ni Hell.”

“Pero mas okay kung isasama niyo ko.” Sabi niya sabay taas baba ng kilay sakin.

“Pwede ka naman sumama.” Sabi ni J. Tinignan ko siya ng masama. “Yun eh kung mapapapayag mo si C.”

“Mukhang mahihirapan ako mapapayag yan. Ang sungit eh.” Rinig kong bulong niya kay Zian.

Natawa naman si Z. “Buti nga pinapansin ka pa nyan eh. Yung iba deadmatology talaga.”

“Deadmatology?” Nakakunot noong tanong ni Hell.

“Deadma lang ganun.”

He nodded. “Uh, pwede ba kong sumabay sainyo? Wala kasi talaga kong kakilala dito eh.”

“Thats not my problem anymore.” Sabi ko sabay saksak ng earphones sa tenga ko.

“May puso ba to.” Sabi ni Hell. Sakto naman narinig ko kasi hindi pa nagsisimula yung kanta.

“Meron. Sing-tigas nga lang ng yelo.” Sabi ni Jessica.

“Natutunaw din naman ang yelo.” Sabi ni Hell sabay titig sakin.

“Not in my case, Hell.” Sabi ko sabay labas ng room at pumunta sa CZJ room.

----------------------

Comments? What do you think? HAHA!

Hell on the sideee ->>>>

Cold Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon