Chapter 27 - His Side

30.2K 658 191
                                    

Chapter 27

 

HELL’S POV

 

Nandito kami ngayon sa rest house nila Zian.

Nag-usap usap sila na mag-outing naman kami para marelax daw kaming lahat. At para narin daw magkaayos-ayos kaming lahat. Meaning me and Chee. Isama mo pa si Max na galit kay Chee dahil sa talas daw ng bibig neto.

I remember nung nagsagutan sila kahapon pagdating dito.

“I want that freaking room. Gusto ko sa harap ng kwarto nila Ate Ice bakit ba nakikipag-agawan ka?” Sabi ni Chee kay Max.

 

“We got that room first. Matuto ka ngang gumalang sa mas nakakatanda sayo. Di ka ba tinuruan ng magulang mo nun?” That was low kaya hinawakan ko si Max sa braso.

 

Pero hindi nagpatinag si Chee. “Tinuruan ako nun. Eh ikaw, hindi ka ba naturuan gumalang sa mas nakakaganda sayo?” Sabi ni Chee sabay walk out.

But I cant blame her. She just loves Ysabel so much kaya naiinis siya na kasama ako at si Max sa barkada ni Ysabel kahit sinaktan ko siya noon.

I admit everything was all planned at the beginning. Planado ko lahat, yung pagpasok ko ng PU, yung pakikipagkaibigan ko, yung pangungulit, yung sweet nothings. Ang plano ko lang naman mainlove siya sakin tapos sasaktan ko siya pag mahal na niya ko para maipaghiganti ko yung pinsan ko. I was in New York that time nang biglang nabalitaan kong nasa ospital si Kuya Nico. He was in a state of coma.

Apparently, binugbog siya ni Kuya Nate at ng mga tropa neto dahil daw nagbreak sila ni Ysabel. Galit na galit ako nun kay Ysabel. Naisip ko, baka siya ang nagutos kay Kuya Nate para saktan si Kuya Nico. Si Kuya Nico yung laging nandyan sakin, parang kapatid ko na siya. Siya ang kasama kong umakyat ng stage nun nung Grade School graduation ko. Kaya sobrang nagalit ako nung nalaman ko yung nangyari.

The plan was for her to fall for me. But my plan backfired and I fell for her. Bago ko pa maagapan ay hulog na hulog na ko. I fell in love with Ysabel, deep, hard and rotted.

And that’s the problem. Sobrang nahulog ako kahit alam kong may sabit ako. Ayaw ko ng ituloy yung plano kong saktan siya. Pero sa di inaasahang pangyayari, nasaktan siya. She saw Max. She saw my girlfriend.

Long-time girlfriend ko si Max. We’ve been together for two years bago ako umalis ng New York at bumalik dito sa Pilipinas para sa plano ko.

Habang nakikipagkaibigan ako kay Ysabel, hanggang sa maging close na kami. Walang araw na hindi kami nagusap ni Max. Skype. iMessage. Facetime. I was in love with her. But not until I fell for Ysabel.

I wanted to make things right that very moment pero sobrang sama ko naman kung makikipagbreak ako agad kay Max right after puntahan niya ko dito. So I waited til morning. Nakipagbreak ako agad kinabukasan. But she asked for one thing before she fully let me go. Sabi niya she wanted me to spend the rest of the day with her, kahit as friends lang. Sabi ko nun, bukas ko nalang pupuntahan si Ysabel, for now, magiging mabuting kaibigan muna ko kay Max.

Cold Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon