Chapter 3
Inayos ko muna yung sarili ko bago bumaba ng sasakyan. Tinignan ko kung halatang galing sa iyak yung mata ko. Hindi naman kaya lumabas na ko.
Naglalakad kami sa gitna ng campus tatlo. Nag-give way yung mga estudyante Ginagalang kasi kami dito. Kung hahara-hara sa daan namin, mababangga ka namin. Hindi kami bully, ayaw lang namin may humahara samin.
Habang naglalakad kami, biglang may isang lalaking lumapit samin. Sakin, actually. May hawak siyang bouquet ng red roses at letter.
Damn! I hate red roses! Hindi ako tumatanggap ng kahit anong bulaklak pero once na bigyan mo ko ng red rose, katapusan mo na.
“F-for you.” Sabi niya. He’s stuttering.
Kinuha ko yung bouquet. Hinagis ko sa lapag at pinagtatapakan. Kinuha ko rin yung sulat.
Hindi ko na siya binuksan. Basta ko nalang pinunit punit sa harap ng mukha niya. Bakit pa? Wala naman akong balak basahin yun.
“Mister I-dont-know-whoever-you-are. You should know that I dont entertain suitors. At sana kung nagbabalak kang manligaw man lang. Alamin mo na ayaw ko ng red roses. I hate red roses!” Sabi ko sabay naglakad na ko. Pero nagsalita pa siya.
“P-pero mahal kita Sab.” Sabi niya.
I laughed sarcastically. “Seriously? Kalalaki mong tao naniniwala ka sa mahal mahal na yan? Presyo lang ng bilihin ang nagmamahal.”
Naglakad na ko palayo sa stupid guy na yun. Nakasunod parin sakin sila Jessica at Zian.
“Grabe ka talaga girl! Kawawa naman yung guy. But yeah, he deserves it. Hindi man lang nagresearch na lahat ng magbibigay ng red rose sayo, binibitch mo.” Sabi ni Zian.
“Kawawa my ass. Para namang may bago sa pagturn down ni C sa mga suitors niya.” Sabi naman ni Jessica.
“Kundi ba naman sila isa’t kalahating tanga diba. Sabi na ngang wala akong panahon magmahal. Wala sa vocabulary ko yung kahit anong salitang may kinalaman sa love. Sige parin sila ng sige. Psh.”
Kilala ako sa school bilang Cold Hearted Girl. Wala akong kinakausap na lalaki maliban kay Zian sa school. Or kakausap lang ako pag may group work or kailangan, pero cold pa ko pag kausap ko sila.
Wala akong panahon sa love love na yan. Im past caring about love and all.
We went to the CZJ room. Kwarto namin tong tatlo. Lola said na kwarto nila to ng barkada niya nung high school sila. Na nagoriginate pa daw sa Great grand mother ko. Cool right?
Kompleto ang CZJ room. May TV, couch, kitchen, ref, may kwarto at kama na pwedeng tulugan. Dito rin kami madalas magstay pag break namin. Ayaw kasi namin yung makikigulo sa ingay ng caf.
Sinubukan naming buksan yung pinto pero parang ang hirap. May kung anong nakaharang sa loob. Pagtulak namin. Puro letters. Love letters to be exact. Paano nila to napasok dito? Kainis.
“Mang Mario.” Tawag ko sa janitor na dumaan. “Pakitapon po lahat. Lahat.” Sabi ko tsaka tuluyan pumasok at kumuha ng beer sa ref. Im a drinker. Malakas ang tolerance ko sa alak kahit 16 palang ako. Naging pangalawang bahay ko kaya yung bar nung broken hearted ako.
“Grabe talaga yung mga admirers mo C. Look oh, I love you Ysabel, noon pa man, yung pagiging cold hearted at mataray mo ang mas nagpapa-hot sayo. Like who the hell would tell these things in a love letter?” Sabi ni Z sabay tapon nung sulat na dinampot niya kanina.
“Stupid guys. Wala silang mapapala sakin. Bakit ba kasi nila ko kinukulit? Anjan naman si J! Single and ready to mingle.” Sabi ko.
Kinuha ni J yung beer sa kamay ko at uminom din siya. “Single lang ako pero hindi ready to mingle.”
“Ako ready to mingle. Akin nalang hot papables mo.” Sabi ni Z na nagtwinkle twinkle pa yung mata.
“Yuck.” Sabay naming sabi ni Jessica. Sabay nagtawanan kaming tatlo.
“Akin na nga yan. Ang aga aga beer. Juice colored. Puno na ng beer yang tyan niyong babae kayo.” Sabi ni Z sabay tapon ng beer na iniinom namin sa sink. Kumuha siya ng cold coffee in can sa ref at inabot samin. “Kape po ang iniinom sa umaga hindi beer.”
“Tss.” Sabi ko nalang.
“Pero seriously C. Wala ka na ba talagang balak maglovelife? I mean you’ve been acting cold to every single damn man. Kahit hot basketball player, dinudump mo agad agad eh.” Sabi ni J.
“Oo nga naman. Pwede naman na kung ayaw mo, ibigay mo nalang samin.” Sabi ni Z. Makikipag-apir sana siya kay Jessica kaso di siya pinansin ni J.
“Sayo nalang.” Sabi ni J. “Pero seryoso C. Wala ka talagang balak?”
“Wala. Walang wala.”
“Makakahanap din to ng katapat niya.” Sabi ni Z.
“Jan tayo magkakasundo Z. Apir!” At nagapir pa sila.
Mga baliw.
Hinding hindi na ko maiinlove ulit. Kahit na sinong pontio pilato pa yan.
Natuto na ko.
Walang forever.
Lahat yang mga lalaki na yan, eventually, sasaktan ka nila.
Mga hindi kasi sila marunong makuntento sa kung anong meron sila.
Kaya ako, magiging cold hearted nalang ako forever. The hell I care with what everybody will tell me. Atleast di na ko masasaktan. Ulit.
BINABASA MO ANG
Cold Hearted Girl
FanfictionAlmost Perfect Series IV I don't believe in love. Well, not anymore. Kahit ilang beses ka pang sabihan ng I love you o kahit gaano na kayo katagal na mag-on o kahit gaano mo siya pahalagahan, eventually sasaktan ka niya. Eventually lolokohin ka. Hi...