Chapter M - Drunk

24.4K 529 60
                                    

Chapter M

 

I went out of my car and walked gracefully towards SL. Pinapasok naman ako agad dahil kilala ako dito, hindi dahil madalas ako dito kundi dahil alam nilang anak ako ng may-ari ng bar na to.

Umupo ako sa stool at nakita kong nataranta yung bartender.

“What’s your order Mam Sab?” Pinakilala kasi ako ni Mommy sa lahat ng employees niya dito as Sab.

“Anything hard will do.” Sabi ko.

~

Kanina pa ko umiinom. Di ko pinapansin kung ilang tao na ba ang dumaan sa likod ko, tumabi sakin at sinubukan akong kausapin.

“Sab huh?” Sabi niya. Napatingin ako sa katabi ko. Gwapo siya. Mapula yung labi. Naka-fit siya na plain v-neck shirt kaya naman halatang macho at may abs ang isang to. In short, total package. “Im Justine.” Sabi niya.

I raised my hand at pinakita ko yung singsing ko. “Im engaged.” I laughed bitterly.

“I hate how that sounded so wrong. Im engaged with someone. Who is also engaged to someone else. Ang gulo noh?” I asked him.

Sa lahat ng mga kumausap sakin. Siya ang mukhang matino. I guess this will do. Talking to a stranger about your problems. Atleast he wont judge.

“Magulo nga.” Sabi niya. Binigyan kami ng tig-isang shot nung bartender at sabay naming ininom yun.

“Magulo talaga. Biruin mo, halos isang buwan na kaming engaged. Halos isang buwan na simula nung magpropose siya sakin. I said yes. Simply because I love him. Tapos kanina isusurprise ko sana siya, dumalaw ako sa bahay nila pero ako yung nasurprise.” I drank another shot.

Nakikinig lang siya sakin. Pinaikot ikot ko yung shot glass sa lamesa. “I saw him, another girl, his parents, and the girl’s parents. They were laughing while having dinner. Tapos pinakilala sakin ni Tita yung girl as my fiance’s fiancee. Nakakagago diba?”

“Anong sabi niya?” Tanong niya sakin.

Kinuha ko yung bagong shot glass ko at ininom yung laman nun, gumuhit siya sa lalamunan ko pero hindi enough. Kaya kinuha ko yung kay Justine at ininom ko rin yun.

“Wala. He just called my name. I was expecting him to say that I am his real fiancee. Na ako talaga ang papakasalan niya. Na ako ang mahal niya. Pero wala. Tanging Ysabel lang yung nasabi niya. He was caught off the guard. I looked at him blankly but I saw guilt in his eyes. Totoo pala. Totoo yung sinabi ng mommy niya.”

I wiped the tears streaming down my face pero walang tigil sila sa paglabas.

Uminom ulit kami ng sabay ng shot. I guess this Justine’s my instant bestfriend. Wala kasi akong mapaglabasan ng nararamdaman ko. At feeling ko anytime sasabog nalang ako.

Cold Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon