Chapter 7
NAPAKAKULIT! NAKAKAINIS! NAAASAR AKO!
Nagsend ako ng message sa group chat namin.
To: CZJ
Sinong nagbigay ng number ko kay HELL?!
Maya maya pa nagring yung phone ko.
“C.” Malambing na sabi ni Jessica.
“You know what, fine. Bahala kayo sa buhay niyo.” Sabi ko sabay binabaan siya. Halata agad na siya yung nagbigay ng number ko kay Hell eh.
I get it kung bakit nila kinakaibigan si Hell. Pero hindi naman ibig sabihin nun na makikipagkaibigan narin ako sakanya. Or na dapat ibigay nila pati personal infos ko like my phone number. Nakakainis talaga. Nakatitig lang ako sa phone ko na may text ni Hell.
Pinangalanan ko siyang HELL! DANGEROUS! KEEP OUT! sa phonebook ko.
I didnt bother sending a reply. Naiinis talaga ko. I change my clothes to two piece and went downstairs. Kailangan ko magpalamig ng ulo ko. I need to swim.
“Swimming? Stressed ka baby girl?” Tanong ni Kuya after niya ko abutan na lumalangoy. Umahon ako ng konti to drink my mango shake.
“Yes. Naiinis ako kay J eh. Kailangan ko magcool down. Baka magclash kami.” Sabi ko kay kuya.
“Woah. What is it this time?”
“Yung transferee.” I simply said.
“Siya na naman? Ano bang meron sa transferee na yan?”
“Binigay kasi ni J yung number ko sakanya. Tapos nagtetext sakin ngayon. Sinong di mabbwisit diba.”
“Kalma baby girl. Ikwento mo ng ng buo. Di ko kasi talaga magets ng buong buo yung kinagagalit mo eh.”
Then I started telling him what happened. Walang labis, walang kulang. Open naman ako kay Kuya sa lahat ng bagay. Nakikinig lang siya. This is what I love about my brother, minsan immature siya at makulit, pero pag kailangan mo ng makikinig. He’s always there to listen.
“Okay may point sila at may point ka. Naaawa lang sila dun sa Hell ba yun? Kasi wala siyang makasama pag break niyo kasi bukod sa bago siya, pinagkakaguluhan siya kamo, tapos kayo lang yung hindi nadadala sa charms niya kaya iniisip nila na sa dapat sainyo siya sumama. Pero nga ayaw mo ng makipagkaibigan sa lalaki dahil sa gagong yun. Tapos binigay pa nila yung number mo ng di mo nalalaman. Okay. Pwede ka ng mainis.” Sabi niya sabay gulo ng buhok ko.
Di ko mapigilang matawa sa Pwede ka ng mainis.
“Hahaha! Panira ka talaga ng mood Kuya!”
“Atleast napatawa kita diba. Hayaan mo na yun, wag mo nalang replyan. Makipagbati ka na kay Jessica. Para namang matitiis mo yung babaeng yun.”
I know.
I just cant stay mad at my bestfriend for too long. Hindi ko alam bakit, pero ganun eh. I always end up crawling back to her cause she’s my other half.
“I will, kuya. Tomorrow.”
“Psh. As if naman kaya mong patagalin overnight yung away away niyo. Ikaw pa ba?”
“Oo na! Oo na! Mamaya.” Sabi ko bago ako umakyat ng kwarto ko.
I handed for my phone only to see tons of messages. And when I say tons, I mean A LOT!
34 New Messages
Like what the hell?
Binuksan ko yung Messages ko. Nalaglag yung panga ko sa mga unread messages ko.
31 out of 34 ang galing kay Hell. 2 galing kay J. At 1 galing kay Z.
Una kong binuksan yung kay Zian.
Fr: Z <3
Hey. Kausapin mo na si J. Fix this shit you bitches. You guys are better than this. Love you both. :*
Lagi man nagbabangayan yan si Z at J, si Z parin naman ang nagiging referee namin ni J pag may away baliw kami.
We call it away baliw, yun yung petty fights. Parang baliw lang kami magaway, magkakasagutan kami ng sobra pero the next minute, we’re fine as hell.
Sunod kong binuksan yung kay J.
Fr: J <3
Im so sorry C. Wag ka na magalit please. :( I love you.
Fr: J <3
Pansinin mo ko pleaseeeee. Kahit . lang reply mo o blank space. Sorry na. :(
Hindi ko muna siya nireplyan. Tatawagan ko nalang siya mamaya. Tinignan ko yung sandamakmak na text ni Hell.
Fr: HELL! DANGEROUS! KEEP OUT!
YSABELLLLL!
Fr: HELL! DANGEROUS! KEEP OUT!
WOHOO! CARE TO REPLY?
Fr: HELL! DANGEROUS! KEEP OUT!
MS. SUNGIT!
Fr: HELL! DANGEROUS! KEEP OUT!
Pati ba naman sa text ayaw mo kong pansinin.
Fr: HELL! DANGEROUS! KEEP OUT!
Ysabel?
And it goes on and on up to the last unread message. Nakakaloko tong lalaki na to.
Why wont he give up? Im pretty sure makakahanap siya ng ibang friends. Ano bang kailangan niya samin? Sakin? Why is he so persistent?
It cant be money, Im sure as hell he’s rich.
It cant be popularity, he’s damn popular even when its just the first day of the school year.
It cant be that he likes either me or Jessica. That’s too much. Kakakilala palang namin.
Hell Zandrick, ano ba talagang gusto mong mangyari?
BINABASA MO ANG
Cold Hearted Girl
FanficAlmost Perfect Series IV I don't believe in love. Well, not anymore. Kahit ilang beses ka pang sabihan ng I love you o kahit gaano na kayo katagal na mag-on o kahit gaano mo siya pahalagahan, eventually sasaktan ka niya. Eventually lolokohin ka. Hi...