Chapter H - More than most

23.5K 568 11
                                    

Chapter H

 

“Mam Ice?”

Tss. Tama ba yung ginawa ko? I was just pissed kaya ko siya pinaalis. I dont think Im being narrow minded. Its a girl thing, the flattering remarks. Simple lang naman kasi yung gusto naming mga babae, maappreciate yung effort na ginagawa namin para sakanila. At isa dun ay yung pagpapaganda para sa date.

“Mam Ice?”

Tapos ni-hindi man lang ako sinuyo nung pinaalis ko siya. Talagang umalis lang siya. So ganun nalang yun?

“Ahm. Mam?”

Pero nagguilty din ako kasi nagsuot ako ng sobrang sexy na dress dahil lang galit ako sakanya. Siguro nga nag-over react lang ako, pero may karapatan naman ako magover react right?

Go on. Convince yourself Ice.

 

Nakakainis naman, ako na nga tong nahurt dahil di siya nakaappreciate pero ako parin tong nagguilty. Bakit ba kasi ganto ako e. I always tend to think things.

“Mam? Andito na po yung models.”

Overthinking really kills.

 

I need to get this out of my head. Kung sakanya, parang wala lang yung nangyari. I too, should feel the same way.

Dapat wag ko na masyado isipin yung nangyari. Its his fault, not mine.

“MAM!”

I almost jumped upon hearing my secretary shout on top of her lungs.

“Are you shouting at me Luisa?” I asked my secretary coldly. Kahit pa madalas ako makipagbiruan sakanya, now is not a good time to joke around. To shout at me even.

“Sorry Mam. I was trying to call your attention for a few times but you seem to be spacing out.” Nakayuko niyang sabi.

Tinatawag niya daw ako, di ko man lang namalayan. Kakaisip ko sa walangya kong boyfriend, naddistract na ko sa trabaho ko. This is bad.

I tried to calm myself. Masyado akong nadadala ng inis ko. “What is it?” I asked her.

“The models are here already. They’re at the studio Mam.”

“Go there and check if everything’s okay. I’ll check it up later.” Tumayo na ko, kinuha ko lang yung phone ko at umakyat ako sa rooftop ng company.

I need air.

Yung top floor kasi ng company parang may garden na pwedeng puntahan pag kailangan kong huminga sa lahat ng stress. Ako lang ang may access dito, at syempre si Hell. May password kasi yung pinto mismo papunta dito.

Pagupo ko sa bench dito, bigla nalang nagsilabasan yung mga luha ko. Pilit kong pinupunasan pero walang silang tigil.

“Nakakainis. Ang hina hina mo talaga Ice. Napakaiyakin mo. Di ka na nagbago.” Sabi ko sa sarili ko.

“Hindi ka lang nasabihan na maganda ka, nagkakaganyan ka na. Eh ano naman kung hindi siya nagandahan sayo. Eh sa mata niya nga hindi ka maganda. Wala kang magagawa. Nakakainis! Bakit ba kasi. Di naman ako pangit ah.” Humahagulgol na ko dito habang kinakausap yung sarili ko.

Nagulat ako ng magvibrate yung phone ko.

Fr: My Love <3

You’re the most beautiful girl I’ve met in my entire life.

“Sus. Most beautiful girl, eh ni hindi mo nga nasabi kanina na maganda ako. Nag-ayos pa naman ako. Ang aga ko pa gumising. Ang tagal ko pa pumili ng damit. Tapos sasabihin mo agad pagkakita mo sakin magpalit ako ng damit. Bwisit ka.” Sabi ko sa hangin.

As if naman may makakarinig ng mga sinasabi ko. Kailangan ko lang ilabas tong sama ng loob ko para tapos na.

Nagvibrate ulit yung phone ko.

Fr: My Love <3

Sorry kung hindi ko nasabi kanina. I was mesmerized but I dont want other guys to see what’s mine.

“Mesmerized nakasimangot. Ewan ko sayo Hell Zandrick! Bwisit! Tapos kanina ka pa ha, hindi ako makapagtrabaho ng maayos kakaisip sayo.”

At isa pa.

Fr: My Love <3

So seenzoned lang talaga ko love? Kanina pa rin naman kita iniisip eh. Kung paano ako magsosorry sayo. Im so sorry love.

“Ako ba pinagloloko neto.”

Bakit alam niyang nababasa ko yung mga text niya. At bakit parang naririnig niya yung mga sinasabi ko.

 

Nagvibrate na naman yung phone ko.

Fr: My Love <3

Di kita niloloko love. Di ko yun magagawa sayo. I love you.

Lumingon ako para tignan kung nandito ba siya dahil alam kong naririnig niya lahat ng sinasabi ko. Paglingon ko, nakita ko ang lalaking kanina pa pala nakiking sa mga sinasabi ko.

Bwisit na to.

 

May hawak hawak siyang bouquet ng Ferrero na chocolate sa isang kamay at yung isa naman may plakard na may nakalagay na SORRY LOVE. :(

 

“Im sorry love.” Mahinang sabi niya pero enough para marinig ko.

I went near him and gave him a peck on his lips. “Apology accepted.”

Bigla niya kong niyakap ng mahigpit. “Sorry talaga. Hindi naman sa hindi ako nagandahan sayo. Ayaw ko lang na may nakakakita ng legs mo. Sorry ang protective ko. Pero ikaw lang ang pinakamaganda sa paningin ko.”

“Sorry kung nagover react ako. I love you.” I told him.

Kumalas siya sa pagkakayakap at hinalikan ako ng mabilis sa labi. “I love you more.”

“I love you most.”

“I love you more than most.”

Cold Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon