Chapter L
It has been more than a month since Hell proposed to me. We’re happily engaged.
Kahit na these past few days lagi siyang busy dahil nagkakaproblema daw yung company nila, hindi parin siya nawawalan ng oras kamustahin ako, ipahatid at sundo ako pag hindi siya free, padalhan ako ng pagkain every now and then.
Hell’s such a good fiancé.
Hindi pa naman namin nagpaguusapan yung kasal pero alam na ng parents ko yung tungkol dito. Masaya sila para samin ni Hell. As for Hell’s parents, di pa nila alam. Nasa ibang bansa kasi yung parents niya. Well, lagi naman silang wala. Pero gusto ko parin pag ipinaalam sakanila, eh sa personal.
I fished my phone out of my bag to call him. Kanina kasi si Manong lang ang naghatid sakin papasok. He called to tell me na hindi niya ko mahahatid dahil may aasikasuhin siya.
But its already 5PM at wala pa kong narereceive na kahit ano maliban sa tawag niya na yun.
After a few rings, he finally answered the phone.
“H-hello love.” Sabi niya sa kabilang linya. He sounded so tired. Siguro napagod sa trabaho.
“Hi. Nasa office ka pa?” I asked him.
“Y-yes. Pero uuwi narin ako maya maya. Sorry hindi na kita mahahatid ah, gusto ko na matulog kasi antok na antok na ko eh.” Sabi niya.
Naiintindihan ko naman siya. Ive been there done that. Nung panahon ng annual fashion show halos wala narin akong tulog nun.
“I understand. Take care okay? Wag mo narin ako ipasundo kay Manong, magpahatid ka nalang sainyo baka mapano ka sa pagddrive mo eh antok ka na. I have my car naman eh.”
Nandito kasi yung sasakyan ko, naiwan to kahapon nung pinasundo niya ko.
“Are you sure? Pwede naman kita ipasundo kay Manong.”
“No need love. Im fine. Rest okay?” Sabi ko sakanya pero may plano talaga ko.
“Okay. I love you. Always remember that.” Sabi niya.
“I love you too Hell.” Sabi ko bago ko ibaba yung tawag.
I grabbed my things and made my way to the parking lot. Nagdrive ako papunta sa mall, since hassle pa kung magluluto ako, eh bibili nalang ako ng pagkain.
Im planning to surprise him.
Baka mauna lang siya sakin ng konti sa bahay nila dahil medyo matagal iprepare yung mga binili kong pagkain.
As soon as I got my orders, umalis na ko agad ng mall. Nagdrive ako papunta kila Hell.
Nakita ko naman sa labas yung sasakyan niya, may katabi pang isa pang sasakyan. I wonder whose car could that be? Hindi kasi familiar sakin yung sasakyan. Baka may relative siyang dumalaw.
I went out of my car holding the food I bought in one hand and my bag on the other hand. I made way to the front door. Bukas yun kaya hindi na ko kumatok. Sanay naman na yung mga kasambahay nila Hell na pumapasok ako dito.
Nakarinig ako ng mahinang tawanan sa dining area kaya doon ako pumunta.
I immediately froze upon seeing the scene in the dining.
“Chandria?” Tawag ng mommy ni Hell sakin.
Nandito ngayon si Hell, kasama yung parents niya, si Honey Tiu at dalawa pang mukhang kasing edaran ng mommy ni Hell.
Napatayo si Hell at napatingin sakin. Kasabay ng pagtayo niya ang pagtayo din ni Honey.
“By the way, eto nga pala si Honey Tiu, fiancee ni Zandrick.”
Halos mabitawan ko lahat ng hawak ko sa narinig ko pero hindi ko yun ginawa. Tinatagan ko yung sarili ko. Napahigpit yung hawak ko sa bag ko at sa plastic bag na may laman na pagkain. Na para sana sa fiance ko na akala kong pagod sa trabaho.
“Ysabel.” Mahinang tawag ni Hell sakin pero tinignan ko siya ng walang emosyon na mababasa sa mata ko.
I looked at him blankly for a split second before looking at his mother. I smiled. Bitter. Fake. “Sorry sa abala. I better go.” Sabi ko bago tumalikod sakanilang lahat.
I almost ran on my way out of Hell’s house. I heard him calling my name but I didnt bother looking back.
Pagsakay ko ng sasakyan ko, dali dali ko yun pinaharurot.
Nagdrive lang ako ng nagdrive hanggang sa mapadpad ako sa SL.
This is Mom’s bar. Dito daw siya nun nung broken hearted siya kay Daddy. I guess its my turn to make use of this bar.
Nanatili ako ng ilang minuto pa sa loob ng sasakyan ko.
Bumalik sa isip ko yung masayang tawanan nila kanina. Yung ngiti ni Hell. Yung ngiti ni Honey. Yung fiancee. Yung masayang parents ni Hell.
Ang daming tanong sa utak ko. Pero mas nangingibabaw yung sakit.
Ang sakit. Sobrang sakit.
BINABASA MO ANG
Cold Hearted Girl
Fiksi PenggemarAlmost Perfect Series IV I don't believe in love. Well, not anymore. Kahit ilang beses ka pang sabihan ng I love you o kahit gaano na kayo katagal na mag-on o kahit gaano mo siya pahalagahan, eventually sasaktan ka niya. Eventually lolokohin ka. Hi...