Chapter 1 - C. Z. J.

78K 908 87
                                    

Chapter 1

 

Good morning sunshine.

“Good morning Mommy.” Tapos hinalikan ko siya sa cheeks. I did the same with Daddy and Kuya.

“Good morning Daddy. Good morning Kuya Nate.”

“Good morning princess. You ready for your first day?” Tanong ni Daddy.

“Dad! Its not like first time kong papasok sa school na yun. Hahaha.”

“Oo nga naman love. Ginagawa mo namang baby tong si Sab. She’s 16.” Sabi ni Mommy sabay hampas kay Daddy.

“Mrs. Marco, kahit mag-20 pa yang si Sab, Baby girl ko parin yan. Baby girl parin namin yan, diba Nathan?” Sabi ni Daddy.

Inakbayan naman ako ni Kuya Nate. “Oo naman noh. Forever baby girl na to.”

“Mommy oh! Gumawa na nga kayo ni Dad ng baby para di na ko baby-hin nila Kuya.” Maktol ko. Pero nagbibiro lang naman ako. Mahal ko tong si Daddy at Kuya.

Namula naman si Mommy sa sinabi ko. Si daddy naman nagtaas baba ng kilay. “Gawa nadaw tayo Love. Dito nalang sa lamesa natin gawin, di ako makapagintay umakyat.” Sabi ni Daddy kay Mommy sabay nguso pa.

“YUCK DADDY!” Sabay naming sigaw ni Kuya.

“Tumigil ka nga Liam!” Sigaw ni Mommy.

Nang makarinig ako ng busina galing sa labas, nagpaalam na ko sakanila. Dahil anjan na ang sundo ko.

I saw his car outside our house. Pumasok ako agad ng shotgun seat at humalik sa pisngi niya.

“Good morning Z!” Sabi ko.

“Good morning C! Juice colored naman yung laway mo girl. Kainis ka talaga.” Tapos pinupunasan niya yung pisngi niya. Its my way to irritate him. Hahaha. Bad girl.

“Ang arte mo Z! Pasalamat ka nga naambunan ka ng laway ko! Hahaha.”

“Yuck! Bumaba ka nga ng sasakyan ko.”

“Nah-uh! Tara na sunduin na natin si J.” Sabi ko sakanya sabay upo ng maayos.

This, people, is Zian Miguel Antonio. A guy with the perfect features. Gwapo. And when I say gwapo, he’s drop dead gorgeous. Perfect jawline. Perfect set of eyebrows. Kissable lips. And a body to die for. Habulin siya ng babae. Crush ng bayan. Pero ang catch is, bakla siya. Yes, he’s gay. Well, he wont be my friend if he’s straight. Ride namin siya every single day on the way to school. Magkakalapit lang naman kasi yung bahay namin. We’re in one subdivision, iba ibang streets lang. He’s my best gay friend, if I may add. Pero kami lang nakakaalam na bakla siya. Kaya kung titignan mo siya, di pwedeng di ka maattract kasi naman super sizzling hot niyang pumorma. Aakalain mong lalaki talaga.

Cold Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon