Chase
"Kumusta ang hearing nyo?" Tanong ni Ralph sa akin ng pumasok ako sa office niya.
"Nakaka-burn out." Sagot ko. Hinubad ko naang suit ko at ang natira na lang ang long sleeves.
"They are using the money that you give them every month para i-contest ang last will ng lolo mo? Unbelievable." Napapailing nalang si Ralph.
"Para ko nga ginigisa ang sarili ko sa sarili kong mantika. Imagine, nanghihingi pa sila ng dagdag kasi daw kulang ang allowance nila. Tanggalin ko na kaya ang allowance tutal hindi ko naman obligation sa kanila ang magbigay."
Tiningnan ako ni Ralph.
"Kaya mo bang gawin?" He asked.Bumuntong hininga ako. "Malapit ko ng kayanin." I truthfully replied.
Nakakasawang pakinggan ang paninisi nila kay mommy. Hindi naman kay mommy pinamana ang lahat ng company at properties ni lolo kung hindi sa akin. Kung bakit kasi iyon ang ginawa ni lolo sa asawa at adopted daughter niya ay hindi ko alam. Wala siyang iniwan kahit isang cent sa kanila. It was my own decision to give them an allowance na ginagamit naman nilang pambayad sa lawyer nila ngayon para habulin ang mga minana ko. Diba, ang tanga lang ng set-up?
"Tara sa labas, tapos na yatang tumugtog si Mia. Gusto mo ng wine or mas matapang?" Tanong ni Ralph.
Inlove na inlove ang gago kay Mia.
"Yung kayang sumipa." I replied.
"Wala kaming Red Horse dito. Dapat sa Club Zero ka pumunta." Sagot ni Ralph.
Nadidinig ko na si Summer na kausap ni Mia, palabas pa lang kami sa office.
"Mia, any drinks?" Tanong ni Summer.
"Iced tea na lang Summer," Mia replied.
"You don't like wine?" Tanong ni Summer dito.
"Some other time. Kapag wala ako sa work. Baka magalit ang boss ko." Biro ni Mia.
Nangingiti na si Ralph sa tabi ko. Wala na...finish na itong si Ralph. Nadagit na.
"Mabuti at alam mo, Madame." Sagot ni Ralph.
"Ang galing mong tumugtog. Parang gusto ko tuloy mag-boyfriend sa mga oras na ito." Sabi ni Summer.
Natawa si Ralph at ewan ko ba kung bakit nang natingin si Summer sa akin ay bigla na lang itong umirap.
Binaba ni Summer ang Iced Tea sa harapan ni Mia.
"Maiwan ka na dito Chase. Hatid ko lang si Mia." Sabi ni Ralph sa akin.
Ngumiti si Mia but before I can smile back, narinig ko na si Summer.
"Huwag ka ng mag-aksaya ng ngiti, Mia. Taong bato yan." Sabi ni Summer.
Napakunot ang noo ko."Hindi ka dapat nagsasalita ng hindi maganda sa iba lalo na kung hindi kayo close, Mia." I replied. Napatingin sa akin si Mia.
"I didn't say..." Hindi naituloy ni Mia ang isasagot nang sumabat si Summer.
"Huwag ka kasing magmataas sa iba Mia. Lahat naman tayo nakapag-aral, lahat tayo may sariling pera." Sabi ni Summer. What the hell?...
"Hindi dahil hindi ka pinapansin, hindi ibig sabihin nagmamalaki na ako. Ang hirap kasi sa inyo, Mia... napaka judgemental nyo." Naiinis na sagot ko.
"Wait...what?" Nalilitong na si Mia sa amin ni Summer.
"Hoy, nakakadamay kayo ng iba." Sita ni Ralph sa amin. As always, pumapagitna lagi si Ralph.
"Kung may issue nga kayong dalawa, mag-usap kayo ng maayos." Dagdag pa nito.
"Kita na lang tayo sa ibang araw, Ralph. Bye Mia." Hindi ko na hinintay na sumagot si Ralph at Mia. Tumalikod na ako at walang lingon na umalis.
"The nerve of that guy." Nanggigigil si Summer at nadinig ko pang may bumalibag.
The nerve of me?... Eh siya nga ang nauna. Hindi naman kami ganyan dati, bigla na lang silang nag-iba. Silang mga girls na dati ko din namang tropa. Iisang grupo kami eh. Ako, si London, Ralph, Jaxx at ang mga kaibigan ni Summer.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga pairap na tingin nila sa akin. Sa dami ng kailangan kong gawin, pati ba sila dadagdag pa?
Umuwi ako sa bahay ko na mas mainit ang ulo kaysa ng natapos ako sa court hearing. Pagkapark ko ng kotse ko, natanaw ko si daddy na palabas ng bahay at palipat sa bahay ko. Ang bahay na minana ko din kay lolo.
"How are you, son?" Tanong ni daddy.
"Pagod, dad." I replied. Naupo kami sa mga upuan ko sa porch na napansin ko na kailangan ko na naman magpadamo dahil medyo mahaba na ang damo sa harapan.
Ikinuwento ko ang nangyari sa hearing at ang request nila Tita Christine na magpadagdag ng allowance. Nailing nalang si daddy sa mga ibinalita ko.
"Kaya mo pa ba?" Tanong ni daddy.
"Baka mastress si mommy kapag ikinuwento pa sa kanya. Can you just keep it from her? I know I am asking too much, but..."
"Okay, Chase. Anything else na ikinakukunot ng noo mo?" Sumandal si daddy sa upuan at naghintay na magkwento ako.
Umiling ako but dad gave me a knowing smile.
BINABASA MO ANG
More Than Words (Completed)
RomanceChase Marcelo is the rightful heir of the Ongpauco Group of Companies. Sa kanya ipinamana ng namayapang lolo ang lahat ng kayamanan nito leaving his wife and adopted daughter with nothing. Kaya ang stress level niya ay kasing taas ng responsibilitie...