Chapter 15- Marco

9.4K 278 7
                                    

Summer

Tatlong araw nang hindi nagpaparamdam si Chase. Ano naman sa palagay mo Summer? Hindi dahil may nangyari sa inyo, eh kayo na.

Friday night, nakatambay ang mga kaibigan ko sa bar at kinukwento ni Violet ang sweet moments nila ni Lucas ng dumating si Ralph kasama si Mia.

"Mia!!!!" Sigaw nila nang pumasok nila Mia. Sinalubong agad ni Violet si Mia na mukhang naguguluhan.

"Kumusta ka na? Bakit ka nag-enroll paano tayo pupunta ng Cordonia niyan?" Full of energy si Violet. Napapailing na lang ako. Inayos ko ang mga wine na order sa dulo ng bar. Yung malayo sa ingay nila.

"Few units lang para makapagturo ako ng Music. What did I miss?" Tanong ni Mia. Umupo sa isang high chair at tumabi kay Sakura. Binabaan ko ng wine si Mia. Wala ka ngayong ligtas. 

"Hindi mo schedule ngayon." Sabi ko sa kanya bago pa siya makatanggi.

"So ayun na nga, grabe from the top ba ang kwento ko ulit?" Natatawang tanong ni Violet.
"Mia, may boyfriend na ako." Kinikilig na inulit ni Violet ang kwento niya.

"Eto pa, si Xykie..."Tumingin si Violet kay Xyk. "Ikaw na bakla ang magsabi."

Xykie cleared her throat then raise her ring hand. Pucha, ang bakla, may bato na sa kamay.

"Whaaa..." Sabay-sabay kaming nasigaw. "Engage ka na?!" 

"Di ba, ang taray ng bakla!" Sabi ni Violet.

"Anong kaguluhan 'to?" Tanong ni London pagdating. But my eyes landed to Chase. 

"Engage na si Xykie." Pagbabalita ni Brook.

Para akong kinabahan na hindi ko maintindihan. Nakatitig siya sa akin pero hindi nagsalita.

"You know London, it's not the age that we after... It's the maturity." Sabi ni Mia na ikinatahimik ng grupo namin. Napatingin ako sa group of friends ko.

"Who wants to have a partner that has a level of maturity of a teenager?" Dagdag pa ni Mia. 

"The emotional stability of a man is what we are attracted to the most. The sincerity of his words, the understanding..." Dugtong ni Violet. 

"Your emotion is safe because they are not playing games anymore." Sabi ni Xykie. 

"And we know that you will not understand that because you are immature." Sabi ni Sakura kay London.

Very well said girls... pero parang kayo lang ang meron nun.

"Huwag ka na kasing hihirit, napagtulungan ka tuloy." Biro ni Chase.

"Ikaw, ano ang idadagdag mo?" naiinis na tanong ni London sa akin.
Mukha namang hindi affected si Chase sa mga nangyari sa amin so I pretend that I am okay too.

"Baka kaya immature ka dahil hindi ka tuli..." I said. Nabadtrip si London ng magtawanan kaming lahat.

Tapos, natingin ako kay Chase. He has a playful smirk on his face. Oh God... hindi ko sinasadyang manukso. Hindi talaga...

"Guys, ang ganda ng Santorini." Sabi ni Violet. "Di ba, Summer?"
Napatingin ako kay Violet at tumango. 

"Naghiwalay kami ni Summer sa Santorini. Then she went to Cordonia. Ang cute ng bagong princess ni Ate Jack. Shock-ness." Parang nangangarap na si Violet sa mga magiging anak nila ni Lucas kung makabuntong hininga.

Xykie smirked. "Kasama nga ni Summer si Chase sa Cordonia from Santorini eh. First time mo ba doon?" Tanong ni Xykie kay Chase. 

"Yup." He replied. 

"Hu-wat? Magkasama kayo ni Summer sa Santorini? Eh di ba..." Pinanlakihan ko ng mata si Violet. Hindi nito itinuloy ang sasabihin.

"Hi...Summer." Natingin kaming lahat sa bumati sa akin sa kabilang dulo ng bar. 

Nakangiti si Marco sa akin. "Dito ka pala nagwowork." Sabi nito.

"Siya ang may-ari nito." Matabang na sagot ni Violet na nasa kabilang dulo ng bar. 

"Ano ang ginagawa mo dito, Marco?" Tanong ko sa kanya. 

"I want to see you." Deretsong sagot ni Marco.

"Funny ka talaga." Sagot ni Violet. 

"Can we talk somewhere na walang ibang tao?" Tanong ni Marco sa akin. 

"Bakit pre? Hindi mo kayang magsalita ng may ibang tao?" Tanong ni London. 

"Susunduin kita bukas. Around what time ka available?" Tanong ulit ni Marco.

Huminga ako ng malalim...Kalma ka lang Summer.

"May lakad ako bukas eh." Sagot ko. 

"The day after tomorrow?" Tanong ni Marco. 

"Puno ang schedule ko this week," I replied.

"I'll see when you are free then." Sabi ni Marco bago umalis.

Sinusundan siya ng tingin ni Violet habang palabas ng Resto. Kung nakakamatay lang ang tingin, baka namassacre na si Marco.

More Than Words (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon