Summer
"Psssttt...problema mo?" Tanong ni Sakura ng pumasok sila ni Brook sa office namin. Wala si Ralph dahil hinatid na si Mia at si Cami naman ay busy sa kitchen.
"Nabad trip ako kay Chase." I replied.
"Wala ng bago doon." Umupo si Sakura sa harap ng table ko.
"Napadalaw ka, Brook? Akala namin hindi mo na alam ang Country Club." Nakangiting tanong ko.
"Sumisilay lang yan kaya pumunta dito." Sabi ni Sakura. Hinampas ni Brook ang braso ni Sakura.
"Aray... grabe para kang mason sa bigat ng kamay mo." Daing ni Sakura.
Nagringang cellphone ni Sakura. Tumaas ang isang kilay niya nang makita ang pangalan ni Xykie.
"Si Xyk. Ano na namang chismis ang dala niya?" Tanong ni Sakura bago sagutin.
"Hello, bestie." Sagot niya sa kanyang bestfriend.
"Sakura... putang-ina... Si Violet." Dinig kong sabi ni Xykie. Nanlaki ang mata ko. Naaksidente na naman ba?
"Ano ang nangyari?" Napatayo si Sakura.
"Loudspeaker mo." Utos ni Brook. Sakura puts Xykie on a loudspeaker.
"She got kidnapped but nakatakas siya. Good thing nakatakas siya. She was almost raped." Sabi ni Xykie. Nanginig ako sa mga sinabi ni Xykie. Brook is in the bridge of crying.
"Can you come in here with Kuya Gab and Kiro?" Tanong ni Xykie pagkatapos magkwento.
"Yes...Yes... I will. Balitaan kita. Okay lang ba si Violet?" Tanong ni Sakura.
"Pabalik sila ni Lucas dito sa Cordonia." Xykie replied.
"I'll see you soon." Nanlalambot kaming tatlo ng patayin ni Sakura ang tawag.
"Alis muna ako. Tawagan ko si Kiro." Umalis agad si Sakura habang doon pa lang nag sink in sa akin ang mga nadinig ko.
"Summer...tumahan ka na." Inalo ako ni Brook.
"Sasakalin ko si Violet kapag nagkita kami." I said.
Mag-isa na lang ako sa Resto-Bar dahil hindi na bumalik si Ralph at maaga namang umuwi si Camilla. Ako na lang ang maghihintay sa mga tauhan para isarado ang Resto. Mag-isa akong umiinom ng bumukas ang pintuan at pumasok si Chase.
"Wala si Ralph." I said. Tinungga ko ang shot glass na may lamang vodka.
"Hindi naman si Ralph ang hinahanap ko." Tumabi si Chase sa akin.
"Ikaw lang mag-isa ang naiwan dito?' Tumingin sa paligid si Chase.
"At ang mga tauhan. Wala na rin si Cami kung siya ang hinahanap mo." I said.
Umiling si Chase, tumagilid at tumingin sa akin.
"I'm sorry for what I said earlier. Mainit lang ang ulo ko." Sabi ni Chase. Nahinto ako sa pag shot.
"Lasing na yata ako. Totoo ka ba, Chase? As in Chase Maxwell Marcelo apologizing to me?"
Kinuha ni Chase ang shot glass ko at siya ang uminom.
"As I said, mainit lang ang ulo ko kanina." Sagot niya.
Kinuha ko ang shot glass at nagsalin ulit. I drink it this time.
"Bakit naglalasing kang mag-isa?" Tanong nito. Kinuha ang shot glass, nagsalin ng shot niya at ininom.
"Napahamak na naman si Violet." I murmured. Hindi ko napigilang umiyak. Of all people, kay Chase pa akong umiyak.
"Hey... Summer. What happened to her?"
Umiiling akong pinunansan ang mukha ko. "She's on her way to Cordonia. Nandoon naman si Xykie." I said.
"Bakit hindi mo puntahan para mapanatag ka?" Tanong niya.
"Hindi kami okay." God, I must be too drunk to confide with him.
"Magkapatid kayo, Summer. Natural lang ang nag-aaway sa magkakapatid. Believe me, apat kaming magkakapatid." Itinapon ni Chase ang shot glass at tinungga na ang vodka sa bottle. Inalok niya ako kung gusto ko. I drink from the same bottle too. Nagsalitan kami.
"Tawagan ko na lang si Sakura later."
"Bakit hindi pa ngayon?" Inabot sa akin ni Chase ang cellphone niya. "Makakalimutan mo ng tawagn si Sakura mamaya. Do it now." Binuksan ni Chase ang phone niya at hinanap ang number ni Sakura. Binigay niya sa akin phone at kinuha ang vodka.
"Hello." Matabang na sagot ni Sakura.
"Sakura, si Summer 'to."
"Summer?... Kay Chase number 'to di ba?" Balik na tanong ni Sakura.
I cleared my throat. "Nakihiram lang ng phone. Listen, what time kayo aalis nila Kiro papuntang Cordonia?"
"Err... mamaya na." She replied.
"Sama ako." I said.
"Ummm...Sure ka?"
"Yes. Positive." I replied.
"Okay sige. Sabihin ko kay Kuya Gab. Six am ang usapan namin sa tarmac." Sakura informed me.
"Okay. Sige thank you."
Binalik ko kay Chase ang cellphone niya.
"See... Huwag mong ipagpamamaya ang kaya mo namang gawin ngayon." Sabi nito.
"Sino ka ba talaga? Ano ang ginawa mo kay Chase?"
Chase chuckled. "Hindi naman ako ang nag-iba eh. Ikaw." He replied. "Tama na yang Vodka. May flight ka pa. I will walk you to your penthouse. Ako na ang tatawag kay Ralph para sabihing aalis ka." Nilayo ni Chase ang bote ng vodka sa akin.
We closed the resto and he walked me until sa building ng Grace na designed para sa mga long term rentals at Penthouses. Dito ako nakatira.
"Ingat ka, Summer." Sabi nito.
Umihip ang malamig na hangin. Kasabay noon ay tumalikod si Chase at naglakad palayo.
"What the hell was that?" I murmured.
BINABASA MO ANG
More Than Words (Completed)
RomanceChase Marcelo is the rightful heir of the Ongpauco Group of Companies. Sa kanya ipinamana ng namayapang lolo ang lahat ng kayamanan nito leaving his wife and adopted daughter with nothing. Kaya ang stress level niya ay kasing taas ng responsibilitie...