Chase
Nakasakay si Summer sa passenger seat ng kotse. Habang hawak ko ang isang kamay niya at ang isa kong kamay ay nasa manibela.
Nagring ang phone ko at tumatawag si Sky.
"Baka importante." Sabi ni Summer.
Ngayon ko naiisip ang ibig sabihin ng tono ng boses niya. She's not happy about it kaya hinayaan kong dumeretso sa voice mail. Dinala ko si Summer sa condo ko sa Makati para makapag-usap kami.
Pagpasok namin sa condo, tumawag ulit si Sky. I put her in loud speaker.
"Kuya, naabutan mo si Ate Summer?" Tanong niya.
I saw Summer smile a little.
"Oo. Kasama ko siya." I replied.
"Hhhuuu..." Huminga ng malalim si Sky. "Akala ko hindi mo naabutan. Pati ako kinabahan. Sinesante ko na ang magaling mong assistant ha. Demonyong yun. Ang dami mong letter sa drawer niya."
"Bahala ka." I replied. I hold Summer's hand and guide her to sit on the sofa.
"Kuya... pwede ko bang sabihin kina mommy na magkakababy ka na?" Excited na tanong nito.
Natatawa akong hinalikan sa noo si Summer."Bahala ka." Sagot ko kay Sky.
"Yes... Diyos ko Kuya. Totoo nga ang alalamat ng Marcelo." Tumatawa si Sky sa kabilang line.
"Akalain mong triplets ang baby mo.""Ha?"
"Anong ha? Hindi mo ba tiningnan ang ultrasound? Nakalagay dito Baby A, Baby B, Baby C." Sagot ni Sky.
"Triplets?" Tanong ko kay Summer. Tinatawanan na niya ako ngayon.
"Diyos ko Kuya... ang tulis mo. Tasado ka ba?" Biro ni Sky habang tumatawa pati si Summer.
"Triplets." Summer confirmed.
"O sige na. Baka naabala ko kayo. Bye Kuya. Bye Ate Summer. See you soon." Pinatay ni Sky ang phone.
"Hon... Triplets?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Summer. Hawak ko ang magkabilang pisngi niya.
She gets her broken phone and played the video of her ultrasound. Remind me to her a new phone later.
Madidinig doon kung paano inexplain ng doctor niya kung heat beat ng mga anak namin. Naluluha kami ni Summer na pinanood ang video.
"Sorry hon. I'm sorry." I kissed her head and asked for forgiveness over and over.
"From now on, kayo ng mga anak natin ang priority ko. I won't let you down again. You can count on me from now on. I will never, ever leave you."
Hindi kumibo si Summer.
"Kaya bang maprepare ang wedding bago lumaki ang tiyan mo?"
Napaupo ng deretso si Summer.
"Chase, hindi naman kita inuobliga na pakasalan ako." Sabi niya.
"What are you saying? Syempre papakasalan kita, Summer."
Umiling siya. Nagsimula na akong mainis.
"Hindi ka obligation sa akin, okay? Hindi ka mabubuntis kung hindi kita mahal. Kaya kung may boyfriend ka or gusto mong balikan or kahit sinong gago sa tabi, sorry Summer... wala na siyang aasahan. Kung..." Tinakpan ni Summer ang bibig ko ng kamay niya.
"Mahal mo ako?" Tanong niya. Inalis ko ang kamay nya na itinakip sa akin.
"Matagal na. Hindi ko lang gustong sabihin sa first date dahil hindi pa tayo nakakapag first date."
![](https://img.wattpad.com/cover/159716758-288-k344815.jpg)
BINABASA MO ANG
More Than Words (Completed)
RomansChase Marcelo is the rightful heir of the Ongpauco Group of Companies. Sa kanya ipinamana ng namayapang lolo ang lahat ng kayamanan nito leaving his wife and adopted daughter with nothing. Kaya ang stress level niya ay kasing taas ng responsibilitie...