Chapter 18- Priority List

9.6K 297 15
                                    

Chase

"Sir..." Huminto ako sa tapat ng table ni Dolor paglabas ko sa meeting room. 

"May tumawag sa phone mo. Unknown number eh. Sharon daw." Inabot ni Dolor ang cellphone ko at laptop. 

"Wala akong kilalang Sharon." I replied. 

"Sabi ko nga sir. Buti hindi kita inabala." Sagot ni Dolor.

Lumipas ang maghapon na puro ako meeting. Gabi na ng makita ko ang 10 miscalls galing kay mommy. It was past 8pm when I called her.

"Ma...why?" 

"Nothing. I'm just checking on you. Wala kasi ang mga kaibigan mo dito eh. You want to have a dinner with us?" Hopeful na tanong ni mommy. 

"My week is full mommy." 

Bumuntong hininga si mommy. "Masyado kang busy. Please re-arrange your priorities, Chase."

"Sorry. I'll try to have time on weekends." I promised her. 

"We will wait for you on Saturday." She said. 

"Okay. Love you, Ma." 

"Love you too, Chase." Sagot ni mommy. 

Nabasa ko rin ang mga kalokohan ni Ralph at London sa Cordonia sa chatroom namin.

Kumag 'tong si Ralph. Sinend lahat kay Mia ang picture nya kasama ang GRO.
- Sent by London

How to delete them?
-Sent by Ralph

Gago...kapag may dalawang blue check na, ibig sabihin nabasa na.
-Sent by Jaxx

Iyak na naman si amboy. Hahahaha
-Sent by London

Tiningnan ko ang mga picture na sinasabi ni Ralph. London sent it to our group...

"Mukha ngang malaking gulo." I murmured.

Madami pa silang sinned na pictures. Pagkagising daw nila, wala na daw sa palace ang mga girls kaya nagkakagulo ang mga may asawa. Sinend pa ni London ang pictures na pinadala sa kanila ng butler ni Henry.

But my eyes just scanned the rest. I am looking for Summer. She's wearing a two-piece yellow swimsuit. Her hair is in a braid and has a sunglasses on her eyes.

She looks like a sunshine.

Hindi pa nga pala kami nakakapag-usap. Pag-uwi niya. I'll make a time for her. Kailan ba siya uuwi?

Kailan ang uwi nyo?
-Sent by Chase

Nasa Pinas na kami sa Saturday.
-Sent by London.


Punong-puno ang schedule ko ng mga meetings, court hearings, brainstorming with my team. Kaya pagdating ng Friday, sobrang pagod na ako. Tulog na ako agad pagdating sa condo ko sa Makati.

Nagising ako kinabukasan sa tunog ng phone ko. 

"Hello." 

"Kuya, tulog ka pa? Anong oras ka pupunta dito?" tanong ni Sky, ang kapatid ko na sumunod sa akin. 

"Sige, babangon na ako." I murmured. 

"Okay. Uhmmm, Kuya..." 

"Ano na naman ang ipapabili mo?" Tanong ko. I heard she giggled. 

"Pwede ko bang mahiramang Beach House mo next weekend?" 

"Mag-usap tayo mamaya." I replied.

Nahagilap ko si Jaxx sa Club Zero ng hapon na yun. Nakatakas na ako sa pangaral ni mommy kaya pwede na akong magrelax.

Nagpapractice si Jaxx at ang banda niya kasama si Mia. Tinawagan ko si Ralph para papuntahin dito. Di naman nagtagal, dumating si London kasama si Sakura at Violet. Nasaan si Summer?

"Kayo lang?" Tanong ko kay London. 

"Nagpaiwan si Summer at Brook sa Cordonia." Sagot ni London. Fuck that... 

Violet cleared her throat. "Medyo masama kasi ang pakiramdam ni Summer." Sabi nito.

Nakataas ang isang kilay ni Sakura habang nanonood sa nagpapractice. Wala naman pala dito ang hinihintay ko.

Maya-maya pa, dumating na si Ralph na mukha masusuka sa kaba.

"Kausapin mo na." I told to Ralph ng magbabaan na ang mga bandmates ni Jaxx. Naiwan si Mia at Jaxx sa stage. Nag-uusap silang dalawa.

Napaupo ulit si Ralph ng kinuha ni Jaxx at Mia ang tig-isang gitara at nagsimula ulit silang tumugtog.

"Show off na si Mia ah... Daming alam tugtugin." Comment ni London.

Mukhang natuklaw ng ahas si Ralph ng magsimulang kumanta si Mia. Si Sakura at Violet naman, kinikilig sa upuan. Nakinig ako sa kanta ni Mia na halos umiyak na dahil mukhang tuod si Ralph na nakaupo lang sa tabi namin.

"Oh my God, bakit naiiyak ako?" Natatawang nagpunas ng luha si Violet. 

"Naiiyak na si Mia." Bulong ni Sakura kay Ralph.

"I'm sorry." Sabi ni Mia after the song.

Pinanood namin sila ni magkayakap sa baba ng stage hanggang sa lumabas silang dalawa ni Ralph para mag-usap. Tumabi sa amin si Jaxx at umorder ng beer.

"Balita sa inyo?" Tanong nito.
Violet snorted. 

"Ikaw, buti nandito ka! Parang sa office ka na natutulog." Jaxx claps my shoulder.

Kumuha ako ng beer ng dumatingang order ni Jaxx. Minamasdan ako ni Sakura. 

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. 

"Tumawag kami ni Summer sa phone mo. Bakit hindi ka nagreturn call?" Tanong nito.
Naibaba ko agad ang bote ng beer. Tumawagsi Summer? Bakit hindi ko alam?

"Kailan kayo tumawag?"

"Hindi ba sinabi ng nakasagot ng phone mo? Babae yung sumagot eh. Noong nagStag Party..." 

Nakunot ang noo ko. Walang sinabi si Dolor sa akin. "Walang sinabi ang assistant ko." I said. Sakura rolled her eyes.

"Ang tangang kausap ng assistant mo. Sabi ko, tumawag kamo si Summer. Sharon sya nang Sharon." Sabi nito. Then...I remember it. 

"Putang-ina... Sabi niya may tumawag na Sharon. Wala akong kilalang Sharon." Tatamaan sa akin si Dolor sa Lunes. 

"Alam nyo bang niligawan ni daddy si Tita Kaye." Pag-iiba ng kwento ni Sakura. 

"Di nga?" Tanong ng chismosong si London. 

Tumango si Sakura. So anong connection, Sakura?

"Kaya lang, naturn off si Tita Kaye kasi laging busy si daddy sa negosyo niya." Sabi ni Sakura. Nakatingin talaga siya sa akin. 

"Kaya ayun, napunta si Tita Kaye kay Tito Angel. Kaya nang makilala ni daddy si mommy, he made sure na si mommy ang nasa top ng priority list niya. Isang tawag lang ni mommy, he will drop everything kahit nasa gitna siya ng meeting."

Ano ang alam ni Sakura? Did Summer confide in her?

"Iayos mo ang priority list mo, Chase. Kung kasama si Summer doon, huwag mo namang iparamdam na bali wala siya sayo." Sabi nito.

Natahimik kami. Nakatitig na din si Violet sa akin.

"Kayo ba ni Summer?" Nagtatakang tanong ni London. Parang siya lang ang nagtataka.

More Than Words (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon