Chase
Summer is just sitting at the back of the car. Looking annoyed but she's not resisting.
"Summer..."
"Chase, just stop. I am not in the mood tonight." She replied. Nakahalukipkip at nakatingin sa labas ng bintana.
Pagdating sa presinto, pinaderetso si Summer sa isang bakanteng selda.
"Christ..." Palakad lakad ako sa harapan ng selda niya. Nakaupo siya doon, pinapagpag ang nag-iisang kama na malinis pa ang basahan sa bahay namin. And then she lay down.
"Summer, bumangon ka. Madumi diyan."
She looked at me like she's bored. "Mahihilo ako sa kakabalik-balik mo."
"I am fucking agitated," I shouted. "You should not be supposed to be there. Why you are so calm when I am shaking with anger?"
"Gusto mo akong magwala? Ilabas mo ang babaeng mangga." Sagot niya.
"Where is that woman?" Nadidinig ko ang boses ni Tita Christine.
Pumunta sila kasama si Arabella sa cell ni Summer.
"How dare you?" Sigaw ni Tita Kay Summer.
"Stop it... Both of you." Sigaw ko sa kanila. May pasa si Arabella sa pisngi. "Both of you." Tinuro ko si Tita at Arabella. "This is the last time. I'm fed up."
"Nasa resto ka pero hindi mo pinagtanggol ang pinsan mo?" Nakapamewang na tanong ni Tita.
"Pinsan? Nag-aaya ng sex sa akin yang anak mo..." I shouted on Tita's face.
"Dadagdagan mo ang allowance namin o mabubulok sa kulungan yang babae na yan?" Banta ni Tita.
Tumawa si Summer sa loob. Bumangon sa pagkakahiga at umupo.
"Kapal ng mukha nyong mag-ina. Wala naman pala kayong pera, kung makapagyabang kayo akala nyo mayaman kayo. Hintayin nyo ang lawyer ko, mga patay-gutom." Sabi ni Summer.
Kung hindi lang ako galit na galit, baka natawa ako sa mga sinasabi niya.
"At ikaw babaeng mangga, ang kapal ng baba mong mag-aya ng sex kay Chase. Akala mo naman makinis ka. Nagpaparty nga sa mukha mo yang pimples na kasing laki ng pigsa. Kung hindi ka pa mukhang lamang lupa." Sigaw ni Summer.
Ano ba nangyayari kay Summer? Sinasapian ba ito?
"Kita nyo na? Mamang pulis... walang breeding ang babaeng yan. Iniinsulto nya ang anak ko." Baling ni Tita sa pulis.
"Dito na po kayo ma'am. Para po hindi na magkagulo." Pilit inaakay ng pulis sila Tita pero ayaw tuminag.
"Tangina yang anak mo. Tao pa ba yan? Akala ko kidney stone na nabuhay." Sagot ni Summer. Pinipigilan ng pulis na matawa.
"Mommy..." Parang batang sumbong ni Arabella.
"Get lost...Tita. I will not give you an increase." I said.
Nanlaki ang butas ng ilong ni Tita. "Then mabubulok siya sa kulungan." Sabi nito.Nagtangis ang mga ngipin ko.
"You know what?... I change my mind. Wala na kayong makukuha kahit isang pera sa akin." I said.
Ngumisi si Summer.
"You can't do that." Sigaw ni Tita.
"Of course I can," I shouted back.
At that moment, dumating si Tita Sam kasunod si Tita Trisha, si Violet, si Sakura, si Tita Diane at si mommy.
Lumapit si Violet at Tita Trisha sa rehas. The hallway seems crowded.
"I am Summer Miller's lawyer. Ano ang kaso?" Tanong ni Tita Sam sa pulis.
"Assault, Attorney." Sagot ng pulis.
"Nasaan ang medico-legal? Sino ang abugado ng kabilang party? May warrant of arrest ba?
Sinong judge ang pumirma?" Sunod-sunod na tanong ni Tita Sam.
"Kasalanan mong lahat ito, Yumi." Sabi ni Tita Christine.
Lumapit si mommy kay Tita Christine at isang malakas na sampal ang binigay niya dito.
"Wala akong kasalanan sayo. Huwag kang mandamay ng ibang tao dahil sa galit mo sa akin." Sabi ni mommy.
"Mga ma'am. Konting hinahon lang po." Inawat ng pulis si Tita Christine samantalang nakatayo lang si mommy sa tabi ko.
"This is the last time you will drag my family and friends with your selfishness. Papatulan na kita Christine. I gave you so much time para magbago." Kalmadong banta ni mommy.
Isang pulis ang lumapit sa selda ni Summer at binuksa ito. Pinalabas nila si Summer.
"Bakit nyo pinapalabas yang? She assaulted my daughter." Nagwawala si Tita Christine habang umiiyak si Arabella.
Dumaan si Summer sa harapan ni Arabella.
"Huwag kang magsusuot ng brown. Baka mapagkamalan kang choco pinipig na icedrop or worst, kamoteng kahoy. Mamili ka." Sabi pa niya bago lumakad palayo.
"Summer?!" Parang ngayon lang nadinig ni Tita Trisha na nang-insulto si Summer. Gulat na gulat ito habang tawa ng tawa si Tita Diane, Violet at Sakura.
"Huwag ka ding magpapayong, baka mapagkamalan kang mushroom." Pahabol pa niSummer.
Tawa sila nang tawa habang palabas kami ng presinto.
"Sabi ko na, may naituro akong mabuting asal sa inyong dalawa." Comment ni Tita Diane kay Summer at Violet.
Dahil wala kaming dalang kotse, nakisakay kami ni Summer sa kotse ngkanya-kanya naming magulang. Hindi na naman kami nakapag-usap. Haaayyyyy....
BINABASA MO ANG
More Than Words (Completed)
RomansaChase Marcelo is the rightful heir of the Ongpauco Group of Companies. Sa kanya ipinamana ng namayapang lolo ang lahat ng kayamanan nito leaving his wife and adopted daughter with nothing. Kaya ang stress level niya ay kasing taas ng responsibilitie...