Summer
Few years ago.
"Ano ang ginagawa nyo?" Tanong ni Chase sa amin. Nakatambay kami sa condo ni Ralph. Kakatapos ko lang sa Master's Degree ko at relax mode muna ako.
"Nakatambay." Sagot namin nila Violet, Xykie, Sakura at Brook ng sabay-sabay.
"Wala ba kayong productive na magagawa sa buhay nyo kung hindi tumambay?" Nakakunot ang noong tanong ni Chase.
"Yabang mo naman." Sagot ni Violet.
"Hindi na kasi kayo bata. Example, ikaw Summer... What are you doing in here? Bakit hindi ka naghahanap ng work?" Nakapamewang na tanong ni Chase.
"Hindi ba pwedeng magpahinga muna?" Sarcastic na tanong ko kay Chase.
"Sayang ang oras." Sagot ni Chase.
"Kaka graduate lang namin." Sabi ni Brook.
"Hindi pinupulot ng magulang nyo ang pera." Pangaral ni Chase.
"May work kami." Sabay-sabay na sagot ni Sakura, Xykie at Violet.
Umiiling si Chase na umalis sa harapan namin.
"Naging CEO lang, ganun ng manita!" Sabi ni Xykie.
Doon nagsimula ang pagkabad-trip namin kay Chase hanggang ngayon.
Present Day
Nag-aayos ako ng mga gamit na ilalagay ko sa luggage ko. I went to my cabinet and look for my passports. Dahil dual citizen ako, kailangan kong dalin ang dalawang passport ko. A small notebook dropped on the floor that made me stop from closing the cabinet.
I remember this notebook. I wrote this when I was fifteen years old. I open the pages and saw my bucket lists. Places to Visit before 30... Things to try before I Die... People to meet on this lifetime... Meron pa akong list a gustong gawin sa sariling wedding.
What am I thinking ng isinusulat ko ang mga ito?
Binasa ko ang mga list ko... Some are funny, but this was me when I was fifteen.
Places to Visit before 30
1. Paris, France- ✅ done
2. Colosseum in Rome
3. St. Peter's Basilica, Rome
4. Venice, Italy
5. Santorini, GreeceMay cross out na ang Paris dahil napunta na ako. There are at least 20 places pa na nakalagay sa Places to Visit ko ang hindi ko pa napupuntahan.
Things to try before I Die
1. Sky Diving
2. Surfing
3. Car Racing
4. Dance under the stars
5. Get a tattoo
6. Cry under the rain
7. Sleep at the prison cellNatatawa ako sa iba pang nakalagay. Ang hindi ko kinaya ang nasa hulihan.
30. Maging Boyfriend si Chinito.
Oh my God.
Mabilis kong isinara ang notebook at inilagay sa ilalim ng bag ko kasama ng passport.
When I wrote Chinito, hindi si Kiro ang nasa isip ko kung hindi si...
"Chase." Bulong ko. "Old self, anong kahibangan ang ginagawa mo noon at gusto mong maging boyfriend si Chase?" Naiiling akong nagligpit ng kwarto ko.
"Adik ka ba dati?" Bulong ko habang walang kalaban laban ang mga unan na pinapagpag ko sa head board.
"Wala na bang ibang lalaking maisulat? Bakit si Chase? Ha, Summer? Bakit si Chase?" Binato ko ng tuluyan sa headboard ang unan. Napaupo ako sa kama. Pagod na pagod kakahampas sa unan. Antok na antok dahil sa vodka at namamanhid dahil sa kaba.
"Bakit ba kasi weakness mo pa ang singkit?" Naiinis na tanong ko sa sarili ko.
Naghintay ako sa tarmac mula 5:00 am ng umaga. Naunang dumating si Kuya Gab.
"Kumusta si Violet?" Tanong ko agad kay Kuya Gab.
"Okay naman siya." Sagot ni Kuya.
Sabay na dumating si Kiro at Sakura. Ang hindi ko lang inaasahan, kasama ni Tito Cloud si Chase.
Tumango sa akin si Chase. "Natawagan ko na si Ralph." Sabi niya.
"Thank you," I replied.
Lalong naningkit ang mata ni Sakura na nagmamasid sa akin.
"Bakit magkasama kayo ni Chase kaninang madaling araw?" Bulong nito saka humagikgik palayo sa akin.
Hindi iyon ang tanong eh. Bakit nandito si Chase kasama namin?
"Sasama ka ba?" Sigaw ni Chase sa akin. Nakasakay na pala sila sa eroplano na maghahatid sa amin sa MIAA.
Nagmamadali akong sumunod sa kanila.
BINABASA MO ANG
More Than Words (Completed)
RomanceChase Marcelo is the rightful heir of the Ongpauco Group of Companies. Sa kanya ipinamana ng namayapang lolo ang lahat ng kayamanan nito leaving his wife and adopted daughter with nothing. Kaya ang stress level niya ay kasing taas ng responsibilitie...