Chapter 9- Car Race

9K 291 8
                                    

Summer

"Sigurado kayo?" Kinakabahang tanong ng kaibigan ni Violet na si Philip. 

"Huwag kang pumusta kung sugapa ka." Bulyaw ni Violet sa kanya.

Nakasakay na ako sa driver seat at dumungaw si Violet sa window.

"Relax lang Summer. Huwag masyadong mahigpit ang hawak mo sa manibela." Sabi niya. 

"Paano ka nakakarelax ng ganito? Sobrang taas ng adrenaline ko ngayon." I replied. 

"Isipin mo na lang si Chinito ang hinahabol mo." Tinapik ako ni Violet bago tumayo ng maayos.

"Ready." Sigaw niya. Napapailing ako. Parang tambay sa kanto si Violet kung sumigaw.

Noong teenager kami, tinatakas ni Violet ang kotse ni daddy sa gabi. Sinusundan ko naman siya at pinapanood na mangarera. Deep inside of me, gusto kong subukan but I was afraid. Alam kong may consequence kapag nahuli kami ni daddy. Pero ngayon, to hell with that consequence.

Sabi nga ni Manang Elsa, that perfect girl is gone.

"Get set..." Sigaw ng babaeng halos nakatuwad na mailabas lang ang pwet.
Dahan-dahan niyang binitawan ang panyo na hawak. I stepped on my gas and my car has a few meter leads.

"Whhooohoooo..." Nadinig ko ang sigaw ni Vioelt bago ako magfocus sa daan.

Hindi ko alam kung magkano ang ipinusta ni Violet. Noong nasa Bordeaux kami, habang lasing siya at pinagbibintangan akong syota ni Lucas at itinatanggi na nagselos siya ng makita kaming magkausap, pinakita niya ang bank account niya sa akin. Gusto kong batukan si Violet. Ang laki ng pera niya pero nakatira sa studio type na condo.

Nakakahabol ang kalaban ko, but I am not a Miller kung hindi ko siya matatalo. With that in mind, itinodo ko ang pagtapak sa accelerator. Halos umusok ang gulong ng kotse sa drifting na ginagawa ko sa tuwing liliko.

Malapit na kami sa finish line ng may bumangga sa bumper sa likod ko.
"Dirty player," I murmured.

I shifted my gear and went to the fastest speed. Nag-uunahan ang bumper ng kotse namin ng kalaban ko. Hindi ako pwedeng matalo. Konti na lang... Konti na lang.

Lumagpas kami sa finish line at ginamit ko ang hand brake para humito ako. Umingit ang kotse at nag-amoy gasgas na gulong.

Napasandal ako sa upuan ng huminto ako. Mabilis ang tibok ng puso ko at nanlalambot ang mga tuhod ko. Tumatakbo palapit si Violet sa akin.

"Summmmmeeeerrrrr..." Sigaw niya. Kinatok ang bintana ng kotse. Nanlalambot akong binuksan ang salamin.

"Shit... okay ka lang?" 

Tumango ako at hinayaang tumulo ang pawis sa gilid ng mukha ko. Nakangisi si Violet. 

"Panalo tayo..." Sabi niya at kinalampag ang bubong ng kotse.

"Putangina, mas kaskaserong magmaneho ang kapatid mo sayo." Sabi ni Philip habang tinitingnan ang bumper sa likod. "Yupi ang bumper." 

"Gago, pagawa mo na lang. Nanalo ka naman." Sagot ni Violet.

Sunod na lumaban si Violet. Nakaupo ako sa gilid ng daan dahil nanlambot talaga ako. Pinusta ko ang napanalunan ko. After that night, dumoble ang pera namin ni Violet.

Naglalakad kami ni Violet pabalik sa hotel namin ng mapansin ko ang isang lalaki. Susundan ko sana siya pero bigla siyang nasama sa mga taong naglalakad.

"Summer, uy... Sino ang nakita mo?" Tanong ni Violet. 

"Akala ko si Chase ang nakita ko." I said. 

"Ano naman ang gagawin ni Chase dito sa Paris?" 

"Akala ko lang siya. Naghiwalay kami sa Toulouse eh." Huli na para bawiin ang sinabi ko. Napahinto si Violet sa paglalakad. 

"Magkasama kayo sa Toulouse bago tayo nagkita?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Coincidence lang." Nagpatuloy ako sa paglalakad on the opposite side ng pinuntahan ng lalaking akala ko ay si Chase.

Hinila ni Violet ang kamay ko at nagmarcha para sundan si "CHASE"

"Uwi na tayo." Sabi ko kay Violet.

Mabilis maglakad ang lalaki at nakayuko ito. Kumanan siya sa kanto kaya si Violet doon ako hinila.

"Whoooaaaa..." Nabigla kami ng pagkanan namin ay hindi si Chase ang nakabangga namin. 

"Hey..." Sabi ng lalaki. "Summer?" sabi niya ng makilala ako.

"Oh, the devil," Violet murmured. 

Tumalikod kami but Marco stopped us. "Wait... Are you girls here for vacation?" 

"Work. We will go ahead." Matabang na sagot ko.

Mabilis kaming lumayo ni Violet kay Marco.

"Wait lang. Can we have coffee?" 

"Bawal sa amin ang kape. Tinutubuan kami ng kaba." Sarcastic na sagot ni Violet.

"How about late dinner?" Sinunadan kami ni Marco. 

"Busog na kami. Thank you." Magalang na decline ko. 

"Breakfast tomorrow?"

Huminto kami ni Violet at sabay kaming humarap sa kanya. 

"NO." We said together at mabilis na tumalikod.

"Tang-ina, ang kupal ng ex mo, Summer." Nanggigil na bulong ni Violet sa akin.

More Than Words (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon