Chase
Binawal ang babae sa lahat ng stag party pagkatapos ng nangyari sa Cordonia. At sinisisi nila si Lucas dahil doon.
"Sa lahat ng Stag Party na napuntahan ko, ito ang walang babae." Reklamo ni Tito Audi.
Nasa wine cellar kami nila Tito Renz kung saan malapit lang sa amin sila Mommy at Mommy Trisha na nagsusurpervise ng mga gagamitin sa kasal namin.
"Wala kasing magagalit sayo kaya nagrereklamo ka ng ganyan." Sagot ni Tito Renz.
"Bakit nga ba hindi kayo nag-asawa?" Tanong ni London sa mga binata forever.
"Walang nagkamali." Sagot ni Tito Tristan sabay nagtawanan sila.
"Merong kwento si Audi... akala nyo ah. Kwento mo nga pre." Sulsol ni Tito Mark.
"Ganto kasi yun...Noong hindi pa ako mayaman." Simula ni Tito Audi. Nagtawanan agad ang mga kabarkada niya.
"Tangina mo ka, mayaman ka ba ngayon?" Tanong ni Tito Mark.
"May kaya naman ngayon kaysa dati. May gusto ako sa isang babae pero ayaw sa akin ng magulang. Kasi nga hindi ako mayaman. Pogi lang." Sabi ni Tito Audi. Binato siya ng mani ni Tito Neil.
"Oh ano nangyari?" Tanong ni Tito P.
"Ayun, mataba na siya ngayon." Sagot ni Tito Audi. Nagtawanan na naman sila.
"Si Pedro nagkwento na ah... Ano nga yun pre? Yung Huling El Bimbo nya...Eh si Mark, ano ang kwento?" Tanong ni Tito Marcus. Pambihirang makainom ang mga ito, parang mga bata sa kulit.
"Wala raw pumapasa kay Manang Flor. Laging "It's a no for me" si Manang sa mga babae ni Tito." Sabat ni Ralph. Natawa kami dahil tinitigan ni Tito Mark si Ralph.
"Bagsak ka rin sa akin." Sagot ni Tito Mark.
"Hala ka..." Sulsol ng mga mapang-asar na sila Rome.
Tatawa-tawa si Ralph palibhasa nakainom na din.
"Nabasted yang si Mark." Sagot ni Tito Nick.
"Oy, anong nabasted?" Tanggi ni Tito Mark.
"Talaga naman. Nung nasa Ateneo tayo, may niligawan ka taga UP Diliman. Kala nya papasa siya eh. Dinaan sa papogi, ayun, niyaya siya ng debate. Amputa, hindi nakakibo si Mark ng tinanong ng opinion tungkol sa gobyerno." Kwento ni Tito Nick.
"Nasaan na yung babae ngayon?" Tanong ni Tito Kyle.
"NPA na siya ngayon." Sagot ni Tito Mark. "Nakita ko sa TV noong isang araw. Sumisigaw pa din ng laban." Natatawang napapailing si Tito Mark.
"Tito Nick, bakit hindi ka nag-asawa?" Tanong naman ni Jon.
"Bakit ikaw may asawa na ba?" Balik tanong ni Tito Nick. "Ikakasal na." Pagmamalaki ni Jon.
"Ganito yan.." Sabi ni Tito Neil. "Ako na ang magkukwento baka dagdagan mo pa." Sagot ni Tito Nick.
Uminom pa ito ng beer bago magsimulang magsalita.
"Ikakasal na dapat ako noon ng mahuli kong may iba ang girlfriend ko." Sabi ni Tito Nick.
"Ay, tangna...sakit nun. Ano ang ginawa mo sa lalaki?" Tanong ni Rome.
"Anong lalaki? Babae ang third party." Sagot ni Tito Nick na ikinatawa namin.
"Sana niyaya mo ng tatluhan." Comment ni Tito Marcus.
"Ayaw nga nila eh. Sinuggest ko nga yun eh." Nagkibit ng balikat si Tito Nick saka tumawa. Totoo ba to?
Puro kalokohan ang usapan. Di mo alam kung totoong nangyari. Puro hangin na kami sa tiyan.
"Nasaan na ang ex mo na yun, Tito?" Tanong ni King.
"Ayun, nagbebenta ng Mio." Sagot niya.
Nagtawanan na naman kami. Tang-inang yan...
"Si Tito Neil na..." I said.
"Wala akong kwento." Sagot ni Neil.
"Meron." Sabay-sabay na sagot ni Tito Mark, Tito Audi at Tito Nick.
"Kwento mo yung bagang." Sabi ni Tito Mark.
Natatawang umiling si Neil. "Ahhh puta, ganito yan." Sabi niya. "Tang-ina muntik na akong matuloy sa dentistry kakasunod sa babae na yun. Enroll ako sa CEU para sundan yung babae. Naging kami naman, tapos pinakilala ako sa magulang." Kwento ni tito Neil. Uminom muna ng beer para may konting bitin.
"Tapos, eto na nga...Eh di, nagmano ako. Eh si erpat, mahigpit noon, hindi talaga ako binigyan ng kotse dahil ayaw kong mag-Ateneo. Eh di, mano...mano ako... Tapos tanong si erpat ni ex... Ano ang course mo? Eh di sagot naman ako... Syempre mayabang eh alam mo naman." Sabi ni Tito Neil.
"Sabi ko Dentistry po sabay ngiting tagumpay. Aba, sabi ng erpat niya, ano ang ipapakain mo sa anak ko? Bagang?"
Maluha-luha kami sa kakatawa.
"Nawalan ako ng gana sa Dentistry, transfer ako sa Ateneo. Nakilala ko yang mga gung-gong na yan." Naiiling si Tito Neil na natatawa.
"Nasaan na yung babae na yun, Tito?" Tanong ni Carlos.
"Ayun, nakapangasawa rin ng dentista. Kumakain malamang ng bagang sa mga oras na ito." Tumatawang sagot niya.
"Kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Manag Flor. Sus, lahat daw ng kaserola, may nakalaan na takip. Eh bakit ang kawali, kahit ano pwedeng itakip? Kawali ako 'tol." Pagmamalaki ni Tito Mark.
"Narinig nyo na ang kwento nila? Ngayon, huwag nyong gagayahin." Banat ni Tito Red. Sari-sariling reklamo ang apat na Binata Forever. Si Tito P tatawa-tawa lang.
Napunta sa UAAP ang usapan, at syempre ang La-Salle at Ateno ang mortal na magkalaban.
"Hindi na uubra ang Ateneo sa volleyball girls ngayon." Pagmamayabang ni London.
Papatalo ba sa yabang ang Atenista?"Namo ka... Pustahan." Sagot ni Ralph.
"Sige, Kapag nagchampion ang Ateneo magpapahikaw ako sa titi ko." Sagot ni London.
"Tangina mo ka, kapag ikaw umatras, papagulpi nakita talaga kay Kiro." Sabi ni Ralph.
"Gago kapag nanalo ang La Salle, magpatattoo ka kagaya ng mga tattoo ni Kuya Gab.Pangatawanan nyong kambal kayo."
"Deal." Sagot ni Ralph.
"Deal..." Sabi ni London.
Parang maganda ang pustahan ngayon ah...
BINABASA MO ANG
More Than Words (Completed)
RomanceChase Marcelo is the rightful heir of the Ongpauco Group of Companies. Sa kanya ipinamana ng namayapang lolo ang lahat ng kayamanan nito leaving his wife and adopted daughter with nothing. Kaya ang stress level niya ay kasing taas ng responsibilitie...