Chapter 19- As delicate as bomb

10.3K 332 48
                                    

Summer

Hindi ako papasok. Masama ang pakiramdam ko.
-Sent by Summer

Sige pahinga ka. Jet lag yan.
-Sent by Ralph

Nakatulog ako sandali pero naiinip ako sa bahay kaya pumasok ako ng gabing iyon. I made sure na maayos ang make up at buhok ko.

"Oh, kala namin hindi ka papasok." Ralph looked surprised to see me. 

"Naiinip ako sa bahay." I replied. Napatingin ako sa bar dahil nandoon si Violet at Sakura na nakatambay. Nandoon din si Chase na may kausap na... maliit na babae. Nagsu-sway ang paa dahil hindi abot ang bar stool.

Biglang tumaas ang isang kilay ko. Sakto namang nalingon si Violet.

"Hey... Sexy natin ah." Puna ni Violet sa suot kong skinny jeans at red tube. I paired it with my boots. 

"Sayang ang tan eh." I replied bago ako pumunta sa loob ng office. Ramdam kong sinusundan ako ng tingin ni Chase.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong manuntok ngayon... Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako pumunta sa bar.

"Di ba weekdays... Himalang nandito kayo." I said to them. Ang midget nababae, umangkla kay Chase. Sinusundan ako ng tingin ni Chase, ramdam ko kasi talaga.

"Miss, one martini on the rack." Sabi ng babae sa akin.

Naglakad ako sa tapat nila ni Chase. He is looking at me intently.

"Sorry, wala kaming gatas na sineserve dito." I replied. Sabay taas ng isang kilay.

Nagtawanan si Violet at Sakura. I saw Chase smirked. Naka-angkla ka eh... 

"Excuse me?... I am old enough to buy a drink. I can buy you and this club." Sabi ng mahaderang midget. 

"Stop." Sabi ni Chase sa babae. Inalis nito ang pagkakahak sa kanya.

Tinukod ko ang dalawang kamay ko sa bar at dumukwang sa mahaderang babae na kinapos ng height. Feeling Ann Curtis kung magbitaw ng linyahan.

"Really? Baka nga tuition fee pa ang ginagamit mo sa pamasahe papunta dito. Alam ba ng magulang mo na nagcutting classes ka. Ganyan na ba ang uniform ngayon sa highschool?" Tuya ko sa kanya. Kung makaskinny jeans ka kala mo mahaba ang legs mo.

"Tawagin nyo nga ang guard. Bakit nagpapapasok kayo ng estudyante dito." Nilakasan ko ng konti ang boses ko. Tawa ng tawa si Sakura at Violet.

"Umuwi ka na nga Arabella. Nanggugulo ka lang." Naiinis na din si Chase. "Stop this charade. Sabihin mo sa mommy mo, I decline you."

"Sino ba ang pinagmamalaki mo Chase? Itong matanda na ito? Ayaw mo sa bata?" Sabi ni Arabella  sabay turo sa akin ng sinabi ang word na matanda.Ay ang impakta...sino ang matanda?

Hindi nakasagot si Chase dahil sinuntok ko si Arabella sa mukha mula sa bar. Nabuhal siya mula sa kinauupuan niya at tuluyang malalaglag kung hindi siya nakakapit kay Chase.

"Hala..." Nagulat si Violet. Nagmamadali akong inawat ni Violet at Sakura ng makalabas ako sa bar.

"Tang-ina ka. Sino ang matanda?" Sigaw ko. Napatingin sa amin ang iilan na kumakain. Mabuti at taga Country Club ang mga ito. Hawak ako ni Violet sa likod. Nasa harapan ko naman si Sakura at pinipigilan akong makalapit.

"Isusubong kita sa mommy ko." Sabi ni Arabella na umiiyak. Sapo-sapo ang pisngi. 

"Eh di magsumbong ka sa nanay mong kasing kinis ng pasas at powder na ang breast milk." I said.

Tumatawa si Violet at Sakura habang pinipigilan ako.

"Lakas ng loob mong sabihan ako ng matanda. Ikaw nga pandak, sinabihan ba kita na unano ka? Ha? Impakta ka. Lumayas ka, bago kita tadyakan kang chanak ka." Nakaabot kay Arabella ang boots ko sa hita niya. Malandi ka, kung hindi ko ibaon yang takong ko sayo.

"Ipapapulis kita." Sigaw nito. 

"Eh di ipapulis mo. Nasa bucket list ko ang matulog sa presinto." I replied. "Kapal ng mukha mo, hugis mangga naman."

Nagdadabog si Arabella na lumabas ng resto. 

"Huwag kang yuyuko, matutusok ng baba mo yang lalamunan mo." Pahabol ko.

Nakatulala sa akin si Ralph at Chase. Speechless sila.

Niyakap ako patalikod ni Violet habang tumatawa. "Ang creative mo talaga kapag nang-iinsulto ka." 

Napaupo si Sakura sa stool at nakayukong tumatawa.

Kumawala ako kay Violet. 

"Sino ba yun?" Naiinis na tanong ko kay Chase. 

"Ampon ni Tita Christine." Sagot nito na parang shock na shock sa mga nangyari. 

"Ampon ng Tita mong ampon? Nag-ampon na lang yung mahaba pa ang baba. Matangkad pa ang baba niya sa kanya." Naiinis akong tumalikod at bumalik sa office.

Hindi pa ako kumakalma ng may dumating na mga pulis na resto.

"Ma'am, may nagsampa po ng kaso sa inyo. Assault." Sabi nito. 

"Fuck...Tawagan mo si Tita Sam." Nadinig kong utos ni Chase kay Violet. 

"So, kailangan kong sumama sa presinto?" Mataray na tanong ko sa pulis. 

"Yes, ma'am." 

Tinaasan ko ng isang kilay ang pulis at kinuha ang blazer ko na dala ko kanina.

"I'm coming with you." Sabi ni Chase sa akin. Sumunod siya sa amin ng mga pulis palabas ng resto. 

Hindi ko expected na ang susunod na pag-uusap namin ni Chase after Cordonia ay sa likod ng police car.

————————
A/
Hahaha ung sunod sunod ang insulto ni Summer, hindi alam ni Arabella kung saan unang maiinsulto sa mga sinabi sa kanya. 😂😂😂

Let it go ba kamo, ayan na si Summer. Nag let it go na. 🤣

More Than Words (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon