Chase
Sinundan ko ang wine tour at tinikman lahat ng wine na inihain sa amin.
Hindi ko alam na may pink na wine. At sa tuwing iiikot ni Summer ang wine niya bago amoyin at tikman, napapatingin ako sa kanya. She always closes her eyes when she inhaling the scent...Bagay na hindi ko maamoy dahil pare-pareho lang ang naamoy ko.And God, she's fucking sexy when she's doing that. She will take a little sip and she will taste it bago niya iinumin ang half ng glass. She's really into wine.
She ate cheese now and then. Sabi niya, it's neutralizing the taste para daw hindi magkahalo-halo ang lasa sa dila niya. But I hate cheese dahil nakakita ako dati ng cheese na may amag.
When we reached the last part ng wine tour, medyo lasing na ako.
"Bakit hindi mo sinabing nakakalasing ang wine?" I asked her. Nakaupo kami sa reception area, halos maingay na lahat dahil may tama na ang alcohol. Nakasandal ako sa balikat ni Summer.
"Kaya pala you spit some kapag hindi nakatingin ang tour guide."
She chuckled. "Akala ko kaya mo eh." Sabi niya.
"Madaya ka." I replied.
Nilabas ni Summer ang cellphone niya at nilagay sa selfie mode.
"Say cheese." She said.
Pareho kaming nakangiti sa picture.
"Hindi ka pa rin kumakain ng cherry hanggang ngayon," I told her. Ang bango ni Summer.
"Bakit mo alam?""Tinanggal mo sa fruit cake kanina eh." I replied.
She chuckled. "Nakita mo pala."
"Naalala ko kapag kumakain tayong cupcake dati sa Sweet Bells, nilalagpasan mo lagi ang cherry flavour na cupcake."
Hindi kumibo si Summer.
"And you hated that cherry flavour toothpaste na binigay sayo ni Tita Abby."
"I don't remember that toothpaste." Sabi niya.
"Ahhh... bata ka pa kasi nun. But I remember it." I said.
"Kape tayo pagkahatid sa atin sa city" Yaya ko kay Summer ng hindi na siya kumibo.
Nagpahatid kami sa pinaka city ng Toulouse sa service ng wine tour. Nakahanap kami ng isang coffee shop at doon nagpalipas ng gabi.
"Saan ka nyan pupunta bukas?" Tanong ko kay Summer. Napangiwi siya sa pait ng kape.
"Sa Bordeaux." She replied. "Wine tasting ulit."
Tumango-tango ako. Akala ko magtatagal pa siya dito.
"Madalas ka bang sumasama sa mga wine tour?"
"Sa Napa Valley, nakasama na ako. Hindi pa ako nakakapunta sa Australia at Spain. Usually, nagpapadeliver na lang ako galing sa mga kilala kong winery. Ang purpose ko lang naman sa wine tour is to discover new wine to add in my collection." Pagkukwento ni Summer.
Nararamdaman ko nang nawawala ang tamang wine sa akin.
"Hanggang kailan ka dito?" Tanong niya.
Nagkibit ako ng balikat. "Hanggang sa magsawa siguro."
"Sino ang magsasawa sa ganitong lugar? Baka hindi ka na umuwi nyan." Sabi niya.
Napatingin si Summer sa langit. Ang daming stars...
"Bakit ang dami nila ngayon?" She murmured.
"Hindi mo lang siguro napapansin kasi maulap sa Tagaytay." I replied.
Summer closed her eyes when the wind blows. A song from Norah Jones is playing at the café.
Come away with me in the night
Come away with me
And I will write you a song"My hotel is only a few blocks from here. Iwan na kita dito?" She said.
"I'll walk you." Wala sa sariling sagot ko.
We walk few steps...Walang tao sa daan at nadidinig ko pa ang malamlam na boses sa speaker.
I hold Summer's hand and spin her."Oppps"
Napahawak si Summer sa balikat ko.
And I sway her in the middle of the street under the stars while the song called Come Away with Me is playing.
BINABASA MO ANG
More Than Words (Completed)
RomanceChase Marcelo is the rightful heir of the Ongpauco Group of Companies. Sa kanya ipinamana ng namayapang lolo ang lahat ng kayamanan nito leaving his wife and adopted daughter with nothing. Kaya ang stress level niya ay kasing taas ng responsibilitie...