Chase
Take a break...
That's what my mom said last night before I went to The Lakeside and look for Ralph but instead I found Summer drinking alone. We talked, like for an hour without sarcastic remarks at each other.
So when dad said he will go to France para ihatid sila Gabriel, I asked him if I can join and have some break from work. Kaya ngayon, sakay ako ng private jet papuntang France at sila Summer naman, papuntang Cordonia para puntahan si Violet.
"Chase, nagbabakasyon ka pala ano?" Biro ni Gab sa akin.
"Sobrang burn out na ako." He replied.
"Ang laki ng company na hawak mo, sinong hindi mapapagod?!" Gab commented.
"Para kang pamilyado kung magtrabaho ka." Biro pa niya.
Naiiling akong ngumiti.
Napapansin ko ang pagtitig ng flight attendant sa akin.
"Wine?" Tanong nito.
"No, thank you." I politely decline.
Malagkit ang tingin nito sa akin bago siya lumayo.
"Did she just eye fucked you?" tanong bigla ni Sakura.
"Saan mo natutunan yan?" Tanong agad ni Kiro sa kanya.
"Nasa dugo talaga." Gab gave me a high five.
"Wala akong balak dagdagan ang sakit ng ulo ko." I replied.
Napansin kong tahimik si Summer na nakatingin sa bintana na parang may makikita siya doon bukod sa mga ulap.
"Summer, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
Parang naguguluhan siyang tumingin sa amin.
"I'm fine... Just, thinking." She replied.
Parang iiyak na naman ang asul nyang mga mata.
"Okay lang si Violet. Kasama naman niya si Lucas eh." Sabi ni Sakura.
"Lucas? Yung pinsan ng asawa ni Jack?" I asked.
Tumango si Sakura.
Ang alam ko nanliligaw kay Summer yun. Not that I am updated, naririnig ko lang kay London.
"Yung Duke..." Dagdag pa ni Sakura.
Duke, huh!... Kaya ba nagkagalit itong magkapatid ay dahil doon?
Tahimik si Summer sa buong flight namin. Naghiwalay kami sa France. Umuwi si daddy sa Pilipinas na walang sakay maliban sa crew niya.
Nagpunta ako sa Paris ng mag-isa at na-bored sa mga nakikita kong couples na parang photoshoot lagi sa kahit saang sulok ng Paris. Sa sobrang umay ko sa kanila, I packed my bag and bought a train ticket to nowhere.
Habang nasa train ako, may nakausap akong matanda na papuntang Toulouse. I haven't heard of that place so I decided to give it a try.
"You can visit the winery when you reach there." Sabi nito. He has a thick French accent na mahirap intindihin.
"You will love the countryside. Paris is overpopulated." He said.
"I agree with that. Too much crowd."
"And overrated. The countryside is romantic... Not Paris."
I chuckled. We have the same thought.
Binigyan ako ng listahan ng matanda kung saan magandang magpunta na winery.
Pagkababa ko ng train, naghanap ako ng hotel na matutuluyan sa Toulouse. Tama ang matanda, hindi nga crowded dito at ang gandang country side. Wala kang makikitang pre-nup sa kung saan. Wala kang makakasalubong na naghahalikan na may camera na nakatutok sa mukha. At higit sa lahat, walang Eiffel Tower na punong-punong ng turista.
Sariwa ang hangin dito and I can see so much green.
Habang nakaupo ako sa isang park na nasa gilid ng Canal du Midi, naisip ko bigla ang kapatid ni mommy. Siya ang isang example ng babaeng ayaw kong makasama habang buhay. She never contented with her life. She always complains...she always looking for something more... until she lost everything when Lolo died. She hated Lolo when the old man presented mommy as his daughter. She despised the old man some more when the lawyer read his last will and testament.
Kinabukasan, pinuntahan ko ang unang Winery sa list na binigay sa akin ng matanda. Meron ng mga tao doon para sa wine tasting. Nilapitan ako ng isa sa organizer ng event.
"Hi... May I help you?" Tanong nito.
"Yeah. Sorry, I am wondering if you are entertaining a walk-in." I gave her my brightest smile.
"Oh...yeah sure." Namula ng konti ang babae.
"If you could please follow me." Sabi niya.
Sinundan ko ang babae sa reception area. She asked me to fill in the necessary information. I leave my phone number blank.
"Sorry, you need to fill out all..." She said.
Nakatingin siya sa information sheet ko. "Chase." She said my name.
"I don't have a phone number here in France," I said. She is now eye-fucking me... gayang Flight Attendant sa private jet.
"Chase?"
I heard my name at napatingin ako sa likuran ko.
"Summer. Bakit nandito ka? Sino ang kasama mo?" Nagtatakang tanong ko.
Of all people na makikita ko, si Summer pa talaga. Masyado bang maliit ang mundo para sa aming dalawa?
-------------
A/NCoincidence ba yan or Serendipity? Ano man ang itawag niyo, basta nagkita sila sa France.
BINABASA MO ANG
More Than Words (Completed)
RomanceChase Marcelo is the rightful heir of the Ongpauco Group of Companies. Sa kanya ipinamana ng namayapang lolo ang lahat ng kayamanan nito leaving his wife and adopted daughter with nothing. Kaya ang stress level niya ay kasing taas ng responsibilitie...