Chapter 2: Si Father Deng

4.3K 299 31
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Gabi na nang nakauwi si Father Markus sa sarili niyang bahay, anim na kanto mula kina Bishop Israel. Isang unit sa hilera ng mga up and down na townhouse. Hindi man bago ang townhouse, 90s-style, pero maayos at well-maintained. Patirahan ito ng simbahang Katoliko para sa mga pari, kadalasan sa mga bumibisitang foreign missionaries.

"Gooda evening to you, Father Markus," bati ng maitim na lalaking naka-itim na pampari, isang African at may accent. Nasa labas ito ng kanyang townhouse na katabi ng kay Father Markus.

"Good evening, Father Deng," balik ni Father Markus.

"It'se good to see you back," ngiti ng paring Aprikano.

Maamo ang mukha ni Father Deng at may malawak na ngiti, ang maputi niyang ngipin ay contrast na contrast sa kanyang maitim na balat. 54-years old, siya'y taga-Rwanda at narito para sa isang missionary work. Nang una silang magkakilala, ay nahirapan si Father Markus na i-spell ang buo niyang pangalan na Ndengeyingoma, kaya't ginawa na lang nilang "Deng" for short.

"Ndengeyingoma," sabi noon ni Father Deng. "It means "de one who guards de throne."

At pinakita noon ng Rwandan ang litrato ng kanyang pamilya-ng isang matipunong lalaki, ang asawa nito't bitbit na babaeng sanggol.

"Des es me brother Mugabo which means "man," turo ni Father Deng. "Des es his wife Uwimbabazi, which means "She who es merciful. You see, father, dey are med for each ader."

Napangiti si Father Markus, natuwa na ang mga pangalan nila'y may mga kahulugan.

"And the little girl?" tanong ni Father Markus.

"Her nem es Shakira," ngiti ni Father Deng.

"Which means?"

"She was nemd after de dancer," sabi ng Aprikano at ginewang ang balakang. Nagets ni father ang tinutukoy niya, at napangiti.

Simula noon, ay naging close na sila ni Father Deng na ilang beses na ring niyaya si Father Markus na sila'y magkape sa kanyang townhouse. Kaya't kahit na pagod sa biyahe ay hindi natanggihan ni Father Markus ang anyaya ng kaibigang Aprikano na magkape. Hindi rin niya nakalimutan na pasalubungan ito. Nang magtungo sila sa kitchen ng townhouse ni Father Deng ay laking gulat ng Rwandan priest.

"This is for you, father," inabot ni Father Markus ang bag ng coffee beans na binili niya sa Italy.

"Ah! I tenk you, father!" masayang tugon ni Father Deng, ang package ay may tatak na Molinari Roasted Coffee Beans. "This es de very best kind! I will mek us cofi now!"

Tama lang ang laki ng up and down na townhouse. May dalawang kuwarto sa itaas-isa dito'y Master's Bedroom na may sariling banyo. Sa ibaba, maluwag ang sala, kitchen at dining room, at may isa pang banyo. Carport sa harap at munting garden sa likuran. Marble tiles ang sahig sa ground floor, at barnisadong wood parquet naman sa second floor. May kalumaan na ang townhouse kaya't wallpaper pa ang uso.

Habang nagpe-prepare ng kape sa kanyang coffee maker si Father Deng ay nagpakuwento siya kay Father Markus tungkol sa trip nito sa Rome. Itinago ng Pilipino ang tunay na pakay niya sa Roma, ang imbitasyon ng Sacredo Institute. Inilihim din niya na isa siyang exorcist. Aniya, naanyayahan lamang siya ng mga Italiano bilang cultural exchange.

Madalas nilang mapagkuwentuhan ang kanilang mga missionary works, partikular ang karanasan ni Father Markus sa Africa kung saan sila nagkakilala ni Bishop Israel at muntik mapatay ng mga rebeldeng Hutus. Isang Rwandan, witness si Father Deng sa giyera ng mga Hutus at Tutsis. Ang mga massacre. Ang ethnic cleansing. Sa kanyang nasaksihan ay napupunta ang topic nila sa moralidad. May sariling pananaw si Father Deng ukol sa good and evil. Na nakita na niya ang the best and worst sa tao sa kanyang buhay sa Rwanda.

"De devil makes men do terrible things, father," ilang beses niyang nasabi.

Masarap ang imported na Italian coffee. Sa aroma pa lamang nito'y mapapapikit ka na. The best blend ng Arabica and Robusta beans. Sabay silang nag-sip at napangiti.

"Ah, des es life's lettle joys," muni ni Father Deng.

Nag-agree si Father Markus. Masarap ang kape, dahilan para mag-tig-isa pa silang tasa.

"Oh, en bey de wey," sabi ni Father Deng habang ni-refill ang tasa nila. "Der are strenge noises in your apartment. Meybe rats."

"Rats?" pagtataka ni Father Markus pagka't sa pagkakaalam niya'y wala siyang nakikitang daga sa kanyang bahay.

Sinabi ng Rwandan priest na narinig niyang malalakas na kaluskos sa sahig sa gabi, maging sa tanghali. Natural lamang daw na kapag walang tao sa bahay ay nagpupugaran ang mga daga't ibang peste, lalo na't madilim.

"Don't you worre. Tomorrow, I will call de extermenetor," promise ni Father Deng.

"Okay," ngiti ni Father Markus, pero naroon pa rin ang bahid ng pagtataka.

At nang pick-upin niyang tasa para uminom ay nagulat siya.

Pagka't may nakita siyang mukha na lumulutang sa kape. Mukha ng dimonyo. Saglit lang ito, pero sapat para mabitawan ng pari ang tasa at mapatayo sa kinauupuan.

Natapon ang kape sa mesa at tumulo sa sahig. Agad na kumuha ng basahan si Father Deng para punasan ito.

"Father? Are you alright?" nagulat si Father Deng sa nangyari.

Hindi agad nakasagot si Father Markus, bago:

"Y-yes...I'm okay," kanyang sabi, pero halatang nagulantang siya. Isa na namang vision ng dimonyo ang nagpakita sa kanya.

"Mebe, de cofi es too strong?" tingin ng Aprikanong pari sa tasa.

"No..." sabi ni Father Markus. "Just tired."

"Mebe you better rest," suggest ni Father Deng.

Tumango si Father Markus at nagpaalam. Nagpasalamat muli si Father Deng sa pasalubong na kape at sila'y nagkamay. Saglit na napaisip ang Aprikanong pari sa nangyari, pero nagtaas na lamang siya ng balikat, at ipinasawalang-bagay ang nangyari. Bumalik ng kanyang townhouse si Father Markus para magpahinga, pero hindi agad siya nakatulog.

NEXT CHAPTER: "Hindi Ito Mga Daga!"

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon