"What the fuck?! Hindi nga?!"
Bulalas ni Hannah nang sabihin sa kanila ni Bishop Israel ang nangyari sa dungeon kung saan prinoclaim ng mga dimonyo na sila at si Father Markus na ngayon ay iisa. Nasa loob silang lahat ng opisina ng obispo, kasama si Hepe na tigatig pa rin sa nakita. Sa bintana, dinig nila ang boses ng pastor sa simbahan na nagkakasal, nasa homilya na ito kung saan sinasabi niya ang kahalagahan ng pagsasama ng mag-asawa.
"Ito ang kinatatakutan ko," diin ng bishop. "If it's really true na na-corrupt na nila si Father Markus, mahihirapan tayo na mapatalsik ang mga dimonyo."
"Kahit na may mga artifacts tayo?" tanong ni Father Paul.
"Yes, father," tango ng bishop.
"And why is that?" tanong naman ni Dr. Pontificano.
Si Jules ang sumagot.
"Like you probably all know, Father Markus has a resistance to the artifacts at ito ang ginagamit ng mga dimonyo na pangontra," aniya.
...And I quote: The love of Christ can restore to spouses the joy of journeying together. This is what marriage is all about: man and woman walking together, wherein the husband helps his wife to become ever more a woman...
"Is it because his power is actually his affinity to religious artifacts?" intindi ni Dr. Pontificano.
"Exactly, doctor," tango ni Bishop Israel.
...and wherein the woman has the task of helping her husband to become ever more a man...
Patuloy ng bishop na medyo naiinis na: "The only way na hindi magagamit ng mga dimonyo ang powers ni Father Markus is for Father Markus to resist them. Kailangan niya ring labanan ang mga dimonyo."
The path is not always a smooth one, free of disagreements, otherwise it would not be human. It is a demanding journey, at times difficult, and at times turbulent...Marriage is...
Hindi na natiis ng bishop. Tumayo siya mula sa kanyang swivel chair at nagmamadaling isinara ang mga bintana, pati na rin ang kurtina. Dahil doon ay hindi na nila gaanong nadidinig ang boses ng pastor na nagho-homilya. Inis din siya pagka't ang sinasabi ng pastor ay alam niyang hiniram lamang sa homilya ni Pope Francis.
"That's better," ani ng bishop nang maisara ang mga bintana at bumalik sa kanyang upuan. "So, where were we?"
"Affinity!" bulalas ni Hannah.
"If ah understand et correctleh, bishoop," sabi ni Father Deng. "If Father Markus has de affinety to de artifacts, then using de artifacts will only mek de demoons stroonger."
Nagkatinganan ang lahat. May matinding point ang Aprikanong pari.
"Shit, you may be right, father," sabi ni Mayor Arteza.
BINABASA MO ANG
Alagad ng Diyos, Kampon ng Dimonyo
HorrorSa ikatlong libro ng serye, mahaharap ang JHS--ang grupo ng paranormal experts na kinabibilangan ng isang exorcist, psychic at parapsychologist sa isang kaso ng demonic possession na hindi nila kailanman inaasahang mangyayari. Ito ang epic na konkl...