One year later.Nasa kanyang opisina si Bishop Israel, nakaupo at tinitignan ang mga litrato na nasa isang folder sa kanyang mesa. Litrato ito ng isang babaeng nasaniban.
"So, what are we dealing with here?" tanong niya.
Sa kanyang harapan, nakaupo sina Jules, Hannah at Father Paul.
"42-year old na babae," sagot ni Jules. "All signs of possession are present. Supernatural strength, speaking in a foreign language, levitation..."
"History of mental ilness?"
"Negative."
"Have you met the subject?"
"Yes, bishop," sagot ni Hannah. "Nagpakilala na kami."
Saglit na nagkatinginan sina Jules, Hannah at Father Paul.
Sinara ni Bishop Israel ang folder at kinuha ang letter of authorization na nagpapahintulot ng exorcism at kanyang pinirmahan. Inabot niya ito kay Jules kasama ang cheke.
"Okay, good luck," sabi ng obispo.
Nagtayuan ang tatlo para magpaalam. Nang wala na sila'y sumandal ang obispo, may iniisip. So far, capable naman si Father Paul bilang exorcist. Malakas ang faith nito, nakita na niya at napatunayan na nila iyon. Besides, at naaliw itong sinabi ni Jules sa kanya noon, na hindi na nila kailangang baguhin pa ang pangalang JHS, bukod sa disrespectful ito kay Father Markus, ay nagkataon naman na ang apelyido ni Father Paul ay Suarez.
Kinuha ni Bishop ang tasa ng tsaa at nagtungo sa bintana kung saan pinanood niya sina Jules, Hannah at Father Paul na sumakay sa Hi-ace at lumisan. Kampante siyang humigop ng tsaa. Kung sa experience lang, aniya, wala nang mas may-experience sa kanila—sila na nakaharap na ng isang dimonyo, in the flesh. Masasabi niyang malaki ang tiwala niya sa team na ito.
#
9:40 PM.
Ginabi si Bishop Israel sa kanyang opisina. Maraming paperwork ang kanyang inasikaso at mga email na galing sa Vatican at mga archdiocese sa ibang bansa na kanyang nireply-an. May network na sila ng mga exorcists. Sinara niyang laptop, tumayo, pinatay ang ilaw at lumabas ng kuwarto.
Tahimik sa corridor at maingay ang tunog na ginagawa ng kanyang sapatos sa tile na sahig. Naguwian na ang mga staff, except sa panggabi na security guard.
"Good night, sir bishop," sabi ng sikyo.
"Good night," balik ni Bishop.
Naglakad ang obispo patungo ng exit. Malapit nang makalabas ay muntik siyang madulas. Nagtaka siya. Nang tignan niya ang sahig ay nalaman niya ang dahilan kung bakit muntik na siyang madulas:
May putik sa sahig.
Yumuko si Bishop at tinignan ang putik, hinawakan niya ito't inamoy at ang nasabi lang niya ay:
"Hell soil."
Kinabahan si Bishop Israel. Kung may hell soil rito'y iisa lang ang ibig sabihin nito—may dimonyong nakatakas sa impiyerno at naririto ngayon sa mundo.
Gustong tawagin ni Bishop ang guwardiya nguni't wala na ito.
Tinignan niya ang hell soil sa sahig—ang bakas nito'y nasa kahabaan ng corridor, at mukhang papunta sa altar. Nanginig ang tuhod ng obispo pero naglakas-loob siya at kanyang sinundan ang mga bakas. At tulad ng kanyang inakala, ang putik ay nagtapos nga mismo sa harapan ng altar.
At doon sa altar naaninag niyang may nakatayo na isang nilalang. Nababalutan ito ng itim, ng putik, ng hell soil. Nakatalikod ito't nakatingin sa imahen ni Kristo na nakapako sa kurus.
Nanlaking mga mata ni Bishop Israel. Demon! Hindi siya handa sa kumprontasyon na ito. Tumingin siya sa kasuotan at nakita niyang nakalimutan niya ang kanyang rosaryo. Tumingin siya sa paligid at nakita ang estatwa ng isang santo na may hawak na crucifix. Lumapit siya rito at hinugot ang bakal na kurus mula sa kamay ng estatwa.
"St. Francis, if you don't mind, pahiram muna..." sabi ng obispo
Hawak ang kurus ay lumapit si Bishop Israel sa itim na nilalang.
"Demon!" sigaw ni Bishop Israel habang itinutok ang kurus. "In the name of God the Father, Jesus Christ his Son, and the..."
"Reginald..."
Natigilan si Bishop Israel nang marinig ang pangalan niya at kanyang ibinaba ang kurus. Kilala niya ang boses. Pero hindi siya makapaniwala. Humarap sa kanya ang nilalang, at bagama't balot ito ng putik mula ulo hanggang paa ay namukaan niya pagka't kilalang-kilala niya ito.
"Markus?"
"Bishop..."
Si Father Markus nga at ang hitsura niya'y para ba siyang gumapang sa putik. Histura niya ang para bang galing sa matagal na pakikipaglaban. Sa pakikipagsagupaan.
"Markus! But how?!" nagtatakang bulalas ni Bishop Israel. Hindi siya makapaniwala na kaharap niya ngayon ang pari.
Hindi na kinailangan ni Father Markus na ikuwento, kanya lamang itinapat ang kanyang kamay sa obispo. At bigla, nagka-vision si Bishop Israel—nakita niya ang lahat ng nangyari simula nang pumasok si Father Markus sa portal isang taon na ang nakakalipas. Nakita niya kung paano nilabanan ni Father Markus ang Trinity of Evil—sina Asmodeus, Belial at Mephistopheles, kasama ang mga kampon nila. Nakita niyang hindi nag-iisa si Father Markus, pagka't kasama ng pari sa pakikipaglaban ang mga anghel ng Diyos. Nakita niya ang isang epic na labanan na naganap sa Netherworld.
At ngayon, naririto na ang pari at kaharap niya.
Ganon na lang ang saya ni Bishop Israel na muling makita ang kaibigan at siya'y naluha. At nakita niyang may kakaiba sa pari. May kakaibang aura. Mas maliwanag. Mas banal. Nakita niya sa katauhan ni Father Markus na lumawak ang kaalaman nito at experyensya. Naramdaman niyang lumakas pa ang kapangyarihan nito.
Nguni't, may hatid na masamang balita si Father Markus.
"May padating na giyera, bishop, ng mga anghel at dimonyo at tao," sabi ng pari. "At dito sa mundo iyon magaganap. Kailangan nating lumaban."
"Lumaban?" pagtataka ni Bishop. "Pero, paano?"
Ipinakita ni Father Markus ang hawak-hawak niya.
At nanlaki ang mga mata ni Bishop Israel.
Sa kamay ng pari ay ang tatlong artifacts.
Copyright © 2018 All rights reserved.
BINABASA MO ANG
Alagad ng Diyos, Kampon ng Dimonyo
HorrorSa ikatlong libro ng serye, mahaharap ang JHS--ang grupo ng paranormal experts na kinabibilangan ng isang exorcist, psychic at parapsychologist sa isang kaso ng demonic possession na hindi nila kailanman inaasahang mangyayari. Ito ang epic na konkl...